Kabanata 38

2.2K 75 4
                                    


PRINCESS NIARA

Nagising ako na sumasakit ang ulo ginalaw ko ang kamay ko pero hindi ko maigalaw parang nakatali ito kaya napamulat ako

Nakaupo ako sa isang upuan bakal at nakakulong ang kamay ko sa bakal para pigilan ako makagalaw pati na rin ang paa ko

Nasaan ako? Si Chevy?!? Ayos lang ba siya??

"Mabuti gising ka na prinsesa" natulos ako at di nakagalaw sa kinauupuan ko nihindi ko nga magawa lumingon sa kanya pero kilala ko siya "Bibigyan muli kita ng pagkakataon prinsesa buhayin mo ang ating----"

"H-hindi ko siya bubuhayin. Hi-hindi ko rin siya ama" nanginginig na saad ko at napalunok pa ng dalawang beses bigla nito inikot ang inuupuan ko at mula rito nakita ko sa isang malaking batong lamesa ang isang kalansay

Nanginig ang buong katawan ko habang nakatingin sa kalansay hindi siguro makikilala ng iba ito pero ako makikilala ko agad kung kanino ito

Lord Darker ...

"Ngayon buhayin mo siya , Princess Niara" bulong nito saakin pero umiling iling ako

Ayoko.. hindi siya pwedeng mabuhay! Hindi ko siya bubuhayin!

Kahit mamatay pa ako hindi ko siya bubuhayin!

Lumayo saakin si gray "Lie, Alam mo na gagawin" rinig kong utos nito sa kung sino bigla ako kinabahan lalo

"Paano kung hindi ko siya makontrol ? Hindi ko pa lubos nababawi ang lakas at kapangyarihan ko hindi lang iyon alam niyo mahirap a
kontrolin si princess niara dahil espisya-----" nakarinig ako ng isang mahinang pagsabog sa likuran ko kaya medyo napatalon ako sa kinauupuan ko "P-patawad lord gray! Huwag po kayong mag-alala makokontrol ko pa siya"

Maya maya lang ay may sumulpot na babae sa harapan ko "Dapat sumunod ka nalang kay Lord Gray" bulong nito at nilapit ang noo niya sa noo ko kaya naalarma ako

"Anong gagawin mo?" nahihintanukan tanong ko rito at inilayo ang ulo ko pero hinawakan niya ang dalawang pisngi ko

"Kokontrolin kita.."

--------

CHEVY

Napasigaw ako ng tumalsik ko dahil sa pagsabog sa likod! Ohmygosh! Anong klaseng mga puppet ito? Mas malakas pa ata saakin at sumasabog sila? Seryoso ba to?

"Kanina ang tapang tapang mo ngayon para kang kuting" tila naiinis na saad nito "Pinaalis mo pa ang prinsipe" dugtong pa nito

Akala ko kasi walang pag-asa na makawala ako sakanya kung alam ko lang sumama na ako kay Prince Clay

Tumayo ako sa pagkakasungalngal ko sa lapag dahil sa malakas na pagsabog

"Hindi ko alam kung paano mo natanggal ang sinulid sa katawan mo pero mukang swenerte ka lang kanina" saad nito at naglabas muli ng mga puppet ohmy! Hindi ba nauubos iyon?

Napaatras ako! Mukang kailangan ko na umalis sa lugar na ito pero paano? Paano mukang hindi ako bibigyan ng pagkakataon ng babaeng ito?

Bahala na!

"I'm done pagod na ako makipaglaro sayo kailangan ko na sundan ang prinsipe na iyon bago------"

"AAAAAAAAHHHH" sigaw ko sabay turo sa may likuran nila sa may bintana na tila may nakitang kakaiba "MAY LUMILIPAD NA BLOODSTONE!"

Nanlaki ang mata nila at napa'WHAT?' sabay tingin sa likuran nila shit! Hindi ako makapaniwalang gagana sakanila iyon

Ginamit ko ang pagkakataon na iyon para tumakbo ng malayo. Medyo malayo na ako ng marinig ang galit na galit na sigaw ng bruhilda babae pero hindi na ako lumingon at nagtatakbo palayo

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now