Kabanata 40

2.2K 82 8
                                    


ALEISTER

Mabilis ko itinago ang presensya ko at nagtago sa gilid para hindi nila ako mapansin at makita

Sumilip ako at napamura ng makitang nakahiga si Chevy habang yakap yakap siya ng prinsipe clay na may sugat sa likod

Hindi lang basta normal na sugat ang meron siya sa likod ramdam ko roon ang lason na pwedeng pumatay sakanya

Bakit andito chevy? Huwag mo sabihin na alam ni Gray na nasa kanya ang bloodstone? Kung alam nga niya masama ang lagay ngayon ni Chevy! Hindi lang si Niara ang kailangan ko iligtas ngayon pati na rin si chevy

At hindi iyon mukang magiging madali..

Hahakbang na sana ako ng may humawak sa paanan ko kaya natigilan ako bigla ako napatingin sa paanan ko at nakita si Doctor Millie

Agad ako napaupo dahil sa duguan ito at malalaki ang sugat nito sa katawan bukod roon ay ramdam ko na hindi lang iyon ang dahilan kaya ito ganito ngayon

"Doctor Millie, Anong ginagawa mo rit-----"

"Ma-makinig ka , Aleister" tila hirap na hirap nitong saad habang hawak ang bandang tyan "Hi-hindi ko na kayang pi-pigilan si Lord Darker.." dugtong nito na hirap na hirap at mabigat ang paghinga "B-bago .. b-bago matawag ni..." bago nito matapos ang sasabihin ay sumuka ito ng dugo kaya mabilis ko siyang iniharap. Kita kita ko ang malalim na sugat sa tyan nito "b-bago matawag ng prinsesa o magamit nito ang kapangyarihan ay pakakawalan ko si Lord Darker" hindi ko maintindihan ang sinasabi nito kaya nangunot ang noo

"Anong pakakawalan?" bulong ko na takang taka at lukot na lukot ang muka dahil sa pagtataka

"I-ikinulong ko si lord darker sa katawan ko..." nanlaki ang mata ko sa sinabi nito "K-kahit wala ang prinsesa ay kaya nito buhayin ang sarili pero pinipigilan ko lang..." hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi nito. Alam ko malakas si ama pero hindi ko akalain na aya nito buhayin ang sarili mula sa kamatayan kung hindi lang siya pinipigilan ni doctor millie "A-alam ko na andito ka para iligtas ang kapatid mo kaya gawin mo. Iligtas mo ang prinsesa pati si chevy..." wika nito at napapikit ng sobrang riin "Hi-hindi pa ngayon ang tamang oras para mabuhay si Lord Darker pero wala tayong magagawa.." nagmulat ito at ngumiti ng bahagya "K-kaya dapat iligtas mo si Niara at Chevy naiintindihan mo?"

Ayaw ko na makipag-away kay Doctor Millie alam kung malaki ang galit ko rito dahil sa nangyari kay ina pero sa oras na ito kailangan ko mailigtas si Niara at Chevy

Kailangan ko makipagtulungan sakanya ...

"Bibigyan kita ng sampung minuto para iligtas ang dalawa... Sampung minuto lang.. Sampung minuto lang ang kaya ko ibigay para mapigilan si Lord Darker na mabuhay at labanan ang kapangyarihan ng prinsesa kaya ilayo mo sila rito.."

CHEVY

Hindi ko malaman kung paano hahawakan si Prince Clay. Nanigas rin ang katawan ko dahil sa pagkabiglang nangyari

"P-prince clay..." nanginginig kong tawag rito pero hindi siya nagsalita kaya mas lalo akong kinabahan

Hindi pa siya patay diba? Hindi siya patay diba? Hindi diba?

Nagsimula magtubig ang mata ko dahil sa mga negatibong ideya na pumasok sa isip ko. Nanginginig na din ang labi ko dahil sa takot na tama nga ang hinala ko

"P-prince clay.." tawag ko rito kasabay ng pagtulo ng luha sa pisngi ko "Sumagot ka... Sumagot ka... Ayos ka lang diba?" tanong ko rito habang patuloy ang pagtula ng luha sa aking mata ngunit wala akong nakuhang sagot rito kaya mas lumakas ang agos ng luha sa aking mata

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now