Kabanata 29

2.4K 97 2
                                    


CHEVY NIARA

Napatili ako ng magtumbahan ang mga puno sa gilid ko kasabay rin nito ang pagguhit ng hapdi saaking braso

Kusang tumaas ang aking kamay papunta sa braso kong mahapdi doon ko napagtanto na may sugat ito tila hiniwa ng matalis na bagay umaagos ang dugo roon pababa saaking kamay

Taena! Mukang malalim pa sugat ko sa braso! Hindi pa nga gumagaling yung sugat ko gawa noong sa may diamond kingdom tapos may bago nanaman? Seryoso? Ano bang nangyayari saakin?

"Huwag ka na tumakas lady chevy!" rinig kong sigaw ng babaeng akala ko hindi ako nasundan pero nasundan pala ako tangina lang diba? Medyo malayo na ako kung saan ko iniwan sila pero ang babae nasundan pa ako sa lugar nito

Nagulat na nga lang ako kanina na biglang natumba ang mga puno sa paligid ko kanina yun pala ay nakasunod na saakin ang babae

"Utot mo hindi ako sasama sainyo!" sigaw ko at muling tumakbo ng mabilis at lumiko-liko para mailigaw ito ngunit mabilis rin ito sa pagtakbo kaya hindi ko ito mailigaw

Muli natumba ang mga puno sa aking gilid ganon rin ako bigla ako natumba ng makaramdam ng mahapdi saaking hita mukang hita ko nanaman ang napuntirya

Pero kahit ganon ay pinilit ko tumayo kaya lang sobrang sakit talaga ng hita ko kaya gumapang na lang ako kaya lang hindi pa ako nakakalayo ng may umapak sa sugat ko sa paanan ko

Hindi ko naiwasan ang hindi sumigaw ng sobrang lakas

"AAAAAAAHHHHH" Sigaw ko at napapikit pa habang damang dama ko ang sakit ng pagkakaapak nito saaking hita

"Sabi kasing huwag na tumakas e" saad nito at pakiramdam ko tuwang tuwa ito sa pagkakaapak sa paanan ko

Kinagat ko ang labi ko at pilit na iginalaw ang hita ko para alisin ang paa niyang nakaapak sa sugat ko pero mas diniinan niya ang malala ang isang paa niya ay inilagay niya pa sa likod ko

"Ang kulit mo naman! Wala ka ng laban kaya kung ako sayo-----"

"Shut up!" putol ko sa sasabihin niya at patuloy sa pagpupumiglas habang nasa likod ko siya "Umalis ka nga sa likod ko! Mas mabigat ka pa sa baboy na malaki e!" sigaw ko rito

"What did you say bitch?" sigaw nito hindi ko makita ang muka niya pero sigurado akong inis na inis na ito

"Bingi ka ba? Napuno na ba ng hangin yang teng------ aray!!!!" napasigaw ako ng apak-apakan nito ang sugat ko sa hita ko pakiramdam ko gigil na gigil ito habang panay ang apak sa sugat ko

"Damn you bitch!" sigaw nito at walang patid sa pagtapak tapak ng malakas sa aking sugat halos maiyak na ako sa ginagawa nito pero pinipilit ko na hindi maiyak

Sa oras na ganto hindi dapat ako umiiyak kundi mag-isip ng bagay na magpapaligtas saakin

Humanda talaga ang babaeng ito oras na makawala ako rito sisiguraduhin ko na mararamdaman niya kung gaano kasakit yung ginagawa niya saakin

Maya-maya lang ay tumigil na ito sa pagtapak tapak sa paanan ko at umalis sa likuran ko akala ko tapos na siya manakit kaya lang sinipa niya ako sa tagiliran para makahiga ako tsk!

"Pasalamat ka hindi kita kailangan patayin kundi kanina pa kita pinatay" saad nito at may kinuha sa likod na lubid bigla ako kinabahan may pakiramdam ako na itatali niya ako para dalhin sa kung saan pwes wala akong balak na magpahuli sa kanila

Kumapa kapa ako sa gilid ko para maghanap ng bagay na pwedeng gamitin para maihampas sa babaeng ito o kahit ano

At bingo may isang kahoy na nahawakan ako bago pa man nito matalian ang aking paa ng mahigpit ay pinilit ko makaahon ng magtagumpay ako bago pa man makaalma ang babae ay malakas ko inihampas sa muka nito ang hawak kong kahoy

FANTASIA WORLDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt