Wakas

4.2K 96 21
                                    


CHEVY

Napasigaw ako sa sakit ng pitikin ni aleister ang noo ko ng muli ako matalo sa jack n' poy

Marahan kong hinimas ang noo ko dahil sa sakit niyon habang mariin nakapikit dati tuwing naglalaro ako nito kasama mga kaklase ko palagi akong panalo at ako ang may pinakamasakit na pitik pero sa mundong ito mukang malas ako palagi akong talo at bukod pa roon hindi nasasaktan si Aleister sa pitik ko samantala ako pakiramdam ko pulang pula na ang noo ko dahil sa pitik niya

"Pwede ba aleister?!? Masakit kaya!" inis na sigaw ko rin at nagmulat para tingnan ito ng masama pero tinawanan lang ako nito ng malakas

"Ano bang ginagawa niyo?!?"

Natigilan kaming dalawa at nilingon ang taong sumigaw saamin

Nameywang ito habang nakataas ang kilay at may tungkod sa kili-kili "Huwag nga kayo pakampante! Wala na tayo sa bahay ni allen anytime pwede tayo matunton ng kalaban" galit na saad nito

Napatayo kami ni Aleister sa pagkakaupo sa may bato at lumapit na sakanya

Nailing-iling ito at tinalikuran kami tsaka paika-ikang lumayo saamin. Siguro ay pupuntahan na niya si allen

"Hayaan mo na! Nag-aalala lang iyon saatin" bulong ni aleister at sumunod na kami

Ewan pero pakiramdam ko hindi ko makakasundo ang babaeng iyon bukod sa lagi mainit ang ulo nito pagkasama ako ay parang may bagay o pader na nakapagitan saamin para pigilan kaming magkasundo

"Sabihin mo nga ilang araw ba tayo maglalakad?" tanong ko habang naglalakad pabalik sa kila allen

"Hindi ko alam pero oras na makaramdam ka ng lamig ibig sabihin ay nasa puder na tayo ng Heart Country" ani nito at patuloy pa rin kaming naglalakad pabalik

Tatlong araw na simula ng umalis kami sa bahay ni allen. Kailangan daw dahil nawawala na ang barrier sa bahay na iyon kaya kailangan namin umalis at pumunta sa safe house na ginawa ni Doctor Millie

Hindi na ako komontra at sumama na lang sakanila. Kaya lang tatlong araw na din simula ng maglakad kami at hindi pa rin kami nakakarating sa pupuntahan namin at palagi sa labas kami natutulog

Isda at mga halamang gubat na pwedeng makain ang kinakain namin nitong tatlong araw at palagi akong inaaliw ni Aleister tuwing naaalala ko ang nangyari sa Clove Kingdom

Palagi naman kami napapagalitan ni Maya dahil madalas kaming maglaro at magharutan ni Aleister

Hindi nagtagal ay nakarating na kami kung nasaan si Allen. Hinahanda na nito ang mga kahoy na isisiga niya

Magdidilim na pala hindi namin napansin ni aleister.

"Tulungan ka muna si allen" paalam saakin ni Aleister kaya tumango ako at lumapit sa isang malaking puno para sumandal pero hindi pa magtatagal ng may tumayo sa harapan ko

"Maya.."

"Sinabi saakin ni Aleister ang plano mo bumalik sa mundo niyo.." panimula nito sa isang masungit na boses "Tatapatin kita ayoko bumalik ka sa mundo ka lalo't malaki ang tiwala ni Doctor Millie na malaki ang iaambag mo sa pagbagsak ni lord darker pero kung iyan ang gusto mo hindi kita pipigilan..." pinulot nito ang bag na nasa tabi ko "Hindi kita matutulungan sa gusto mo mangyari ngunit babalaan kita..." muli itong tumingin saakin ng seryoso "Ang doktorang hahanapin niyo ay hindi lang basta doktora. Ang doktora na iyon ay naging estudyante ni doctor millie bago ako ngunit nabanggit ni doktora na hindi maganda ang nangyari rito..." tinalikuran niya ako at bahagya lumingon "Magka-away si doctor millie at ang babaeng iyon kaya hindi malabong hindi ka niya tulungan o pwedeng gamitin ka niya" naglakad na ito palayo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now