Kabanta 34

2.4K 91 5
                                    


CHEVY NIARA

Napakamot ako ng ulo ng mapansin paikot ikot lang ako sa lugar na ito

Isa pa kanina pa ako nakakarinig ng pagsabog mukang may naglalaban ngayon sa lugar na ito

Mas lalo tuloy ako kinabahan lalo't hindi ko alam kung nasaan si Niara paniguradong mas takot yun ngayon ay ewan

Bakit ba kasi kailangan ko pa siya hanapin? Hindi naman siguro siya papatayin ni gray lalo't kailangan nila ang kapangyarihan ni Niara diba?

Nagulo ko ang buhok ko at muling naglakad para maghanap muli hindi ko talaga kaya tumakas lalo't alam kong may kilala akong nanganganib tangina!

By the way, Pakiramdam ko hindi na masakit ang katawan ko siguro ay nasanay na rin ako kasi kanina maiyak iyak ako habang naglalakad dahil sa sakit ng buong katawan ko pero ngayon maayos na ang katawan ko

Liliko na sana ako ng makarinig ng mga yapak na tumatakbo kaya mabilis ako nagtago sa likod ng isang display na kawal rito

"Kasalanan ito ng babaeng nagteteleport ! Bwisit! Siya talaga ang panira sa plano natin kapag nakita ko siya ipapatikim ko sakanya ang galit ko!" nakagat ko ang labi ko ng marinig ang galit na boses na iyon ang bruhang si Lucy iyon yung bumugbog saakin at nag-iwan saakin ng madaming sugat

Hindi talaga ako dapat lumabas sa lugar na ito hanggang hindi sila nakakaalis rito dahil mukang ako ang hanap nila TANGINA!

Wala naman saakin yung hinahanap nila pilit pa rin sila ng pilit! Basta may maipilit lang sila bwisit na mga ito!

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko na narinig ang mga yapak nila.

Kailangan ko na talaga magmadali baka makita nila ako bwisit! Asan na ba kasi si Niara?

--+

PRINCE CLAY

Tumango-tango kami matapos ipaliwanag ni Prince Eion ang plano namin

"Brett, Ikaw ang pag-asa para magtagumpay ang misyon na ito at ikaw rin clay" tumango kami pareho ni brett

Ngumisi si brett kahit pinagpapawisan na ito "Magagawa ko ito" rinig kong bulong nito kaya hinawakan ko ang balikat nito

"Magagawa natin to" ani ko na seryosong seryoso at inactivate sa buong katawan ko ang kidlat kaya may tila kuryente na lumalabas sa katawan ko

"Clay..." tumingin ako kay ama na tumawag saakin "Iligtas mo ang kapatid mo"

Ngumiti ako bahagya at tumango "Ililigtas ko siya pangako"

"Ama kailangan niyo na bumalik ni ina sa Spade! Huwag kang mag-alala maililigtas ni Clay si Niara" singit ni Prince Eion at itinulak na ang aming ama para sumakay sa isang maliit na Airship

Tuluyan na nakaalis ang sasakyan nila ama kailangan nila bumalik para siguraduhin maayos ang kaharian at baka habang wala kami ay sugurin iyon kailangan namin makasigurado na hindi masugod ang spade

"Clay , Brett , Drax!" tawag ni Prince eion saamin kaya napaayos kami at tumingin sakanya maliban kay brett "Ito na ang oras..." bulong nito kaya tumayo kami at humarap sa palasyo "NGAYON NA BRETT!" sigaw nito

Nawala ang tubig na prumoprotekta saamin agad sumugod ang mga sundalo at kawal namin para sugurin ang mga kawal para pigilan ang mga kawal para hindi ito makagambala sa plano namin

Agad naman lumipad pataas si Prince Eion para pigilan ang yelong matutulis na pinapakawalan ng prinsesa

Tumakbo naman kami papunta sa malaking harang na yelo para sirain iyon pero tulad ng inaasahan ay mapapansin kami ng prinsesa

FANTASIA WORLDМесто, где живут истории. Откройте их для себя