Kabanata 16

2.8K 116 4
                                    

Blood Stone

PRINCE CLAY

Nang makarating ako sa itinurong daan ng babae papunta sa sinasabi nitong tirahan ay wala akong ibang nakita kundi ang isang puno na may naglalakihang bato sa ibaba

Agad ko binaba si chevy sa gilid at binuhat ang mga naglalakihang bato paalis sa puno ang sabi ng babae may daan daw dito pababa kung saan nakatira si Doctor Mille.

Ayaw ko maniwala dahil baka trap ito pero kailangan ko maniwala kung ayaw ko mamatay si chevy

Nang tuluyan ko ng matanggal ang mga bato isang pintuan pababa ang nakita ko agad ko iyon binuksan at pagkatapos ay binuhat muli ang hirap na hirap na si chevy para bumaba papunta kung nasaan si doctor mille

Tuluyan na akong nakababa at madilim na daanan papunta sa hindi ko alam ang nandoon. Naglakad na ako medyo mahaba iyon kaya ilang minuto rin ako naglakad hanggang makarating sa maliwanang na silid

Para lang itong normal na bahay walang special maliban sa iilang sandata na nakasabit sa dingding

"Welcome Prince Clay" naalerto ako at napaharap sa gilid ko kung saan nanggaling ang boses.

Isang babaeng nakasalamin ang nakatayo habang hawak ang isang libro at nakasandal sa bookshelf nito

"Ikaw ba si Doctor Mille?" tanong ko rito ibinaba nito ang hawak at inayos ang salamin at lumapit saakin pero umatras ako kaya ngumisi ito

"Oo ako nga , Prince Clay. Kung ako sayo ay mamaya mo na ako tanungin dahil mukang hindi na kakayanin ng babaeng iyan ang kalagayan niya" dahil sa sinabi nito ay napatingin ako kay chevy na parang ano mang oras ay mawawalan na ng hininga "Sumunod ka saakin" saad ng doktora at naglakad sa isang pintuan kahit ayaw ko sumunod ako kailangan ko magtiwala para kay chevy

Pumasok kami sa isang kulay puting kwarto na may higaan sa gitna dumiretso ang doktora sa isang cabinet at tila may kinuha doon

"Ihiga mo siya at pwede ka ng lumabas" utos nito saakin habang inaayos ang gloves nito sa kamay aangal sana ako ng magsalita muli ito "Hindi mo magugustuhan ang makikita mo kapag nanitili ka rito kaya kung ako sayo umalis ka na at hintayin kami sa labas" ani nito bago pa man ako makaangal lumabas ako ng kwarto pero nakita kong may kinuha itong malaking mangkok na may laman na tubig at mga halaman

Habang nasa labas ng kwarto ay hindi ko mapigilan na hindi mag-alala lalo't hindi ako sigurado kung ligtas ba si chevy sa kamay ng babaeng iyon

Pabalik-balik ako sa harap ng kwarto at sa sofa rito pero natigilan ako ng marinig ang sigaw ni chevy na tila namamalipit sa sakit

"ANONG NANGYAYARI?" Tanong ko sabay katok sa pintuan pero walang sumagot tanging sigaw lang ni chevy ang naririnig ko sa loob "CHEVY!" Sigaw ko sabay katok ng malakas pero wala pa rin pinagbago rinig ko pa rin ang hirap na hirap na sigaw nito

Bigla ako inatake ng kaba na baka kung ano na ang ginagawa ng babaeng kay chevy kaya ilang beses ko sinipa at sinuntok ang pintuan pero hindi ito gumalaw o nabuksan man lang

"Shit! Bumukas ka!" ani ko habang patuloy sa pagsipa at suntok rito gagamitin ko na sana ang kapangyarihan ko ng sumigaw ang doctor sa loob

"TRUST ME PRINCE CLAY!" Sigaw nito kaya hindi ko na tuluyan nagamit ang kapanyarihan ko napaupo ako sa lapag sa tapat ng kwarto at paulit-ulit na sinabi na kailangan kong maniwala

Kailangan ko maniwala sa babae

Hindi ko alam kung ilang oras sumigaw si chevy ang alam ko sobrang tagal habang ako nananalangin na gumaling siya at maayos siya. Maya-maya lang lumabas ang doctor sa kwarto puno ng dugo ang kamay nito at ang damit nito kaya napatayo ako

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now