Kabanata 37

2.2K 73 4
                                    


CHEVY

Uminit bigla ang ulo sa sinabi nito may mali kasi sa sinabi niya kaya naiinis ako

"Nababaliw ka ba?" tanong ko rito habang kaya napatingin ito saakin na nagtataka habang iniilagan at sinasalag ang mga atakeng pinapakawalan ako "Bakit ba tinatanong kita! Halata naman ang sagot!" mas lalong nagtaka ang itsura nito kaya binigyan ko ito ng matalim na tingin

"PAANO MO AKO ILALAYO SA KALAGAYAN KO NGAYON!" sigaw ko na ubos ng lakas "BALIW KA TALAGA! KITA MO NG KONTROLADO NA AKO TAPOS DELIKADO NA LAGAY MO TAPOS NAGAGAWA MO PANG MAGSALITA NG GANYAN! GAGO KA BA?" dugtong ko habang sobrang sama ng tingin sakanya at tumigil sa pag-atake "Sa mga oras ngayon hindi mo ako magagawang iligtas!" mahinahon saad ko at huminga ng malalim "Pero si Niara magagawa mong iligtas--------"

"ANO BANG SINASABI MO CHEVY?!?" sigaw saakin nito kaya binitawan ko ang espadang hawak ko at binatukan siya ng malakas

"MANAHIMIK KA! HUWAG KANG MAGPAKABAYANI DAHIL HINDI BAGAY SAYO!" sigaw ko sabay batok muli sakanya sobrang naiinis kasi talaga ako

Paano niya na sabi na ilalabas niya kaming DALAWA ni Niara sa lugar na ito habang ganyan ang itsura niya

Duguan at walang magawa? Anong kagaguhan iyan? Mamatay na siya rito kung di pa siya aalis kesa mamatay bakit hindi niya puntahan ang kapatid niya at hayaan nalang ako

Isa pabigat lang naman ako kung di ako nakontrol baka hindi ganito ang itsura niya ngayon

"Hindi kita pwede-----"

"Iiwan mo ako rito! Mas kailangan ka ni Niara! Kaya umalis ka na" taboy ko rito at kinagat ang labi ko

"Hindi nga-----"

"Imbis na mamatay rito dahil saakin bakit hindi mo puntahan si Niara t iligtas kailangan ka ng kapatid mo Prince Clay! Hindi kita kailangan! Hindi mo kailangan mag-alala saakin! Isa lang naman ako katulong mo dati!" bulong ko habang nakayuko actually ayaw ko talaga siya umalis pero sa mga oras na to delikado kami pareho

"Mamatay ka kapag iniwan kita rito----"

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko sakanya kaya natigilan ito

"Mamatay tayong lahat kapag hindi mo ako iniwan rito!" asik ko at kwinelyuhan siya "Puntahan mo na si Niara!" pumikit ako ng mariin at muling minulat ang mata ko at nakipagtitiganan ng masama kay Prince Clay "Hindi mo ba nakikita? Kapag pinili mo manatili rito para iligtas ako mamatay tayo! Pero kung aalis ka na ngayon maaari mo mailigtas si Niara! Kailangan mo mamili Prince Clay! Mananatili ka rito o lahat tayo mamatay o pupuntahan mo si Niara at ililigtas siya!" binitawan ko siya at humawak ng mahigpit sa palda ko "Hindi dahil gusto mo kami iligtas pareho ay maililigtas mo kami dahil sa oras na ito isa lang ang maililigtas mo at si Niara iyon" tinaas ko ang tingin ko sakanya at ngumiti ng bahagya "Parang awa mo na Prince Clay puntahan mo ----"

"ANG SABI KO TUMAHIMIK KAYO!" Sabay kaming napatingin sa babaeng pulang pula sa galit habang nakatingin saamin

Hala nakalimutan ko nasa labanan pa kami tangina!

Tiningnan ako ng masama ng babae yung bang tingin na parang tatagos sa pagkatao ko "Paano mo nagawa igalaw ang kanang kamay mo ?? Paano natanggal ang sinulid??" sigaw nito saakin bigla parang natauhan ako

Napatingin ako sa kanang kamay ko at clinose open iyon para tingnan kung di ba ako namamalikmata

Ohmygosh! Nakokontrol ko na ang kanang kamay ko pero paano nangyari iyon?

FANTASIA WORLDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora