Kabanata 7

3.3K 142 0
                                    


Princess Niara

Seryoso ang muka nito habang gumagapang papunta saakin tangina seryoso ba tong nangyayari na ito?

Balak ko na sana sipain ang lalaki pero napigilan niya ang paa ko puta! Hindi ako papayag na makuha niya kayamanan ko

Kinuha ko ang nahawakan kong unan at hinagis sakanya sakto sa muka niya kaya muli ko kinuha at pinapapalo sakanya

"MANYAK KA! MANYAK!" sigaw ko habang panay ang palo sakanya nagulat ako ng bigla niya ako hinila kaya napahiga ako sa kama mabilis niya ako pinatungan at hinawakan ang dalawang kamay ko at inipit ang paa anak ng!

"Wag ka nga magwala! Wala ako balak gawin masama sayo" wika nito na parang pagod na pagod habang nakatingin saakin na naiinis

"Sabihin mo iyan saakin kapag hindi ganito ang posisyon natin!" sigaw ko rito at nagpupumiglas

"Stop Moving" mariin nitong utos pero panay ang galaw ko sympre kailangan ko pumalag baka makuha niya kayamanan ko "Damn woman!" bulong nito at inilapit ang muka sa muka ko kaya natigilan ako

"Anong ginagawa mo?" tanong ko halos maduling ako sa sobrang lapit ng muka nito saakin

"Kapag hindi ka tumigil hahalikan kita" walang ganang sabi nito habang nakatingin saakin namula ako at pinakalma ang sarili lalot wala na ang tela tinakip ko sa bibig ko "Ang gusto ko gawin mo ay makinig saakin" hindi ako nagsalita pero umiwas lang na tingin "Good" rinig kong bulong nito

Umalis ito sa pagkakadag-an saakin at tumayo sa gilid ng kama at kinuha ang kopita niya

"Bumalik ka na sa pagiging tagalingkod ni Prince Clay" utos nito saakin kaya napataas ako ng kilay

Bumangon ako sa pagkakahiga at tiningnan ito ng nagtataka anong problema? Bakit gusto niya ako bumalik sa pagiging tagalingkod ni Prince Clay?

"Iyon ang hiniling ng prinsesa saakin. Gusto niya bumalik ka sa pagiging tagalingkod kay prince clay" saad nito at naglakad papunta sa isang upuan at umupo roon

"Inalis ako ni Prince Cla-----"

"Dahil gusto mo bumalik sa pagiging tagalingkod ng kusina at dahil din sa ginawa ko noon" parang wala lang na saad nito "Kahilingan ito ng bunsong kapatid ko kaya gagawin mo iyon kung ayaw mong may mangyaring masama saiyo at sa mga kaibigan mo" nakapikit nitong wika habang pinapaikot ang inumin nito

"Hindi ako makakabalik bilang taga si----"

"Ako na bahala doon" putol nito sa sasabihin ko bigla ako nastress sa sinabi nito dahil masaya na ako sa kusina tapos guguluhin niya ako putcharagis!

"Sebastian!" tawag nito na nakatingin sa labas ng kwarto bigla pumasok ang lalaking kasama ko kanina bigla ako napatayo sa pagkakaupo ko sa kama baka akalain nito kerida ako ng prinsipe na ito "Ihatid mo siya sa magiging kwarto" utos nito sa lalaking pumasok

"Masusunod" bigla tumaas ang kilay ko hindi pa naman ako umu-oo tsaka anong kwarto? Hindi ako sa quarter ng mga maid matutulog?

"SAGLIT!" Sigaw ko kaya napatingin saakin ang dalawa "Hindi pa ako pumapayag!" inis na wika ko at nameywang "Anong gagawin mo kapag hindi ako pumayag?" tanong ko rito na masama ang tingin

"Wag mo ako subukan kaya kung ipapatay ang mga kaibigan mo-----"

"Pumapayag na ako! Tara na pero ayoko maging espisyal na katulong ako doon pa rin ako matutulog at mananatili sa tulungan ng mga tagasilbi ng mga prinsipe at ng prinsesa" wika ko sabay lapit doon sa lalaki at tulak palabas

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now