Kabanata 19

2.8K 101 1
                                    


Maling akusa

CHEVY NIARA

Halos dumugo na ang labi ko kakakagat ko para pigilan ang pagsigaw ko dahil sa paghahampas saakin ni Mistress Anna ng stick sa likod ko

Paniguradong mahihirapan ako sa paghiga mamayang gabi dahil dito

Nakatingin lang ang ibang maids saakin at ang iba naman ay nakayuko na tila takot na takot shit! Bakit kasi nakalimutan kong may mata sa kahit saang lugar itong si Mistress Anna ayan tuloy nabato ko ng tambo sa muka ang prinsipe at ito na ako ngayon pinagbabayaran ang ginawa ko huhuhuhuhu

"Sino ka ba sa akala mo chevy? Katulong ka lang rito at wala kang karapatan na ganon si prinsipe clay!" sermon nito saakin at patuloy sa pagpalo saaking likod kaya naluluha na ako ohmygosh! Hindi naman masakit yung nangyari sa prinsipe bakit ganto to si Mistress Anna

"Sa susunod na makita kung gawin mo iyon hindi lang iyan ang matatanggap mo sakin!" tinigil na nito ang pagpalo sa likuran ko "Wala kang hapunan ngayon at hindi ka makakatanggap ng pagkain bukas bilang parusa mo" napataas ang tingin ko habang nakadapa at balak magreklamo ng sumalubong ang sobrang tapang nitong ekspresyon saakin kaya natahimik ako at napaupo na "Ang magbibigay ng pagkain sakanya ay makakatanggap ng parusa saakin naiintindihan niyo?" narinig ko ng pag-opo nila atsaka kahit hindi sabihin iyon ni mistress anna tingin ko hindi ako bibigyan ng mga bruhildang maids dito ng pagkain

Lumabas na ang mistress anna kasama ang nagsisilbi dito at ako napaupo sa pagkakadapa at inabot ang likod ko para pakiramdam ko

Napa-aray ako ng mahawakan ang sugat sa aking likuran shit! may pantal o bakat ng mga stick na pinalo saakin at alam ko may maliliit rin sugat roon tangnalifedis wala ito sa usapan namin ni mr.kidnapper patay saakin yun kapag nacontact ko ito kakainin ko siya ng buhay amp

"Bagay lang sakanya yan masyado kasing papansin sa mga prinsipe e"

"Sana palagi siyang paluin ni Mistress Anna para madala yan at hindi na lumandi sa prinsipe"

"Nako! Baka lalo niya landiin yung prinsipe tapos kapag nagkagusto na sakanya yung prinsipe ay saka niya api-apihin si Mistress Anna"

"Tama"

"Landi talaga hindi marunong lumugar e"

Napairap na lang ako dahil sa mga naririnig ko wala talagang araw na mananahimik ang mga mutsatsang frog na mga ito.

Humiga na lang ako sa higaan ko at pinilit ang sarili ko makatulog dati kasi kapag may masakit saakin natutulog ako para hindi ko maramdaman yung sakit pero ngayon hindi ko magawa dahil sa ingat at hapdi na rin ng sugat ko

Kaya hanggang sa pagdating ng hapunan ay nakadapa ako at nilalanghap lang ang kinakain ng mga maids na ito at hanggang sa pagtulog hindi ako makatulog dahil sa iniinda kong sakit sa ulo

Napagdisesyonan ko na lamang na tumayo at maglakad lakad sa labas baka sakaling madalaw ako ng antok at ayos na kahit sa hallway na lang ako matulog

Dinala ako ng paa ko sa may hardin kaya agad akong tumakbo sa isang malaking puno para umupo roon at yakapin ang tuhod ko hindi ako sumandal sa puno kasi nga masakit ang likod ko

Dumokdok ako sa may tuhod ko at pilit na pinapatulog ang sarili ko. Nakaramdam naman ako ng antok dahil sa masarap na ihip ng hangin pero nawala iyon ng makaramdam na isang bagay na papalapit saakin bago pa man lumapit ang bagay na iyon saakin ay kusang kumilos ang katawan ko at gumilid

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now