Kabanata 28

2.6K 85 1
                                    

ALEISTER

Mag-uumaga na ng makarating ako sa lugar kung saan ko iniwan si Chevy

Wala ako tulog at buong gabi ata ako naglakbay para lang makarating sa lugar kaya lang hindi maganda ang nadatnan ko sa lugar

Napapaligiran ng mga tao ang bahay panuluyan ang nakakagulat pa ay may mga opisal ng bayan ang nandoon tila may hindi magandang nangyari

Bigla ako kinabahan na baka may kinalaman ito kay chevy shit! Mapapatay ako ng babaeng iyon!

"Kawawa naman Riel namatay siya at alam mo ang balita? Bampira daw ang pumatay"

"Hindi ba't matagal na silang patay?"

"Hindi ko nga din alam iimbestigahan pa raw" to

Hindi ko na narinig ang ibang sasabihin nila dahil nakalayo na sila at nakalapit na sa bahay panuluyan

Hindi na ako nakadiretso sa lugar dahil baka may makaramdam saakin at panigurado na ako na wala na roon si Chevy

Kailangan ko hanapin si Chevy?

Muli ko pinatakbo ang kabayo palayo at palabas sa bayan ngunit nahinto ko rin ng marinig ang pag-uusap ng dalawang lalaki

"Sinugod daw ang academia kung saan nagpupulong ang mga hari at ayun sa nasagap ko nakuha raw ang prinsesa"

"Sino ang sumugod? Paniguradong galit na galit ang hari't reyna at mga prinsipe nito"

"Hindi ko alam kung sino narinig ko lamang iyon ng nasa sentral ako"

"Baka hindi naman totoo iyan?"

"Hindi ko alam pero sana nga hindi totoo"

Hindi ko na din narinig ang ibang sasabihin nila dahil umalis na sila ngunit napahigpit ang hawak ko sa tali ng kabayo

Totoo ang narinig ko sigurado ako alam ko ang plano ni gray na pagsugod sa academia para dukutin ang prinsesa at iyon ang mahalagang misyon ko dapat kahapon ang pigilan ang kapatid ko ngunit dumating si Chevy kaya inuutos ko na lamang iyon sa tauhan ko pero mukang hindi tagumpay ang plano ko

Lalo napahigpit ang hawak ko sa tali ng makaramdam ng pagtatalo sa aking isip at damdamin kung pupuntahan si Chevy o tulungan ang prinsesa

Napabuntong ako ng hininga pareho importante ang dalawa lalo't ang isa ay kayang bumuhay at ang isa ay hawak hawak ang bloodstone ngunit mas mahalaga na mapigilan ko ang pagkabuhay ni Lord Darker o Ama

'Patawad Chevy pero kailangan ko inuhin ang bagay na ito'

-------------

CHEVY NIARA

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa dami ng iniisip ko. Sympre nagplaplano ako ng pagtakas ngunit tuwing iniisip ko kung anong gagawin ko oras na makalabas ako sa kwarto na ito wala ako maisip lalo't mahirap umalis sa lugar na ito dahil mga bampira sila

Impossible ang makalabas sa kwebang ito na ligtas kung naaamoy nila ang dugo ko

Kung makakalabas man ako hindi ako makakalayo for sure mahuhuli agad nila ako ang malala ay baka kagatin pa nila ako at patayin na ng tuluyan

Kahapon lang handang handa na ako mamatay ngayon parang di nanaman nakakatakot naman kasi e.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng bigla ko maramdaman na tila lumindol kasabay non ay isang malakas na pagsabog mula sa labas

FANTASIA WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon