Kabanata 13

3.2K 112 1
                                    


Heart Kingdom

Prince Clay

"Aalis kayo kuya clay? Sa ganyang lagay ni ate che----"

"Princess Niara, Kung ako tatanungin ayoko rin umalis ng ganito ang kalagayan ni chevy pero wala tayo magagawa kailangan magamot agad si chevy" putol ko sa sasabihin nito at nilagpasan para pumasok sa isang maliit na airship paakyat na sana ako ng hilain nito ang kamay ko paharap sakanya

"Paano kung mabigla ang katawan ni chevy ? Paano kung makasama sa katawan ni chevy ang pag-alis niyo? Baka maistress ang katawan niya kuya clay hindi ba't mas delikado iyon. Iwanan niyo na lang si chevy dito at dalhin ang mangagamot na iyon dito! Pinahihirapan mo si chevy kuya clay!" sigaw nito habang nakatingin saakin ng diretso at nag-aalala

"Princess Niara, Hindi pwedeng iwanan namin si chevy dito lalo't lumalala siya sinabi din ng manggagamot na ilang araw na lang meron si chevy bago tuluyan kumalat sa katawan niya ang lason. Kung ako tatanungin ayoko rin naman na gawin ito pero kung malapit siya kung nasaan ang doctor na iyon mas mapapabilis ang paggamot sakanya" paliwanag ko rito at tinanggal ang kamay niya na nakahawak saaking kamay tsaka binalingan ang mga kawal na nakasunod sakanya

Madami ang mga ito at may mga kawal na galing sa Diamond Kingdom ang nakahalo sa mga kawal namin na nagbabantay kay niara

Hindi na namin hahayaan na maulit ang nangyari kagabi.

Tatalikod na sana ako ng muli akong pigilan ni niara. Kunot noo ko to tingnan pero nakayuko ito kaya hindi ko makita ang muka nito

"Kuya Clay, Hindi siya mamatay diba?" tanong nito saakin sa isang munti at maliit na boses. Ipinatong ko ang kamay ko sa buhok niya at bahagya ginulo

"Hindi namin hahayaan na mamatay siya , Princess Niara. Kaya wag kang-----"

"KAPAG NAMATAY SIYA" Sigaw nito kaya napatigil ako. Itinaas nito ang tingin saakin at bakas ang isang buong desisyon sa mata nito "Gagamitin ko ang kapangyarihan ko para mabuhay siya" buong-buo at matapang niti hayag saakin na ikinaawang ng labi ko

"Kaya kuya clay kailangan mo maibalik si ate chevy sa Spade Kingdom ng buhay. Hihintayin ko kayo" gusto ko itong sigawan sa pinagsasabi nito pero alam ko na kahit ano sabihin ko seryoso ito at buo ang disesyon nito at maaaring gawin nga niya ang banta niya

"Hindi ko siya hahayaang mamatay"

----

"Tandaan niyo. May apat-limang araw kayo para hanapin si Doctor Millie kapag hindi niyo siya sa araw na iyan maaaring mamatay na ang babaeng iyan"

Paulit-ulit sumasagi sa isip ko ang sinabi ng manggagamot sa may diamond kingdom habang nasa loob ng isang kwarto sa airship

Apat na araw kailangan mahanap namin ang doctor kung hindi mamatay si chevy

Naikuyom ko ang kamao ko ng maalala kung paano napunta sa gantong sitwasyon si chevy kung sinundan ko agad siya ng makita kong umalis sa pagdiriwang hindi sana mangyayari ito! Hindi sana masusugatan ang prinsesa at hindi mapapahamak ang buhay niya ngayon

Asar na sinuntok ko ang lamesa sa harapan ko ng paulit-ulit. Naging kampante kami kagabi dahil akala namin walang panganib lalo't matagal na simula ng inatake ang prinsesa at nasa palasyo kami

Pero isa lang ang sigurado namin nasa paligid lang namin ang taong gusto kumuha kay niara

"Hindi kaya masira iyang lamesa sa kakasuntok mo , Prince Clay" agad napabaling ang tingin ko sa taong nakasandal sa may pintuan

FANTASIA WORLDWhere stories live. Discover now