Kabanata 17

2.8K 109 0
                                    


Selos

CHEVY NIARA

Napakamot ako ng ulo habang nakikinig sa kwento ni Prince Brett na sobrang OA umaakting akting pa ito na tila isang artista

"Tapos dahil gusto ko nila tapusin bigla ako dumating at binugbog sila hanggang sa hindi na sila makagalaw sa sobrang sakit doon ko kinuha ang lunas sa lason ng katawan mo" kwento nito at tumawa ng malakas hindi ko talaga alam kung maniniwala ako sakanila dahil sa tatlong araw nagawa nila iyon? I mean ang pumasok sa kweba at makipag-sugapa sa mga bear para hanapin ang lunas , ang sumisid sa dagat para ulit at lumipad para ulit sa dahilan na iyon tapos andami niyang nakalaban hindi na ata sila natulog "Ano na chevy? Gusto mo na ba ako?" tapos nagpeace sign ito saakin pero nginitian ko lang ito na parang naaasar

"Hindi nga kasi! Ano bang nangyari?" tanong ko rito kaya nangamot ito ng ulo at tumawa tawa

"Mahabang kwento eh!" sagot kung kwenento niya sana kanina edi tapos na hindi ba gumawa p kasi ng kwento e "Pero paiiklin ko basta ginamot ka ni Doctor Mille tapos tapos na!" sarap bigwasan ng lalaking ito wala na akong nagawa kundi ang isandal ang ulo ko sa bintana ng karwahe sabi nila saakin pupunta raw kami sa heart kingdom tapos aalis na pabalik ng Spade Kingdom

Ay sawakas makakabalik na kami sobrang pagod ang katawan ko sa dami ata nangyari saakin

Tumingin ako kay prince clay na nakapikit na nakaupo sa harapan ko since magising ako kaninang umaga hindi ako nito kinakausap sabagay ang huling usap namin nag-away kami e. pero sabi ni Prince Brett silang dalawa daw humanap ng lunas saakin siguro magthathank you na lang ako mamaya sakanila

Nakarating kami sa Heart Kingdom. Nauna maglakad ang dalawang prinsipe at nakasunod lang ako na medyo nakayuko hindi ko nakita ang nasa harapan ng mga prinsipe lalo't nasa likod ako at nakayuko

"Masaya ako na mabilis niyo naresulba ang problema ninyo" rinig kong saad ng isang babaeng boses

"Maraming salamat ngunit may gusto po sanang ikwento at sabihin sainyo si prince brett bago kami umalis" wika naman ni prince clay sa isang magalang na boses wow naman

Maya-maya lang naglakad ang hari't reyna at si prince brett palayo napatitig pa nga ako ng matagal dahil sobrang ganda ng damit ng reyna

Pero biglang nagtaasan at kinabahan ako ng makaramdam ng isang matalim na tingin hindi iyon galing kay Prince Clay dahil may kausap ito kaya unti-unti ko itinaas ang tingin ko sa taong masama ang tingin saakin medyo napaatras ako sa paraan ng matalim nitong tingin saakin

Umiwas ako ng tingin at tiningna na lang ang paanan ko pero ilang na ilang na talaga ako sa tingin ng babae sapalagay ko ay isang prinsesa

"Chevy , May pag-uusapan lang kami ni Princess Hailey kaya maiwan muna kita. Dito ka lang at wag kang lalayo kung ayaw mo iwan ka namin" utos nito saakin at tinalikuran na ako at kasabay silang naglakad nh prinsesa wow medyo bagay sila

"Hoy mutsatsa!" napatingin ako sa babaeng kanina pa masama tingin saakin pero ngayon mataray na ang tingin saakin "Anong pinakain mo sa mga prinsipe?" tanong nito saakin na mataray napa'huh' ako dahil hindi ko magets yung tinanong niya siguro naman alam nito na nalason ako diba? "Bingi ka ba?" asar na tanong nito saakin kaya umiling ako bigla tumalim muli ang tingin nito saakin

"B-bakit ba?" tanong ko rito at muling umiwas pero lumapit saakin ito at sinampal ng mahina ang pisngi ko

"Siguro ginamit mo ang ganda mo para mapaikot ang mga prinsipe sa palad mo" pinilit ko wag magalit dahil galing lamang ako sa sakit tsaka hindi ko kilala ang prinsesa baka ipapatay agad ako nito e "Pero huwag kang mag-alala munting mutsatsa mawawala ka na sa landas namin" nangunot noo ko sa sinabi nito pero lumayos na ito

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now