Kabanata 26

2.6K 100 2
                                    


Chevy Niara

Nakarating kami sa isang bayan dahil na din sa tulong ni manong na dito rin ang punta buti na lang ay mabait ito at pinasakay kami

Madilim na ang langit actually kanina pa nong nasa gubat kung tsatsansahin ko siguro ay nasa 9 na ng gabi ngayon

"Dumiretso lang kayo. May bahay panuluyan jan" saad nito saamin at itinuro ang isang daan tumango naman ako at yumuko ng bahagya saka nagpasalamat rito

Matapos non ay hinintay namin makaalis ito hanggang sa mawala sa paningin tsaka kami naglakad patungo sa itinuro nito

Habang naglalakad ay tahimik kami. Tanging tunog lang na maririnig ay ang mga tunog na galing sa mga hakbang namin

Hindi ko rin naman gusto siyang kausapin kaya ayos lang sa oras na ito ang gusto ko ay malinis ang sugat ko at makapagpahing sa isang malambot na kama

Pero sa kamalas-malasan pagkarating namin sa bahay panuluyan ay isang kwarto na lang ang bakante

Tiningnan ko si Aleister na tila walang pakielam sa sinabi ng babae rito muli ko ibinalik ang tingin ko sa babaeng titig na titig kay aleister

"Hindi kami maaaring mag-sama sa iisang kwarto!" angal ko kaya naputol ang titigan ni aleister at ang babae hindi ko tuloy naiwasan na irapan ang dalawa

"Patawad binibini ngunit isang kwarto na lang talaga ang maaari huwag kayong mag-alala kasya naman kayo sa higa----" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito dahil sobrang naiinis na talaga

"Baka naman meron pa? Sige na! Hindi ko gusto makasama ang lalaking ito sa iisang kwarto!" sigaw ko sabay turo kay aleister na iiling-iling na ngayon "Sige na naman!" pakiusap ko sa babae perp tumingin lang ito sa baba

"Patawad" mahinang saad nito napahilamos ako ng muka hindi ko gusto makasama si aleister sa iisang kwarto sympre dahil babae ako at lalaki siya hindi magandang tinginan iyon duh!

"Chevy huwag ka nga mag-inarte wala naman ako gagawin sayo" medyo asar nitong saad kaya sisigawan ko sana ng bumukas ang pintuan sa likod namin

Isang lalaki ang pumasok at tumabi saakin at kinausap ang babae

"May bakante pa ba?" tanong nito sa babae na nakangiti napatingin naman ako sa babae na tila nag-aalangan kung anong sasabihin at pabalik-balik ang tingin saamin ni aleister

Inis na inis na bumuntong hininga ako bago nagsalita habang tila walang lakas na nakababa ang balikat ko

"Kukunin na namin ang kwarto"

------

Habang naglalakad kami sa papunta sa kwarto paulit-ulit ko sinabi kay aleister na sa lapag siya baba at hindi siya pwedeng tumabi saakin sa kama hanggang sa makarating kami ay paulit-ulit ko yung sinabi sakanya

Iniwan na kami ng babae ng makarating sa may kwarto namin. Nagpasalamat si Aleister sa babae habang ako nakabasungot ang muka at dumiretso sa higaan at binagsak ang katawan ko roon

Narinig ko ang pagsarado ng pinto kaya tiningnan ko si aleister na naglakad papasok sa banyo siguro ay maglilinis ito ng katawan kaya lang wala kami pamalit ng damit

Napabuntong hininga ako at tumayo sa pagkakahiga sa kama at dumiretso sa bintana para tumingin sa langit kaya lang nahinto ako ng makita ang isang paniki na nakatitig saakin pulang pula ang muka nito kaya hindi ko na tinuloy ang balak baka sugurin ako non!

Ngumuso ako at bumalik sa kama para umupo hinawakan ko ang balikat ko na kumikirot. Grabe talaga ako kaya hindi gumagaling e.

Bumakas ang pintuan ng banyo at inilabas si Aleister na basa ang buhok at may towel na nakapatong sa ulo nito

FANTASIA WORLDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن