Kabanata 43

2.1K 80 13
                                    


CHEVY NIARA

"PRINCE CLAY!" sigaw ko ng marealize kung anong nangyari pero bago ko pa man mahawakan si Prince Clay ay may humila saakin mula sa likuran ko

"Aleister..." tawag ko rito habang kinakaladkad niya ako agad rin akong natauhan at inalis ang pagkakahawak nito saakin "Anong ginagawa mo aliester? Kailangan natin tulungan-----"

"Wala na siya , Chevy!" sigaw nito kaya natigilan ako at hindi makapaniwalang napatingin rito at umiling iling

"Hindi nakakatawa aleister! Hindi nakakataw----"

"HINDI AKO NAGPAPATAWA!" sigaw nito kaya napaatras ako nagsimulang lumabo ang paningin ko dahil sa sinabi nito "Chevy, Alam kong mahirap pero kailangan mong tumakas----"

"SHUT UP! Buhay pa rin si Prince Clay! Buhay pa siya!" sigaw ko pabalik at tinalikuran siya pero hinila niya muli ako paharap

"CHEVY! Makinig ka saakin! Kapag hindi ka pa umalis ngayon hindi lang si Prince Clay ang mapapahamak kundi lahat tayo!" natigilan ako at napaangat ng tingin kay aleister

Anong ibig sabihin nito?

"Huwag mo hayaang masayang ang sakripisyo ni Prince Clay na iligtas ka para mamatay tayong lahat rito! Kailangan natin tumakas ngayo---" hindi nito natapos ang sasabihin ng lumanding ang palad ko sa pisngi nito

Hindi ko gusto ang lumalabas sa bunganga ni Aleister! Bakit ba kung magsalita siya ay parang namatay si Prince Clay?!? Bakit parang kasalanan ko pa kung bakit nangyayari ito?

"Ano bang gusto mo sabihin Aleister? Bakit ganyan ka mag-salita? Hindi pa patay si Prince----"

"Huwag kang tanga Chevy!" nahinto ako sa sinabi nito hawak nito ang pisngi at seryoso ang tingin saakin "Alam mong patay na siya" nanlaki ang mata ko at umiling iling "Nakita mo. Naramdaman mo. Alam mong wala na siya" tinakpan ko ang tenga ko at umiling iling parin

No! Hindi pa siya patay! Malala lang ang natamo niya pero hindi pa siya patay! Hindi pa! Hindi pa siya patay maililigtas pa namin siya!

Sinunggaling si aleister! Sinunggaling siya!

Nagulat ako ng hawakan ako ni Aleister at alisin ang kamay ko sa tenga ko

"Chevy please! Kailangan mo tumakas para kay Prince clay! Huwag mo sayangin ang ginawa niya para sayo" tuluyan na nahulog ang luhang kanina ko pinipigilan

"P-pero hindi k-ko s-sinabi iligtas niya ako...." bulong ko habang umiiyak " h-hindi ko s-sinabi isakripisyo n-niya b-buhay niya para saakin"

Naramdaman ko ang marahang paghila saakin ni Aleister kaya napasubsob ako sa dibdib nito

"What is done is already done." bulong nito saakin habang yakap yakap ako di ko tuloy maiwasan ang hindi lalo mapaiyak "Ang magagawa mo na lang para kay Prince Clay ay maging matatag at huwag hayaan na matagumpay sila na makuha ka" bulong pa nito at inilayo ako sakanya "Kailangan natin tumakas ngayon.."

Nilingon ko si Prince Clay kung saan ganon pa rin ang ayos niya pero andoon na ang prinsesa at si Prince Brett na umiiyak

Bigla ako napapikit at naalala ang mga panahon na nakatitig ako sa bangkay nila mama na nasa kabao

Bigla sumikip ang dibdib ko kaya napahawak ako doon at mas naiyak pa dahil sa ala-alang iyon

"Aleister tatakas ako pero.." minulat ko ang mata ko at ngumiti ng mapait "Paano sila?" tanong ko

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now