Kabanata 46

2.8K 80 0
                                    


PRINCE BRETT

Nakatulala ako at namamangha nakatingin kay Niara na nakapatong ang dalawang kamay sa dibdib ni Prince Clay dahil na rin sa liwanag na biglang lumabas pero agad din napawi iyon ng makita ko nagsimulang mangitim ang kamay ni Niara habang ang paanang bahagi ni Prince Clay ay unti-unti bumabalik sa dati

Pinilit ko tumayo pero hindi ko talaga maramdaman ang paa ko at hindi ko maigalaw

Saan nakakuha si niara ng ganito??

"Niara! Itigil mo yan! Hindi matutuwa si clay kapag ginawa mo ito!" sigaw ko rito ng ubod ng lakas pero parang wala itong narinig at patuloy sa ginagawa

Kinabahan na ako lalo't tumataas na ang kulay itim sa kanyang braso hindi magtatagal ay buong kamay na nito hanggang balikat ay itim na habang ang paa ni Prince Clay ay bumabalik na sa dati

Hinihigop ng katawan ni niara ang itim na iyon!

"NIARA! STOP!" pigil ko rito at sinubukan ng gumapang papunta rito pero hindi sapat ang lakas ko para maitulak o mahila ang katawan ko palapit kay niara

Napamura ako ng tuluyan ng umabot sa balikat ni niara ang itim na iyon at mas humigpit ang hawak ni niara sa dibdib ni prince clay

"NIARA TAMA NA!" mas malakas na sigaw at pilit na tumatayo at gumagapang kahit hindi ko magawa

Fvck! Hanggang ganito na lang ba ako! Fvck!

Nasuntok ko ang lapag at nangitngit sa galit dahil hindi ko mapigilan ang prinsesa lalo't nagtiwala saakin sila ama na hindi ito mangyayari at magagawa kong pigilan ang prinsesa

"Kuya brett..." napaangat ang tingin ko kay niara ng tawagin niya ako bahagya ito nakalingon saakin at maliit na nakangiti "Patawarin niyo sana ako" may munting luha ang kumawala sa muka nito hanggang sa mas tumingkad ang pagliwanag nila at napaangat ng ulo si niara at napikit na tila nahihirapan

Sa isang iglap nilukob sila ng isang nakakasilaw na liwanag kaya napapikit ako at napalayo ng tingin

Ilang minuto ako nakapikit dahil sa nakakasilaw ng liwanag na iyon hanggang sa humupa iyon at nawala

Kasabay ng pagmulat ko ay pagbagsak ng isang katawan at pagbukas ng pintuan ng kwarto

"Brett!"

Hindi ko nagawa lingunin kung sino ang pumasok dahil natuon ang tingin ko sa hindi makilalang bulto ng katawan na nakahiga sa lapag

Kahit hindi makilala ay alam ko na kung sino iyon

"Ang prinsesa..."

CHEVY

Nakatulog ako sa kakaiyak kaya gabi na mg magising ako. Unti-unti ako tumayo sa pagkakahiga ko at tinahak ang daan papunta sa bintana at binuksan iyon

Agad sumalubong saakin ang madilim at payapang gubat na at ang mumunting ingay ng mga insekto at ang magandang bilog na bilog na buwan

Napatitig ako magandang buwan at napabuntong hininga.

Ano na mangyayari saakin pagkatapos nito?

Sa lalim ng pag-iisip ko hindi ko napansin na may pumasok sa loob ng kwarto ko tsaka ko lang napansin ng nasa tabi ko na siya

"Sana marunong ka kumatok diba?" medyo inis na wika ko at napairap sa hangin

Kahit paano nabawasan ang galit ko kay Aleister dahil sa sinabi ni Maya kanina. Hindi lang naman si Aleister ang may kasalanan kung tutuusin ay kasalanan ko naman lahat

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now