Kabanata 42

2.2K 85 16
                                    


CHEVY NIARA

"Arturo.."

"Darker..."

Naramdaman ko ang pagbitaw ng lalaki sa aking kamay habang nakangisi ngunit matalim ang tingin sa lalaking kararating lang

Sigurado akong ito ang papa nila clay dahil tinawag ito ni Brett kani-kanina lang

Matatalim ang palitan ng tingin nila at tila nakikiramdam sa bawat isa

"Muli tayong nagkaharap.." nakangising saad ni bad guy habang nakatingin sa hari ng Spade Kingdom

Hindi sumagot ang hari ng Spade Kingdom bagkus ay lalo lang tumalim ang tingin nito kay bad guy na lalo nitong ikinatuwa

"Ramdam ko pa rin ang galit mo Hanggang ngayon arturo.." ani ni bad guy at humakbang ng dalawang paabante kaya naging alarma ang mga kawal na kasama ng hari ngunit ang hari ay nanatiling nakatayo habang masama ang tingin kay bad guy

"Wala kapatawaran ang ginawa mo darker.." galit nitong saad

"Hindi mo parin nakakalimutan ang ginawa ko sa asa-----" hindi nito natapos ang sasabihin ng biglang mawala ang hari doon at napunta sa harapan niya ngayon ay magkasangga na sila ng espada

Espadang gawa sa kidlat at espadang kulay itim na tila apoy

"Ibabalik kita sa hukay mo darker! Hindi kita hahayaan na mabuhay at maghasik muli ng lagim sa mundong ito" napaatras ako dahil sa lakas ng pwersa na iyon

Nasira pa ang lapag na tinutungtungan nila dahil sa lakas ng pagsasalubong ng kanilang mga espada

Nawala ang ngisi sa muka ni bad guy at ginantihan ito ng mas matalim na tingin habang pigil pigil ang espada nito

"Hindi kita hahayaan na patayin ako arturo! Sa pagkakataon na ito sisiguraduhin ko ikaw at ang mga anak mo ang mababaon sa lupa! Pagbabayaran niyo lahat ng ginawa niyo saakin--saamin"

Hindi ko na alam ang nangyari basta tila parang mga ilaw na lang sila nagsasalpukan dahil sa bilis ng mga kilos nila at isa pa ay hinila na ako ni Prince Clay

"Ka-kailangan na natin u-umalis r-rito.." ani nito habang hila-hila ako palayo pero hindi pa kami tuluyan nakakalayo ay bigla itong natumba

Agad ko ito dinaluhan dahil mukang hindi na talaga niya kaya

"PRINCE CLAY! PRINCE CLAY!" tawag ko rito at bahagyang inalog alog ang balikat nito sabay non ang paglapit ng babaeng gumagamit ng yelo

Itinulak nito ako para makapwesto siya sa mismong pwinestuhan ko atsaka inalog din si Prince Clay para gisingin

"Prince Clay! Prince Clay!" kinakabahang tawag nito kay prince clay lalo't parang lalo itong lumala "Hindi... Kailangan na niya ng manggagamot! Kailangan na natin siya dalhin sa manggagamot!" ani nito at parang maiiyak pa

Kinabahan naman ako sa sinabi nito lalo't mariin nakapikit ang mata ni prince clay parang tinitiis ang nararamdaman nitong sakit

Hinawakan na ng babae si Prince clay para itayo tutulungan ko na sana siya ng may humablot sa braso ako at kinaladkad ako

"Aleister! Aleister!" napangiwi ako sa higpit ng pagkakahawak niya saakin "ALEISTER BITAWAN MO AKO!" sigaw ko at pilit inaalis ang kamay niya nakahawak saakin pero hindi patuloy lang siya sa pagkaladkad saakin "Aleister! Ano ba! Kailangan ko tulungan si Prince clay!" iritang wika ko at pilit na hindi nagpapahila rito

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now