Kabanata 15

2.8K 98 0
                                    


Fight in the middle of night

PRINCE BRETT

"Patawad ngunit wala na rito si juliet. Umalis siya kasama ang dalawa niyang kaibigan at sumama sa isang lalaki" nagkatinginan kami ng kawal dahil sa sinabi nito nilapitan ko muli ang babae nakita ko bigla itong namula

"Maaari mo bang sabihin kung sino ang kasama nilang lalaki? At sila nagpunta?" tanong ko rito pero umiling lamang ito

"Kung gusto mo ay may ibang babae pa naman rito na pwe----"

"Alam mo ba kung saan siya nakatira?" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito wala ako oras para makipaglaro kailangan ko makita ang babaeng may alam kung saan namin matatagpuan ang doktor

Sumimangot ito "Alam ko ngunit hindi namin pwede sabihin saiyo" ani nito at tatalikod na sana ng harangan ng kawal ng spear ang dadaanan nito

"Binibini...." tawag ko rito at lumingon naman ito saakin saktong inihagis ko limang ginto na nakabalot sa isang tela "Limang gold para sa impormasyon" nakita ko ang panlalaki ng mata nito ng makita ang limang gold sa loob ng maliit na tela

"O sige sasabihin ko na pero huwag niyo sabihin kay juliet na ako nagsabi sainyo ng tinitirhan niya hindi ako sigurado kung ano kailangan niyo kay juliet pero kanina may nagtanong rin saakin kung saan nakatira si juliet. Sasamahan ko na lang kayo sa bahay niya para hindi na kayo maligaw" tumango ako at sinundan siya ng maglakad ito ng nagmamadali

Hindi ko maiwasan mangiti kung paano magiging proud saakin si Prince Clay kapag nahanap ko si Doctor Mille paniguradong sobrang magiging proud iyon saakin

Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa isang maliit at batong bahay na may kahoy na pintuan

"Hanggang dito nalang ako aalis na ako" paalam nito at nagmamadaling umalis malayo ito sa aming tinutuluyan

Sinenyasan ko ang kawal na kumatok. Kumatok naman ito pero walang bumukas ng pinto kaya pinaulit ko sa kawal ang pagkatong

Kumatok muli ito pero wala pa rin nangunit na ang noo ko dahil doon. Sumigaw na ang kawal pero wala pa rin baka wala rito ang babae

"Buksan niyo" utos ko sa mga kawal at sinipa nila ang pintuan saktong pagbukas ng pinto ay ang paglipad ng isang sibat mula sa loob at tumama sa balikat ng kawal mabuti na lang mabilis ang reflexes ng kawal kung hindi ay baka sa dibdib niya ito tumama

Nataranta bigla ang mga kawal at tumagilid para hindi tamaan kung may magbato man ng sipat o kutsilyo

"Sino nandyan? Lumabas ka kung ayaw mo mamatay" sigaw ng isang kawal na hawak ng mahigpit ang kanyang sibat ngunit walang nagsalita kaya umayos ako ng tao at humarap sa pintuan

"PRINCE!" Sigaw ng mga kawal dahil sa ginawa ko ngunit wala naman na sibat ang umatake pero nanliit ang mata ko sa nakita ko sa loob

"Walang tao. Pasukin niyo" utos ko sa mga ito nag-aalangan pa sila pero tiningnan ko sila ng masama kaya wala silang nagawa kundi ang pumasok sa loob at sumunod ako

"Anong----" hindi naituloy ng kawal ang sasabihin habang nakatingin sa mga gamit na nakatumba at sa sobrang gulo ng loob

Pero ang nakakuha ng atensyon kay ang kulay pulang likodo na nakasulat sa dingding

Sabihin mo kung nasaan si doctor mille o papatayin namin ang kapatid mo

Hindi na ako nagtagal sa loob dahil nakuha ko na agad ang nangyayari

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now