Kabanata 27

2.5K 112 3
                                    


Chevy Niara

Hindi na ako lumaban pa lalo't nakakasigurado ako na siya ang may gawa sa babae kaya nagkaganto iyon

Sumunod na lang ako rito palabas ng bahay panuluyan. Lumabas kami na parang walang nangyari sa loob pero sa loob loob ko sobrang kabadong kabado ako habang nakayuko at mahigpit ang hawak sa aking kamay

Medyo malayo layo ang narating namin hindi kami nagsasalita habang naglalakad hanggang makarating kung saan palabas ng bayan

Sa labas ng bayan may isang itim na karwahe doon kami sumakay wala parin nagsasalita saamin at nanatiling ganon kami habang umaandar palayo ang karwahe sa lugar. May isang karwahe pa nakasunod siguro may mga kasama ito

Parang gusto ko tuloy ibalik ang oras at ng makasama ako kay Aleister.

Hindi ko tuloy maiwasan mainis kay aleister sa nagaganap saakin kasalanan niya ito kapag ako napahamak nanaman ngayon kakatayin ko na siya promise

Itinaas ko ang tingin para tingnan ang lalaking nasa harapan ko. Nakatingin ito sa labas at tila seryoso sa kung ano iniisip gwapo rin ito kaya lang maputla parang yung bata lang na binigyan ko ng pagkain kanina

Bigla ako natigilan oo kasing putla nito ang batang nakita ko kanina kaya lang impossible naman siguro na kasama niya iyon diba?

Dapat talaga pag may weird na nangyayari lumalayo na ako agad yung bang tatakbo na ako palayo palaging may bad na nangyayari e

DEAR God,

Huwag niyo ako pabayaan.

--------

ALEISTER

Agad ako bumaba ng kabayo ng makarating sa pupuntahan ko. Seeyoso ako ng sinabi kong ibabalik ko si Chevy lalo't mapanganib na rito at anong oras lang ay pwedeng magkaroon ng malaking digmaan. Isa pa ay mali talagang idinala ko siya rito.

Tunakbo ako papasok sa loob ng isang bahay na nakatayo dito sa loob ng Vanishing Forest

"Allen..." tawag ko rito ng makapasok unti-unti ko sinarado ang pintuan ng makitang nasa harapan ito ng lamesa habang may isang babae na nakatalikod saakin na kausap siya

"Prince Aleister , Ano't naparito ka?" tanong nito na diretso ang tingin at napatayo pa saglit ko lang tiningnan si allen at inilipat ang tingin sa babaeng kausap niya kaya lang nanatili itong nakatalikod. Pamilyar ito kahit nakatalikod

"May gusto lang kasi ako tanungin sayo kaya lang mukang may kausap ka kaya mamay-----" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang tumayo ang babae at unting unti humarap saakin

Nanlaki ang mata ko ng tuluyan ng makaharap saakin ang babae nakangisi ito habang nakatingin saakin

"Yo Prince Aleister" bati nito saakin bigla ako natauhan at naging masama ang tingin rito

"Doctor Millie!" asik ko habang may matalim na tingin rito pero mas lumaki rin ang ngisi nito na mas nagpa-inis saakin "Bakit andito??" galit kong tanong dito "Allen?" tawag ko kay allen na nagtatanong hindi ako makapaniwalang magkakilala si allen at Doctor Millie

"Aleister may magandang dahilan kung bakit nandito siya" paliwanag nito saakin pero hindi ko nawala ang masamang tingin ko kay doctor millie "Andito siya dahil sa Bloodstone" lalo naging mabagsik ang tingin ko dahil sa sinabi nito saakin

"Ano tungkol sa bloodstone? Balak na ba niya ibalik saakin ang bloodstone?" galit na tanong ko kaya tumawa ng malakas si Doctor Millie

"Ibalik? Nagpapatawa ka ba Prince Aleister? Wala akong ibabalik dahil wala akong kinuha sayo Prince Aleister" sagot nito at hinila ang upuan paharap saakin at umupo ito doon "Pero andito ako para sabihin sayo kung saan ko inilagay ang bloodstone. Pwede mong kunin kung gusto mo pero kaya mo kaya" saad nito at nagcrossarm "Kilala mo ba ang tagapaglingkod ng prinsipe ng Spade Kingdom? Isa siyang mortal at inil-----" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now