Kabanata 4

3.6K 140 9
                                    


The Fourth Prince and The Princess

"Anong klaseng ugali yang pinapakita mo?" kanina pa ako sinesermonan ni lady mina dahil sa pagkalate ko ng gising ang magagaling kong co-maids iniwan ako sa kwarto namin at sinumbong na hindi raw ako magising pero alam naman naming lahat na sinadya nila yun pwee "Nagsisilbi ka sa Ikalawang prinsipe! Ang ganto pag-uugali ay hindi katanggap tanggap ayoko ng naulit muli i------"

"Lady Mina..." hindi natuloy ni lady mina ang pagsesermon saakin ng biglang may pumasok na babae "Hinahanap po ng Ikalawang prinsipe si Lady Chevy" nakayukong saad nito hindi ko malaman kung natutuwa ba ako or what? Una sa lahat hindi sa huli ay si Clay ang nagpapatawag saakin baka mamaya ay maglakad nanaman kami pero ligtas ako sa panenermon ni Lady Mina kung hahayaan ako ni Lady Mina

"Ngunit hindi ko maaaring papuntahin ko doon si chevy lalo't may mali siyang ginawa" ramdam ko ang irita sa boses ni lady mina habang nakatingin ng masama saakin "Ipadala mo na lang si Nekka doon at sabihi----"

"Lady Mina hindi maaari sapagkat nagwawala ang ikalawang prinsipe sa kwarto niya at si lady chevy ang hinahanap" napanga-nga ako sa sinabi ng babae seryoso ba ito? Nagwawala tapos ako hinahanap? Anong drama ng prinsipe na iyon at dinamay pa ako hah!

Tumayo si Lady Mina at kinalampang ang kamay sa kanyang lamesa at tiningnan ako ng masama

"Hindi ko alam kung anong relasyon mo sa Ikalawang prinsipe at Ikatlong prinsipe kaya hahayaan kita ngayon at palalampasin ito! Dalian mo at puntahan mo na ang prinsipe!" ewan ko pero parang may lumalabas na kuryente sa mga kamao nito kaya agad ako tumayo yumuko at lumabas at sundan ang babaeng tumawag saakin

Jusko pakiramdam ko tuloy ay pinag-iinitan ako ng lahat at kasalanan ng mga prinsipe ito kapag ako napahamak sa kagagawan nila sisiguraduhin kong babalian ko sila ng ulo makikita nila

Nakarating kami sa kwarto ng Prince clay na ito at malayo pa lang rinig mo na ang kalabog na nanangagaling sa loob ng kwarto.

Ano kaya drama ng lalaking ito at dinamay pa ako tiningnan ako ng mga babaeng mukang mga nurse. Tingin na mukang papatay don't tell me inggit sila saakin ? Nako!

"Dalhin mo itong gamit kong may sugat ang prinsipe ay gamutin mo ayaw niya kami papasukin at puro pangalan mo lang ang sinasabi niyang pwedeng pumasok" saad ng isang matandang manggagamot tumango ako at inabot ang mga gamit panggamot bago kumatok sa pintuan

Tatlong beses ako kumatok at Umubo "Prince Clay, Si Chevy po ito humihingi ako ng permisyo na pumasok sa inyong kwarto" magalang na paalam ko pero sa loob loob ko gusto ko sigawan at murahin dahil sa ginawa niya hindi lang sa mga maid ang may galit saakin ngayon. ngunit pati ang mga nurse dito buset!

"Pumasok ka!" sigaw nito kaya pinihit ko ang seradura at pumasok sa loob tsaka muli sinara ang pintuan

Madilim sa loob kaya kinapa ko ang dingding para hanapin ang switch ng ilaw. Alam niyo kasi ganoon kaluma ang lugar na ito kahit paano ay may ilaw na sila pero sympre hindi rin ganon kahigh tech tulad sa mortal world siguro mas gusto nila ang ganto pamumuhay yung parang nasa makaluma pa sila

Maybe kaya di rin nila inaaddopt ang high tech na nasa mortal world ay may galit sila sa mga mortal tulad ng sabi ni Mr.Kidnapper

Bumaha ng liwanag sa paligid. Sarado ang kurtina kaya madilim at hindi napapasukan ng liwanag ng buong paligid bukod roon magulo ang buong paligid. Madaming basag na vase nagkalat ang mga gamit , bulaklak unan at kung ano ano pa

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now