Kabanata 6

3.3K 131 1
                                    

Kiss

Pabalik na sana ako kila Prince Clay ng biglang may humila sa aking kamay na lalaki may salamin ito at muka siyang Butler sa totoo lang gwapo rin slight pero mas gwapo mga prinsipe pero di na masama pero bakit niya ako hinihila palayo?!?

What the hell?!?!

"Bitawan mo nga ako!" sigaw ko sa kung sino mang kumakaladkad saakin palayo tumingin ako sa likod ko kung saan papunta kay prince clay putcha lagot ako nito

Umupo ako para hindi niya ako makaladkad kaya laking gulat ko ng humarap siya saakin par buhatin ako

"Ika-apat na prinsipe?" hindi makapaniwalang anas ko pero natauhan rin ng makitang buhat buhat niya ako ng parang sako

Nasa likod ang ulo ko at nakapalibot ang braso nito sa hita ko! Ohmygosh!

"P-prince.." namumulang anas ko habang nasa ganon posisyon pero nawala din ang pagpula ng muka ko ng makita ang ibang co-maids ko na di makapaniwalang nakatingin saakin

ISSUE NANAMAN AKO NITO?!?!

"PRINCE IBABA MO AKO! MAGLALAKAD AKO!" Sigaw ko na may inis sa boses napalo ko pa siya sa likod niya pero pinalo niya ako sa pwet kaya tumili ako

WHAT THE HECK!

"Huwag kang malikot kung ayaw mo ulitin ko iyon" banta nito saakin kaya namula ako tangina! Anong problema ng mga prinsipe sa mundong ito? Bakit nila ako ginaganto?!?

---

Tiningnan ko ng masama ang prinsipe ng ibaba niya ako sa lapag habang nakasandal ito sa pintuan na pinasukan namin

"Mawalang galang na prince pero-----"

"Drax" wika nito na nagpataas ng kilay ko. Anong Drax? "Pangalan ko" maikling paliwanag nito

"Prince Drax, Mawalang galang na pero ano po ba ang dahilan at dinala niyo ako sa kwarto niyo?" tanong ko rito na magalang tulad ng sabi ko ayaw ko makaaway ang prinsipeng ito! Dahil siya ang prinsipe na may maiitim na aura na pakiramdam ko makakapatay saakin

Lumapit ito saakin na seryoso ang itsura at diretsong nakatingin saakin bigla ako kinabahan lalo't magkatapat na kami at nakatingala ako para makita siya ngumisi ito dahilan para mapaatras ako pero hinapit nito ang bewang ko kaya napasinghap ako

"PRINCE DRAX!" Hindi makapaniwala at nanlalaki ang mata ko habang nakatingin sakanya inilagay ko ang dalawang palad ko sa dibdib niya para itulak ito pero hindi man lang ito gumalaw putcha! "Prince drax bitawan mo po ako" naiinis na utos ko nakalimutan ko na kailangan huwag ko galitin ang prinsipe na ito

"Sino ka?" tanong nito kaya napa'huh' ako at tiningnan siya pero umiwas rin ng makita ang seryoso at diretsong tingin nito nakakakaba talaga bwisit

"Prince Drax bitawan mo ako!" utos ko muli at pilit na tinutulak siya pero mas hinapit niya pa ako kaya napasinghap ako muli like wth! "PRINCE DRAX!" Galit at inis na saway ko rito na hindi siya tinitingnan kasi pakiramdam ko kapag tinitingnan ko siya lalo na ang maiitim niting mata ay nadradrain lahat ng tapag ko at nagiging kuting ako

"Prince Drax! Bitawan mo na ako kailangan ko na bumalik---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng hawakan niya ang baba ko at marahas na hinarap sakanya para magkatinginan kami "K-kail-angan k-ko b-buma-lik" utal kong sabi habang nakatingin sakanya para akong lalamunin ng tingin niya ohmygosh!

"Ano relasyon mo sa Ikalawang prinsipe?" tanong nito saakin pero hindi ako makasagot dahil sa takot at kaba ko habang nakatingin sakanya "Sagot!" malakas at nakakagulat nitong utos saakin

FANTASIA WORLDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora