Kabanata 2

4.1K 172 10
                                    


Fantasia World

Medyo itinaas ko ang tingin para makita ang expression ng muka nito pero hindi ko mabasa ewan kung galit siya o ano basta nakatingin siya saakin tapos sa kutsara nasa baba at plato

"Who are you? What are you doing here?" tanong nito sa isang matigas na boses parang bang kailangan ko sagutin ang sasabihin niya or else madededs ako

Nakagat ko ang labi ko ayaw magsalita ng bunganga ko sa takot! Ohmygosh mamatay na ba ako? Shit mumultuhin ko si kidnapper hindi niya ako pinakain kaya ayan nagtimawa ako kanina

"Tinatanong kita sagutin mo ako! Sino ka? Anong ginagawa mo rito?" mahina ngunit mahinahon , matigas at maawtoridad nitong utos at tanong saakin

Kinurot ko ang sarili ko para umayos at makapagsalita damn! damn! damn! Sagot Chevy Niara Reedus!

"C-chevy Ni....niara. I...sang tagalingkod sa..." nangingig ako pati na rin ang boses ko grabe nakakatakot kasi itong si mais guy! Kulay mais kasi ang buhok nito "Kusina"

"Bakit ka nakaupo jan at kinakain ang pagkain na dapat ay kay prince brett?" tanong nito saakin ohmygosh! Hindi siya si prince brett baka isa siyang kawal baka maawa ito saakin

Bigla ako lumuhod sa harapan niya at umiyak

"Maawa ka saakin! Nagugutom lamang ako hindi ko naman gusto kainin iyon wala lang ako pagpipilian iniwan nila ako kasama ang pagkain na iyan natakam lamang ako patawarin mo ako parang awa mo na! Ayoko mamatay!" sigaw ko habang nakaluhod Ohmygosh Maawa sana siya saakin! Maawa sana siya-----

Sabay kaming napatingin ni koya sa likod ko ng may bumukas doon at mula sa bintana may isang binata na pumasok kulay mais rin ang buhok nito gwapo rin ito pero anong ginagawa niya sa bintana don't tell me magnanakaw siya?

"AHHHHHHHHH MAGNANAKAW!" Sigaw ko sabay lapit kay koya na kanina ay nagmamakaawa ko "Siya talaga kumain ng pagkain hindi ako magpatawag ka na ng kawal balak siguro niya kainin yung iba" sumbong ko kahit di naman totoo sa kay koya aba ayaw ko pa mamatay bahala na. Ipagdadasal ko na lang kaluluwa ni koya na pumasok mula sa bintana

Tinaasan ako ng kilay ng maangas na koya na ito at tiningnan ang lalaki na tila kinakabahan

"Prince brett.." tila natulos ako sa tabi ni koyang maangas sa tinawag nito sa lalaking malapit sa bintana nakatayo ito ng diretso at nakangiwi habang di nakatingin saamin. Magsasalita na sana muli si koyang nasa tabi ko ng takpan ko ang bibig nito at nginitian ito ng matamis

"Hahaha nagpapatawa lang ako kanina para mawala yung tensyon ano ka ba wag mo ako isumbong. Bati tayo diba?" ngumiti ako pero napangiwi rin ng marahas niyang tinanggal ang kamay ko sa bunganga niya hayeop na lalaki to ah!

"Ano kalokohan nanaman ang iyong ginawa prince brett? Gumulo nanaman rito sa palasyo dahil sa pagkawala mo. Lumabas ka nanaman ba ng palasyo?" galit na tanong at tingin nito sa Prince brett na kumakamot ng ulo habang nakatingin sa baba

"Patawad. Gusto ko lang naman gumala sa labas-------"

"Hindi mo man lang inintindi kung ano pwedeng mangyari sayo sa labas ng palasyo!" galit na sigaw nito mas galit kesa kanina kaya halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko

OMG! Sinisigaw-sigawan niya ang Ikatlong Prinsipe gravity na dis! Gusto na ata niya mama---- wait! May magandang ideya ako

"Mawalang galang na binata pero hindi mo dapat sigawan ang prinsipe magpakita ka ng galang sa mas nakakataas sayo" parang gusto ko matawa habang sinasabi ang mga iyon ohmygosh! Taray ko ah!

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now