Kabanata 45

2.3K 87 3
                                    


ALEISTER

"CHEVY! BUKSAN MO TONG PINTUAN!" sigaw ko at malakas na kinalampag ang pintuan ng kwarto niya

Matapos niya malaman ang lahat at pagsisisisihin ako ay tumakbo ito pabalik sa kwarto na hindi ako hinintay magpaliwanag at nagkulong nanaman sa loob

"CHEVY! Hayaan mo ako magpaliwanag!" sigaw ko at muli kinalampag ang pintuan pero sinigawan lang ako nito

"AYOKO BAHALA KA JAN!" sigaw nito dahilan para malakas ko nabagsak ang kamay ko sa pintuan

"Anong nangyari?" nilingon ko si Maya na may ipit ipit na kahoy sa kili-kili para makatayo mula sa malayo

Sa likod nito ay si allen na inaalalayan siya na naglalakad na papunta saakin

Inilayo ko ang sarili sa pintuan at umayos ng tayo at hinawakan ang sentido habang mariin na napapikit

Nang makalapit sila ay kwenento ko sakanila kung ano ang nangyari kaya nagsisigawan kami ngayon ni Chevy

"Hindi mo siya masisisi Aleister.." panimula ni allen "Hindi mo masisisi ang binibini sa naging reaksyon niya" napa-angat ako ng tingin kay Allen na kasalukuyan nakatingin sa pintuan ng kwarto ni chevy "Kahit sino ganoon ang magiging reaksyon.. Napahamak siya dahil sa bagay na iyon" lumingon ito saakin "Hinabol at dinukot siya ng mga taong hindi niya kilala dahil sa isang bagay na hindi naman niya alam tapos malalaman niya palang nasa kanya pala talaga ang hinahanap ng mga taong iyon" napapikit si allen at napa-iling iling pa "At sa nakikita ko ngayon hindi pa niya matanggap iyon lahat ng ito hindi niya matanggap.." nagmulat ito at tinitigan ako kaya medyo kinabahan ako "Sapalagay ko naghahanap siya ng masisisi at ikaw ang nakita niyang pagbuntungan ng sisi"

"AKO? Pero hindi ko naman alam na inilagay sakanya ang bloodstone" gulat na bulalas ko habang nakaturo pa sa sarili ko

"Sabihin na nga natin na hindi mo alam at hindi mo ginusto ang nangyari pero ikaw ang nagdala sakanya sa mundong ito" natigilan ako at napayuko

Tama kung may sisisihin man ako yun. Ako ang nagpahamak sakanya kung hindi ko sana siya dinala sa mundo namin ay hindi sana magkakaganto

Hindi sana siya mapapahamak...

Hindi sana siya makakaramdam ng ganitong kalungkutan...

"Nangyari na ang nangyari!" napalingon kami pareho ni allen kay maya na galit ang tono pati ang ekspresyon "Hindi naman siya pinilit ni Aleister na pumunta rito. Desisyon niya iyon" iritang iritang wika nito "At ano pang magagawa ng paninisi niya saiyo? Maibabalik ba non ang pagkawala ng prinsipe o mababago ba non ang nangyari? Hindi naman diba? Lahat tayo hindi gusto ang nangyari! Hindi natin gusto may mamatay! Lahat tayo ay nalulungkot sa nangya---"hindi nito natapos ang sasabihin ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni chevy na sobrang lakas

Madilim ang ekspresyon nito at mukang hindi natutuwa ganon rin naman si maya habang nakatingin rito

Mukang hindi maganda ang pakiramdam ko sa mangyayari.

PRINCESS NIARA

Sobrang higpit ng yakap saakin ni Kuya Brett kaya lalo rin humigpit ang hawak ko sa damit nito

Ito na ang huli...

Ito na ang huling mayayakap ko si kuya brett nakakalungkot lang dahil hindi ko nayakap sila ina at si kuya brett lang ang nayakap ko pero ayos lang

Ang importante ay maligtas ko si kuya clay.

Patawad Kuya Brett!

Gamit ang isang kamay ay kinuha ko mula sa likuran ko ang isang kutsilyo na may pangpapamanhid na nakalagay sa patalim nito

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now