2

3.1K 62 0
                                    

Hindi naman ako spoiled brat pero nakukuha ko talaga lahat ng gusto ko. Dad and Mom always at my back. Laging naka supporta sa lahat ng gusto kong gawin. My friends are there always at my side. ano pa bang hihingin ng isang Deana Isabelle Wong? wala na di ba? I am too bless kaya.

Hindi naman sa pagmamayabang pero sikat ako kahit saan pa ako mapunta. Hindi naman ako kagandahan pero maraming nahuhumali sa akin. Mapa Lalaki pa yan, Tomboy, pati Straight girls at kahit pa mga bakla nag ka ka crush sa akin. 

Sabay sabay naman ako sa lahat kaya halos lahat kaibigan ko at gusto ako. Kilala na talaga ako sa school. halos lahat ng activity nandun ako. Varsity ako sa volleyball, minsan nasasali din ako sa basketball girls at Soccer. halos lahat ng Ball games alam kong laruin. Astig di ba? 

Natutu din ako mag Drums para mas astig. rock 'n roll. masaya naman ako dito sa school ko. wala nga lang ka challenge challenge kasi nga nagagawa ko lahat. Pero salamat na rin sa May kapal kasi na bigyan ako ng ganito ka gaang buhay.

.......


Kilala ang pamilya ko sa amin. Si Mama kasi Principal na. lagi nga akong binubully kasi daw Teacher's Pet ako. ako ay anak ng Principal. Kahit deserve ko mapasama sa honors list laging may negative feedback akong natatanggap.

e kahit nga ang pag pasa ko Sa Volleyball varsity may issue pa. Kanta dito, Sayaw doon kahit naman maraming bumubully sa akin marami namang natutuwa sa twing nakikita na akong mag perform sa stage. Hindi naman ako ganun ka galing. pero marunong akong sumayaw at kumanta. 

Sumasali pa nga ako sa Chorale kahit varsity na ako. Kampeon pa kami sa Regional. Nakasali naman ako sa Palarong Panbansa kahit hindi naman nanalo ang school namin sa District Meet nakuha ako ng kampeon na team para maging bahagi ng Team nila para ikinatawan ang aming pook na Laguna.

Ang dami lang talagang na iinggit sa akin kaya nabubully ako. pero lumalaban naman ako. hindi sa pamagitan ng gusto nila kundi sa pamagitan ng pag achieve pa ng maraming bagay. Hindi ko naman kailangan pang may patunayan sa kanila. ako lang naman si Jessica Margarette Galanza. Walang sinuman ang makakahila sa akin pababa. tatayo at tatayo ako at iaaangat ko sarili ko dahil naniniwala akong tutulungan ako ng Diyos na may likha at hindi niya ako pababayaan.

......

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now