Kabanata 39

2.2K 70 5
                                    


CHEVY

Nagulat ako ng biglang naging alerto ang mga kasama ko at masama ang tingin sa babaeng nasa harapan

"Sino ka?" tanong nito saamin "Paano kami makakasiguradong kila niara mo kami-----"

"Hind ko mapapatunayan pero kung hindi kayo maniniwala saakin bahala kayo dahil sa mga oras na ito ginagawa na nila ang pagbuhay sa hari ng Dark kingdom" putol nito sa sasabihin ni Prince Eion napaayos ng tayo silang lahat dahil sa tinuran ng babae "Sasama kayo o hindi?" tanong nito saamin

Nagtinginan sila at bumuntong hininga si Prince eion bago nagsalita "Maniniwala kami sayo pero oras na niloloko mo kami papatayin kita" seryosong saad ni Prince Eion at nakipagsukatan ng tingin sa babae

"Kung ganon maghawak hawak tayo dadalhin ko kayo sa lugar kung nasaan sila" wika nito hahawak na sana ako ng biglang magsalita muli ito "Hindi ka pwede sumama chevy!"

Gulat na napatingin ako sakanya dahil kilala niya ako? Wait how? Paano?

Pero ang mas nakakagulat bakit bawal ko sumama?

"Hindi natin siya pwedeng iwanan paano kung may kalaban na lum----"

"May hinahanap sila sayo diba?" tanong nito saakin kaya tumango ako

Tama hinahanap nila saakin ang Bloodstone paano nalaman ng babaeng ito?

"Hindi ka maaari doon kapag nakita ka nila maaaring kunin ka nila at hindi ka na muling makatakas" kinabahan ako at napaatras sa sinabi nito

kapag nahuli nila ako di nila ako pakakawalan? Pero wala naman saakin ang hinahanap nila

"Mabuti ng nandito ka. Mas ligtas ka rito" wika nito at tiningnan ang mga sasama

Lumayo ako bahagya. Tama hindi ko na kailangan pumunta dahil madami na sila paniguradong maililigtas nila ang prinsesa magiging pabigat lang ako roon katulad ng kanina kay Prince Clay

"Chevy..." tumingin ako kay Prince brett na nag-aalalang nakatingin saakin

"Huwag kang mag-alala , Prince Brett. Ayos lang ako rito basta kailangan niyo bumalik na kasama ang prinsesa okay?" ani ko at ngumiti ng malaki atleast ngayon hindi na ako mag-aalala para sa sarili ko at sa prinsesa

Sa dami nilang pupunta roon paniguradong maililigtas nila si prinsesa niara

Naglalaho na sila ng biglang may humawak saakin bago pa man ako makalingon ay nasa ibang lugar na kami

Ang muka kong nakangiti napalitan ng pagkagulat.

"BAKIT KA SUMAMA?!?" sigaw ng babae saakin na galit na galit
As if gusto ko sumama no!

Nilingon ko ang humawak saakin at nakita ko si Prince Brett na nangangamot ng ulo at nakangisi

Biglang nagdilim ang paningin ko at sinugod si Prince Brett at sinakal siya sa leeg

"PRINCE BRETT! LIGTAS NA AKO E! LIGTAS NA AKO BAKIT SINAMA MO PA AKO HUH? HUH? " galit na saad ko habang sinasakal siya pero tawa lang ng tawa as if may nakakatawa sa nangyari

Napaupo ako lapag at umiyak kunwari at tinakpan ang muka ko dahil sa galit at inis ko kay Prince Brett

"Yung ligtas ka na tapos dinala ka nanaman sa delikadong lugar huhuhu bakit mo nagawa saakin ito Prince Brett?" humagulgol pa ako kunwari para lang maawa ang lahat saakin at magalit kay Prince Brett dahil isinama niya pa ang isang mahinang babae

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now