Kabanata 14

3K 112 5
                                    

Doctor Mille

PRINCE CLAY

"WHATTT?" Malakas na sigaw ni princess sharina ng marinig ang dahilan kung bakit kami rito

"And for your information , Princess Sharina. Binuhat siya ni Brother Drax HAHAHAHAHAHA--- AWWW!" Napailing na lang ako ng sabunutan ni princess sharina si brett dahil sa sinabi nito

"Kahit kailan hindi ako binuhat ni baby drax tapos ang isang tagalingkod na to nabuhat na niya!" galit na galit nitong wika at nilapitan si chevy habang hila-hila sa buhok ni Prince Brett "Mukang hirap na hirap na siya sa kalagayan niya bakit hindi na natin tapusin ang paghihirap niya" wika nito at bigla kaming naging alerto ng lumabas ang mga string sa kamay nito agad ako humarang sa harapan niya

"Princess Sharina" may babala sa boses ko habang nakatingin sakanya tila naiinis na tumawa ito at nawala sa kamay niya ang mha string

"Seriously? Nag-aaksaya kayo ng oras at panahon ng dahil lang sa isang katulog! Kung mamatay siya dahil sa prinsesa sapat na iyon hindi niyo na kailangan pag-aksayahan ang isang katulong" umirap ito at tumalikod saamin at lumabas naman ng kwarto pagkalabas nito ay ang pagpasok naman ni Princess Hailey

Para itong nakakita ng multo habang nakatingin saakin

"Prince Clay, Huminahon ka" bulong ni brett saakin at hinawakan ako sa balikat ko

Agad ako natauhan masama na pala ang mga tingin ko dahil siguro sa sinabi ng prinsesa mabuti na lang kasama ko si Prince Brett dahil baka magkagulo pa

"Princess Hailey, Patawad" yumuko ako ng bahagya sa harapan niya

"May ginawa nanaman ba ang magaling na kapatid ko?" tanong nito pero umiling nalang ako ayoko na pahabain pa ang usapin tungkol doon ang importante ay mahanap namin si doctor mille

"Ngapala, Kamusta ang tungkol sa doctor , Princess Hailey?" tanong ni Prince Brett kaya umatras ako para mag-usap sila pero nakikinig ako

"Iyon nga ang ipinunta ko rito. Huling nakita raw si Doctor Mille ay sa Heart Central Town dalawang araw na ang nakakalipas pero hindi kami sigurado kung nandoon pa siya kaya magpapadala kami ng mga kawal para ------"

"Princess Hailey hindi na. Sapat na ang impormasyon na iyon kami na mismo ang pupunta doon para tingnan kung andoon pa siya" nag-aalangan tumingin saamin ang prinsesa ngunit napabuntong hininga na lang siya at tumango dahil sa sigurado at buo na ang disesyon namin na nakikita niya sa muka namin

"Kung ganoon ipapahanda ko na ang karwahe para makaalis na kayo agad!" tatalikod na sana ito ng magsalit ako

"Gusto ko din sana na magsama ng isang doctor sa aming pag-alis"

Nakaamang na napatingin saakin si Prince Brett at parang alam na nito ang dahilan kaya ko sinabi iyon. Nagtataka naman na napatingin saakin ng prinsesa

"Nagbibiro ka lang , Prince Clay? Hindi natin maaaring isama si chevy doon! Mahinang mahina ang katawan niya baka gusto mo ay lalong lumala ang kalagayan niya sa gagawin mo-----"

"Prince Brett, Mabuti nang dalhin na natin si Chevy doon lalo't walang kasiguraduhan kung andoon pa ang doctor alam mo naman na apat na araw na lang ang meron tayo hindi ba?" napailing iling na lang si prince brett at hindi nagsalita ang prinsesa at lumabas na lamang ng kwarto

"Bahala ka pero kapag namatay si chevy kasalanan mo iya---"

"Hindi siya mamatay"

-------

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now