Kabanata 9

3.2K 124 0
                                    

Ligaw

Ilang oras din nakipag-away ang prinsesa sa mga kapatid niya para lang payagan siyang magkasama kami sa kwarto ayaw kasi nila na magkasama kami kaya ayun nag-away sila pero sa dulo ay ginamit ni princess niara ang napakacute nitong pagmamakaawa kaya sumuko ang mga ito at pinayagan na magkasama kami

"Ang saya ko na magkasama tayo!" tuwang tuwang sabi nito habang umiikot ikot sa kama namin "Sasabihin ko rin sa reyna at hari na hayaan ka pumasok sa academy" natigilan ako sa sinabi nito may academy rito?

"Academy?"

"Oo doon kami nagsasanay para sa kakayahan sabihin ko isama ka doon! Malapit na kasi ang pasukan at ayaw ko mahiwalay pa sayo kaya isasama kita sa academy wala na ako pakielam kahit si kuya clay ang pinaglilingkuran" saad nito sabay tawa t panay ikot sa higaan nailing na lang ako sa ginawa nito hindi ko kas gusto ang ideya nito dahil mortal ako normal walang powers katulad nila

Pagpasok namin nga rito ay pinakitaan na agad kami ng mga trick hindi gaya sa Spade Kingdom parang tipid ang paggamit ng kapangyarihan at parang ipinagbabawal pa

"Princess Niara, Bakit parang wala ako nakikita sa kaharian niyo na gumagamit na kapangyarihan?" tanong ko rito bigla ito tumingin ng seryoso saaakin tapos tumingin sa taas at nag-isip

"Ang sabi ni ama ginawa nila iyon para mabantayan ang mga taong lumalabas at pumapasok sa palasyo kapag kasi gumamit lahat ng kapangyarihan mahihirapan si papa mabantayan ang pumapasok at lumalabas ng palasyo lalo't may importanteng bagay at tao ang nasa palasyo" paliwanag nito at biglang naging matamlay "Siguro pwede ko naman sabihin ito..." tiningnan ako nito ng seryoso at diretsong diretso ang tingin saakin "May kakayahan ako bumuhay ng patay" para akong natuklaw ng ahas habang nakatingin sakanya "Pero may kapalit iyon. Kapalit ng pagbuhay ko sa patay na tao ay mamatay ako kaya ginawa nila ama iyon para malaman kung may masamang taong nakapasok sa palasyo" sabi nito tsaka ngumiti ng malungkot mukang mahirap ang sitwasyon niya

Sabagay kung hindi ko pa tanggap pagkawala ni dad at mom baka kinidnap ko na tong babaeng to para buhayin mga parents ko pero tanggap ko na ngayon masaya na ako ayos na ako kahit wala sila madaming naituro ang pagkawala nila saakin at nagpapasalamat ako sa mga araw na nakasama ko sila

"Ate Chevy huwag mo sana ipagsasabi iyon! Magagalit si Ama kapag nalaman niya sinabi ko saiyo iyon lihim lang kasi iyon" nag-aalalang saad nito habang nakatingin saakin ng nagmamakaawa

"Oo hindi ko ipagsasabi baka mamaya kidnapin ka pa ako sisihin edi namatay ako ng wala sa oras tsaka hindi ko mapapatawad sarili ko kung ako may kasalanan kapag namatay ka ayoko nga may mamatay dahil saakin no!" sabi ko rito kaya bigla niya ako niyakap ng mahigpit

"Sabi ko na mabait ka talaga paniguradong magugustuhan ka ni Ina pati ni ama" sabi nito habang nakayakap na mahigpit saakin

-----

Gabi na at mag-isa lamang ako sa kwarto wala sila Princess Niara dahil pinatawag ito ng Hari't Reyna ng Diamond Kingdom bukas gaganapin ang magarbong kaarawan ng bunsong prinsipe ng Diamond Kingdom

Gusto nga ako isama ni Princess Niara kaya lang bawal hindi niya na ginamit ang pagmamakaawa niya dahil nakiusap na din ako na manatili na lang dito ayoko mainvolve sa kahit sinong may pangalan sa diamond kingdom pakiramdam ko kasi ay lapitin ako ng mga may mapapangalan na tao rito sa Fantasia. Tama na yung sa Spade ayoko ng dagdagan kaya kaylangan makasigurado ako

Tiningnan ko ang suot kong dress maganda ito at mukang mamahalin kulay abo ito na longsleeve hindi ako mapagkakamalang yaya kapag lumabas ako pwede naman siguro maglibot-libot dito sa palasyo lalo't nakakabagot rito sa kwarto

FANTASIA WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon