Kabanata 11

3.1K 123 2
                                    

Chasing

Halos maduling ako habang nakatanaw sa isang magarbong engradeng at super mayayamaning birthday party.

"Balik na tayo , Prince Drax. Hindi ako bagay rito" akmang liliko na ako ng hilain ako ng demonyito papasok doon sa party

Ohmygosh! Paano kung api-apihin ako dito tulad sa mga palabas na napapanood ko baka hindi ako makatimpi at magkagulo rito tapos ipapatay ako at ohmygosh!

"Prince Drax! Bitawan mo na ako doon na lang ako sa tabi ni Princess Niara----" pero hindi ako nito binitawan at binantaan lang ako ng gago

"Mananahimik ka o gusto mo halikan kita dito" banta nito bigla ako namula at napayuko tangina naman alam ko hindi nagbibiro ang prinsipe lalo't siya yung tipo ng prinsipe na ayaw ng mga joke

Nagpahila na lang ako rito kung saan niya ako dadalhin at panay mura sa isip ko habang nakapikit. Sana lang walang masamang mangyari lalo't kasama ko ang prince

--------------

Ilang oras ata nakinig sa speech ng hari't reyna pati na sa speech nong birthday boy. Irap lang ako ng irap habang nasa tabi nitong si Prince Drax. Hindi ko man lang nakita sila Prince Eion gusto ko pa naman makita kong ano itsura nito ngayon gwapo ba ? Bagay ba kami?

Hindi ko napigilan ang tumawa ng mahina habang iniisip iyon walang duda crush ko na talaga si prince eion

Puro si prince eion ang nasa isip ko habang nagspespeech ang kung sino man.

Kung single lang si Prince Eion promise lalandiin at aakitin ko siya kaya lang sa kasamaang palad magpapakasal na ito sa isang magandang prinsesa ng Diamond Kingdom at inaannounce na ito nga-----

Natigilan ako at napatingin ako kay Prince Eion at Princess Aledea wala silang mga mask habang nasa itaas at kumakaway wow artista lang ang peg no?

Bigla tuloy ako nakaramdam ng pait. Ang swerte ni Princess Aledea kay Prince Eion. Sana ako na lang si Princess Aledea para ako na lang asawa ng gwapong mabait na prinsipe na iyan haysss.

Matapos silang ipakilala ng hari't reyna at inannounce ang kanilang nalalapit na kasal ay nagsimula na ang sayawan at chismisan habang kami ni Prince Drax nakatayo lang rito at umiinom siya ng wine at ako ng juice bata pa ako bawal ako sa wine e.

Gusto ko rin mag-sayaw--gusto ko maisayaw ng isang gwapong prinsipe na si Prince Eion kaya lang bwisit e. Mukang impossible iyon kasi kay princess aledea lang ito nakikipag-sayaw at nakikipagkwentuhan sa mga matatanda kaya nanlumo lalo ako at nabored

Sana talaga ay nanatili ako sa bagong kwarto namin ni Princess Niara dahil wala naman magandang nangyayari rito maliban sa pagkain masarap e. Kaya nga lang busog na ako mabigat sa tyan yung pagkain na inihanda nila

"Prince Drax, Isayaw mo ako please"

"Prince Drax, Sayaw tayo"

"Let's Dance , Prince Drax"

Napatingin ako kay drax na parang walang naririnig habang panay ang aya ng tatlong babae na nakapaligid sakanya basta inom lang siya ng inom tsk.

Kawawang mga desperadang babae nagkagusto sa isang katulad ni Prince Drax---

"Nakita rin kita!" muntik konna buhusan ng juice ang lalaking biglang humawak sa balikat ko

"Prince Brett!" inis na tinanggal ko ang pagkakahawak nito saaking balikat at pinameywangan at tinaasan ng kilay kahit hindi kita "Huwag ka nga nanggugulat paano kung may sakit ako sa puso?"

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now