Kabanata 5

3.4K 140 9
                                    

Fake News

Nasa loob ako ng CR at bubuksan na sana ang sulat ng bigla itong mag-apoy at napaso ako!

"Aray! Putcha!" nabitawan ko ang sulat at kumuha ng tubig at binuhusan iyon pero hindi nawala ang apoy woah woah! Anong ibig sabihin nito hah? "Pinaglalaruan ba ako ng letcheng lalaking iyon!" inis na tiningnan ko ang daliri kong may paso ang sakit grabe

Tuluyan lang nawala ang apoy ng masunog na ang buong sulat para saan iyon grabe hah! Humanda ang lalaking iyon saakin

Buti na lang dinala ko ang Magic mirror saakin. Mumurahin ko talaga ang lalaking iyon

"Mirror mirror on the-------"

"Chevy!" muntik ko na mabitawan ang salamin ng biglang lumitaw ang gwapong muka ni Mr.Kidnapper putcha kakagulat "Nabasa mo ba ang sulat??" tanong nito saakin kaya tiningnan ko ito ng masama

"Hindi at napaso ako dahil bigla iyon umapoy! Para saan iyon ? Trip mo lang hah!" gigil na gigil na wika ko rito at pinakita ang daliring may paso

"Buti na lang" parang nakahinga ito ng maayos ng malaman na hindi ko nabasa ang sulat at napaso ako. Abat ang lalaking ito ginigigil ako ah!

"Anong buti na lang?" galit na tanong ko rito na may masamang tingin

"Buti di mo nabasa yung sulat tingin ko kasi di ka pa ready!" mahinang saad nito na nagpataas ng kilay ko

"Ready saan?" tanong ko pero nawala na ito bigla kaya ihahampas ko na sana ang salamin sa may pader pero bigla ako nang hinayang bubugbugin ko na lang ang lalaking iyon kapag nagkita na kami

Lumabas ako ng CR ng hinihipan ang daliri kong napaso at katulad ng dati ganito nanaman ang tingin ng co-maids tsk

Itong mga mutchacha na ito nakakainis na ah! Masyadong mga inggitera sana andito si lezi siya lang yung mutsatsa na mabait saakin tsk. Saan kaya napunta sa lezi?

"Nabalitaan niyo ba? Siya lang daw ang pinapasok ng Ikalawang Prinsipe sa kwarto nito"

"Sinasabi ko na may kakaiba talaga sakanila ng prinsipe"

"Isa lang ang nasisiguro ko inaakit niya ang prinsipe"

"Napakalandi talaga ng babaeng ito"

Umirap na lang ako kahit ano sabihin ko hindi na magbabago tingin nila saakin bahala silang mga inggiterang frog! Kung pwede lang ibigay sakanila ang pwesto ko ngayon binigay ko na e.

Humiga na lang ako at hindi inintindi ang mga sinasabi nilang walang katotoohanan bahala sila matutulog na lang ako

----

"Ohmyprince!" sigaw ko habang tumatakbo papunta sa isang prinsipe na hindi ko makita ang muka pero sigurado akong gwapo

Inilahad nito ang kamay na tila iniinvite ako na yumakap sakanya sympre hindi na ako magpapakipot baka siya na mag-ahon saakin sa pagiging mutsats-------

Napabangon ako ng binalot ng tubig at lamig ang aking katawan sht! Yung panaginip ko na dapat ay yayakapin ako ng prince naging tubig

Narinig ko ang mga mumunting higikhigikan kaya nasisigurado ko na kung sino iyon

Tiningnan ko ng masama ang babaeng nasa harapan ko na may hawak na balde na ngising ngisi habang nakatingin saakin bigla ko tuloy naalala sakanya ang panganay na anak ni emily asungot kulot kasi ang buhok nito maganda pero mas maganda ko aba!

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now