Kabanata 10

3.1K 127 0
                                    

Ipis

"Princess Niara, Kanina ko pa napapansin ang panay tingin mo saakin? May problema ba?" tanong ko sa prinsesa na kanina pa panay tingin saakin habang nakahiga sa higaan niya at ako ay nakatayo medyo malayo doon

Bumangon ito at umupo sa higaan niya at ngumuso

"Nagtataka kasi ako Ate Chevy , Bakit hinubad mo ang damit na ibinigay ko saiyo? Bakit ang damit pangkatulong ulit ang suot mo? Bakit ayaw mo tabi tayo matulog? Bakit ganito na ang asta mo ngayon? Hindi ba magkaibigan na tayo?" sunod-sunod at tila naguguluhan nitong tanong kaya napabuntong hininga ako

"Princess Niara, Isa akong tagapalingkod ni Prinsipe Clay at andito ako sa tabi niyo bilang isang tagapalingkod niyo at hindi kaibigan dahil Iyon talaga ako , Princess Niara. Sana maunawaan niyo na hindi maaaring maging magkaibigan tayo" paliwanag ko rito na medyo nakayuko kaya hindi ko makita ang reaksyon nito

"Pero ..." hindi nito natuloy ang sasabihin at bumuntong hininga na lang "Patawad" bulong nito at bunalik sa paghiga sa kanyang kama

Ilang oras din bago nakatulog ang prinsesa kaya late na rin ako natulog at sa lapag lang ako natulog since ayoko tumabi kay Princess Niara.

Kahit ayoko at nahihirapan ako matulog sa lapag ay pinilit ko ang sarili ko pagkatapos talaga nito at pagbalik namin sa Spade Kingdom ay hindi-hindi na ako lalapit at didikit sa mga prinsipe at kahit sa prinsesa ayoko na muli maulit ang nangyari kanina

At hindi ako iyong tipo na mahaba ang pasensya sa mga katulad nila dahil hindi ako lumaki rito at lumaking may takot sakanila ano bang alam ko? Sana talaga ay nakinig ako kay Mr.Kidnapper edi sana hindi nangyayari ito

Nagising ako sa isang malakas na sigaw agad akong napabangon sa kinahihigaan ko pero napabalik rin at napapikit ng mata ng maramdaman ang sakit sa leeg at likod ko

"Ahhhhhhhhhh!" nakangiwing iminulat ko ang mata ko at hinanap ang boses ng prinsesa na tumitili doon ko nakita na nakatayo ito sakanyang kama at may hawak na libro na parang handang ipalo sa kung ano nasa ibaba ng kama

Dumako naman ang tingin ko sa kung ano ang nasa ibaba muntik na din ako tumili ng tumambad saakin ang isang ipis na gumagapang pero imbis na tumili ay umatras ako hanggang sa tumama ang ulo at likod ko sa upuan

"AAAAAAAAHHHHHHH!" sigaw muli ni princess niara habang nakatingin sa ipis na gumapang papunta sa kama niya pero agad lumiko ito at saakin naman ang punta

Agad ko kinuha ang nadampot kong unan at ipupokpok sa ipis iyon of course takot ako sa ipis. Ipis na ata ang pinakaayaw kong nakita at halos sumpain ko ito tuwing nagpapakita saaming bahay dati. Iniyakan ko din yan ng may malaglag na ipis sa buhok ko hagulgol ako ng sobra noon

Ihahampas ko na sana ang unan na hawak ko ng bumukas ang pintuan napatingin ako doon pati ang prinsesa

"Princess Niara? Chevy?" nagtatakang nakatingin saamin si Prince Eion at ganon rin ang mga kawal na kasama nito at si Prince Brett

Pero bigla nalukot ang muka ko at kumibot ang labi ko ng makaramdam na gumagapang sa binti ko lumunok ako ng huminto ito at pinipigilan ko ang sarili ko tumili

Calm down, Chevy! Easy la----

Nang muli itong gumalaw saaking binti papunta saaking hita ay hindi ko na napigilan ang sarili

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH" Sigaw ko habang pinapagpagan ang palda ko at pinapalo palo para malaglag ang ipis ngunit pataas ito ng pataas naramdaman ko na ito sa likuran ko

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now