Kabanata 23

2.5K 105 3
                                    


CHEVY NIARA

Sa daming-dami tao na pinagtangunan ko kung saan ang lugar na ito sawakas ay nakarating ako

Nakapameywang ako habang nasa harapan ng isang bahay aliwan at malakas ang pakiramdam ko na ang lalaking iyon nandito

"Tanghaling-tanghali lumalandi na agad" inis na bulong ko at nagmartsa pa papasok kaya lang ay inawat ako ng dalawang babae pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang tsk.

"Binibini hindi kayo pwede rito" ani nito at nakaharang saakin.

Umikot ang mata ko at marahas silang hinawi para makadaan mukang malakas ako sakanila dahil nahawi agad sila agad bago pa man nila ako naharang ay nagmadali na akong maglakad

Binuksan ko isa-isa ang kwarto rito sa ibaba pero king ina yung ibang bakante yung iba ahmm basta alam niyo na yun tapos yung iba ewan kasi parang nagpupulong lang sila dito at may mga katabing babae tapos nag-iinoman

Umakyat naman ako sa second floor at ramdam ko na ang pagsunod ng dalawa saakin at panay ang pigil saakin pero sympre di ako papapigil no? Kailangan ko mahanap ang lalaking iyon

Malakas ko binuksan ang isang pintuan at viola andito ang hinahanap ko may dalawang babae sa gilid niya sinusubuan pa siya ng isang babae habang ang isa ay nakayapos lang sakanya

"CHEVY!" bigla itong tumayo sa pagkakaupo at tila nakakita ng multo ng makita ako "Anong ginagawa mo rito?" tanong nito saakin

"Binibini hind-----" hinawi ko ng malakas ang kamay ng babae sa balikat ko

"Walanghiya ka!" sigaw ko at sinugod ang walang hiyang si mr.kidnapper ng makalapit ako hinila ko ang buhok niyo gigil na gigil ako sa paghila ng buhok niya

Lumayo naman ang dalawang babae saamin natakot na takot

"Tangina! Hirap na hirap ako at nagpapaalipin ako sa palasyo tapos ikaw andito nagpapakasaya!" sigaw ko habang panay ang sabunot sakanya hindi ko talaga bibitawan ang buhok niya hangga't hindi natatanggal

"S-sa-aray! Hayaan mo ako magpaliwanag--aray tama na chevy!" nabitawan ko siya ng malakas niya akong itinulak pero hindi ako nagpaawat at nilapitan siya iniharang niya ang kama niya sa muka ko at pilit na inilalayo ang muka niya saakin "Chevy, Magpapaliwanag ako saglit lang!" saad nito habang tinutulak tulak ang muka ko

"Paliwanag ? Hoy! Wala ka na dapat ipaliwanag naiintindihan mo! Dahil huling-huli na kita sa akto! Nambabae ka habang ako naghihirap at muntik ng mamatay!" sigaw ko at pilit na inaabot siya kaya nakakalmot ko na ang muka niya "Papatayin kita hayop ka! Isa kang SCAMMER!" Sigaw ko

"Tangina chevy! Tumigil ka muna at hayaan mo magsalita ako!" sigaw na nito na nagagalit na din

Siya pa may gana magalit ah? Siya pa!

"Para ano? Para lokohin ako hah? Bulol hindi ako tanga!" sigaw ko at kinagat ang kamay nito sa kamay ko

"Aray!" nailayo nito ang kamay kaya mabilis ako lumapit pero may yumakap sa bewang ko at inangat tsaka ako inalayo sa lalaki

"Ayos lang kayo , ginoo?" tanong ng hinayupak sa kay mr.kidnapper "Ilalabas ko na po siya huwag------"

"Anong ilalabas? Hindi mo ako ilalabas! Papatayin ko muna ang lalaking yan bago ako lumabas dito!" sigaw ko at pilit inaalis ang braso nito saaking bewang

"Hindi huwag na kung maaari iwan niyo muna kami rito kilala ko siya" saad ni mr.kidnapper per hindi pa rin ako binitawan ng hinayupak

"Pero----" pinutol na ni mr.kidnapper ang sasabihin ng lalaki muka itong guard sa mga bar

FANTASIA WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon