Kabanata 32

2.4K 102 4
                                    


CHEVY NIARA

Nasa clove kingdom kami? Pero dinukot kami bakit nasa clove kingdom kami ni niara tsaka sa mismong kaharian pa seryoso ba to o hindi?

"Bakit ganyan ang tiningnan niyong dalawa?" tanong ni ahmm hindi ko talaga maalala yung pangalan niya e basta siya na yun yung tumulong saakin

"Hindi ko alam kung maniniwala ka o hindi..." nag-aalangan na wika ko at tiningnan si niara na parang sinasabi na wag kong sabihin "Kalimutan mo na pero pwede ba ihatid mo kami palabas ng palasyo?" tanong ko rito nawala ang ngiti sa muka nito kaya kinabahan ako

"Gusto niyo lumabas ng palasyo ng kayong dalawa lang?" tanong nito saamin kaya nagkatinginan kaming dalawa ni niara muli

Napabuga ako ng hangin at tumango tango at ngumiti sakanya ng matamis

"Kung pwede----"

"Hindi pwede" putol nito sa sasabihin ko hindi ako nakapagsalita dahil seryoso ang itsura nito at tila galit pa dahil sa boses nito

"Kung ganon pwedeng tawagan mo na lang ang mga kapatid ko?" tanong ni niara na halata na kabadong kabado "Tsaka gusto ko makausap ang hari ng clove" dugtong pa nito habang diretso ang tingin sa lalaki

Maya-maya lang ay ngumiti ito ng matamis at tinalikuran kaming dalawa ni niara agad naman kaming nagkatinginan ni niara

"Kung ganon ihahatid ko muna kayo sa kwarto ko para maghintay roon habang kinakausap ko ang hari" aangal sana si niara pero pinigilan ko at sumang-ayon na lang sa sinabi ng lalaki may masamang pakiramdam ako sa lalaki parang iba ito sa nakilala ko sa diamond kingdom

Nakarating kami sa kwarto nito at pumasok naman kami sa loob.

"Maghintay kayo rito habang kinakausap ko ang hari" nakangiting ani nito at tumango kami pareho ni niara

Tuluyan na itong nawala sa paningin namin kaya napaupo ako sa may kama pati na rin si niara

"Kilala mo ba iyon chevy? Sino ba yun? Mapagkakatiwalaan ba?" sunod sunod nitong tanong hindi ko alam kung oo o hindi ako kasi iba kasi kinikilos ng lalaki

"Hindi ko alam prinsesa pero mabuti pa habang wala siya ay umalis na tayo rito" ani ko at naglakad na papunta ng pintuan pero pagbukas ko ay bumungad agad saakin ang lalaki muntik pa nga ako mapasigaw "G-ginoo.." nanginginig ang boses na tawag ko rito

"Nakalimutan mo ata ang pangalan ko lady chevy" saad nito at ganon pa rin ang itsura nakangiti parang mapupunit na nga ang muka nito dahil sa kakangiti eh!

"P-patawad" saad ko at napaatras ng umabante ito papasok "H-hindi ba't kakausapin mo ang hari?"tanong ko rito at mabilis na naglakad papunta kay niara na nakatayo na rin at tila takot na takot na sa lalaki

"Nakausap ko na siya" sagot nito

"Nasaa---"

"Ako ang hari" putol nito sa sasabihin ko bigla ako tinambol ng takot sa dibdib dahil sa sinabi nito hinawakan naman ako ni niara sa braso ko "Hindi ba't gusto mo ako makausap Princess Niara?" nakangiting tanong nito

"Hin-hindi ikaw ang hari" nanginginig na bulong ni niara rito bigla nawala ang ngiti nito at bumuka ang mata nito bahagya mas kinabahan ako ng makita ang itim na itim nitong mata as in puro itim lang talaga

"Nakalimutan ko..." wika nito at hinawakan ang muka at hinila ang balat nito napasigaw kami ni niara at napaatras pero natumba kami sa kama "Ito nga pala ang itsura ng hari" saad nito gamit ang muka na hindi ko kilala basta iba na muka niya

FANTASIA WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon