Kabanata 8

3.3K 145 3
                                    

Airship

Pagkapasok sa loob ng kwarto ng prinsesa ay sinarado agad niya ito at nilock tsaka hinila sa kama niya para umupo

"Prinsesa doon na lang tayo sa upuan huw----" itinapat niya ang daliri nita sa labi ko at pinaupo

"Hindi ako makapaniwala na totoo ang sinabi ni prince brett. Hindi ka nga mukang katulong" mahinang saad nito at ngumiti ng matamis "Walang duda kaya siguro ay nawili saiyo ang mga kapatid ko" nagtaka ako sa sinabi nitong nawili sinong nawili saakin?

"Anong ibig niyo sabihin Prinsesa? Nawili para paglaruan?" mahina ako hinampas ng prinsesa at tumawa ng tumawa okay parang brett din siya "May tanong rin ako prinsesa bakit mo hiniling na bumalik ako para maglingkod kay prince clay?" Tumigil ito sa pagtawa at ngumiti saakin

"Alam mo kasi itong si kuya clay nong kasama ko siya tuwing tatawagin niya ang katulong niya pangalan mo ang binabanggit niya kaya tinanong ko kung sino ka kay Kuya Brett, Sabi ni kuya brett ikaw daw yung nagsisilbi sa may kusina tapos kinain mo raw yung pagkain niya tapos nahuli ka ni kuya clay at dahil doon kinuha ka ni Kuya clay para magsilbi sakanya dahil sa kapangahasan mo noon" tapos tumawa ito ng mahina pero ako gusto ko ng patayin si brett dahil sa kadaldalanan nito "Sabi pa ni kuya brett nong dumating ka sayo nabaling ang atensyon ni kuya clay kesa sa pagpapakasal ni Kuya Eion at Ate Aledea.." bigla itong napayuko at nanlumo "Matagal ng gusto ni kuya clay si ate aledea kaya lang itinakda na ipakasal ang panganay na anak ng Diamond Kingdom sa panganay na anak ng Spade Kingdom" bigla ako napaisip sa sinabi nito antagal ko na dito este medyo lang ilang araw na ako rito linggo na nga pero hindi ko pa rin alam kung anong kingdom ito shit baliw talaga ako "Naalala ko ikaw rin yung babae nasa loob ng kwarto ni kuya clay ng magwala siya hindi ba?" tumango ako naalala ko iyon sobrang kalat ng kwarto ni Prince Clay

"Kaya nagwala si kuya clay noon ay dahil sinabi na ng hari na idedeklara na sa diamond kingdom at dito sa spade kingdom na malapit na ang pag-iisang dibdib ni kuya eion at ate aledea" malungkot nitong dugtong bigla tuloy lalo ako naawa kay Prince Clay dahil sa sinabi ng prinsesa "Pero dumating ka nakuha mo ang atensyon ni kuya nabaling mo ang atensyon ni kuya sayo" bigla ako nagulat sa sinabi nito at hinawakan pa ang magkabilang kamay ko "Hindi lamang iyon pati na rin si Kuya Drax..." bigla sumama ang itsura ko sa binanggit nito si Drax kasi ang no.1 hate ko na prince dito habang buhay ko ata iyon isusumpa "Nang humiling ako kay kuya drax tungkol sayo naikwento niya ang nangyari bago ka umalis sa pagiging lingkod mo kay kuya clay..." sabi nito na parang naiinis bigla ako kinabahan sinabi nong drax na nagkiss kami? "Pero maniwala ka Ate Chevy mabait si kuya drax tahimik nga lang pero hindi siya manyak"

Naghep-hep ako sakanya at inalis ang kamay nitong nakahawak saakin

"Hinalikan niya ako ng walang paalam" sabi ko rito na galit na galit pero tumawa lang ito

"Oo hindi ko alam kung bakit ginawa niya yun pero ang dahilan saakin ni kuya drax ay dahil ang ingay mo raw" bigla ako napaisip sa sinabi nito hindi naman ako maingay nanahimik nga ako tsaka kabadong kabado ako non hindi ako makapagsalita sinunggaling "Pero ate chevy isa lng ang sigurado ko interesado rin si kuya drax sayo hindi madaldal si kuya drax pero nagkwekwento iyon saakin ang sabi niya nga kakaiba ka raw dahil ikaw lang daw ang..." bigla ito tumawa ng mahina "tumuhod sa may ano niya na hindi natatakot ibig ko sabihin parang hindi ka daw natakot mamatay dahil sinaktan mo si kuya drax alam mo naman siguro ang patakaran oras na saktan mo ang isang prinsipe o prinsesa ay papatawan ka agad ng kamatayan" bigla ako namutla sa sinabi nito oo nga pala nakalimutan ko iyon putcha! "Pero wag kang mag-alala hindi ka namin isusumbong wala rin nakakita" sabi nito sabay kindat

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now