23

1.4K 55 2
                                    

Pauline's POV

Dapat masaya ako kasi mas napapalapit sa akin si Deana. Crush ko nga siya pero hindi ko naman alam kung kaya ko makipag relasyon sa kanya. eh alam ko naman na hindi ako ang laman ng puso niya.

Parang wala naman kasi siyang choice kundi patulan ako. Ako na lang kasi natira sa kanya, pero ramdam ko si Jema pa rin ang hinahanap ng puso niya.

Ayaw ko naman patagalin ang pagliligaw niya sa akin kaya kinakailangan ko ang tulong ni Jema kaya pinuntahan ko siya habang nasa game siya.

Tamang tama naman ang dating ko kasi kakatapos lang ng Set 1 at sila yung nanalo kaya pwede ko siya makausap saglit.

Pauline! Tawag niya sa akin ng makita niya ako. 

Best! Niyakap ko siya at agad ding bumitaw para makaharap siya. Best, I need your help tomorrow. Samahan mo naman ako hu. Please. 

Para saan ba yan? Taka niyang tanong. 

Basta iText ko sa iyo ang lugar. Puntahan mo ako bukas. Sabi ko sa kanya.

Ok ok. May pagmamadali niyang sabi. I need to go. Tawag na ako. Tumakbo na rin siya sa huddle at nag wave lang ako sa kanya.

I know naman Jema She's true to her words kaya alam ko makakapunta siya.

Binalikan ko naman si Deana na naghihintay lang sa labas ng court. Parang tulala siya na tilang may iniisip. Siguro nakita niya si Jema sa malayo kaya nag kakaganyan siya. Sabi ko nga eh. hindi pa siya talaga naka move -on kay Jema. Paano ko ipagtitiwala kay Deana ang puso ko kung mismo siya hindi niya talaga alam kung sino ang laman ng sarili niyang puso.

Tara na Deans. Tipid kong sabi sa kanya. Tahimik na sumunod naman siya sa akin sa bus.

Nang makaupo na kami. Deans. Samahan mo ako bukas ha. May pupuntahan lang ako.

Tumango lang ito at hinawakan ang kamay ko. Magkatabi nga kami pero para ang layo layo niya. Pilit kong tinago ang sakit at nag kibit balikat na lang. Kailangan nilang mag-usap ni Jema. Kailangan nila iyon para maka move-on na sila. at kailangan ko rin iyon para sa peace of mind. Ako kasi talaga napagitna sa kanilang dalawa. Pagod na pagod na akong intindihin sila.

.....

Kinabukasan

Deana's POV

Dali-dali akong pumunta ng flowershop at bumili ng bulaklak para kay Pauline. Ika sampung buwan na akong nanliligaw sa kanya. Sabi niya may puntahan kami ngayong araw. Linggo naman kaya walang training.

Tinext niya naman ang place kung saan kami magkikita. Baka sasagutin niya na ako. Isang private resort yung pupuntahan namin sa batanggas.

Nag book na rin ako ng Grab para makarating doon ng maaga. Magiging okay na rin ako. Siguro pag kami na ni Pauline makakalimutan ko na rin si Jema.

Nag text na ako sa kanya. Babe? Papunta na ako. Nakasakay na ako ng Grab. Umiglip muna ako sa sasakyan. Mahaba-haba ang byahe.

Pagdating doon wala pa si Pauline pero may lumapit sa akin. Siguro siya ang Receptionists nung hotel. Ma'am? Deana Wong?

Yes?! Taka kong sabi.

Dito po tayo. May reservation po kayo with Pauline Gaston. Sabi pa nito at inalayan na ako papasok ng Restaurant. Sumunod naman ako sa kanya. Ma'am, dito niyo na po hintayin kasama niyo. Sabi pa nito habang nakangiti, umupo naman agad ako.

Habang nag hihintay, nag cellphone muna ako. tinext ko si Pauline. Nandito na ako babe?

Nagreply naman ito. Sige, wait lang. 

Tinuon ko na lang ang pansin ko sa mga videos sa youtube habang naghihintay kay Pauline.

Excuse me?! Nagulat ako nung may nagsalita sa likod ko. Familiar ang boses niya. 

Jema? Gulat kong sabi.

Ano namang biro to. kung kailan naman malapit na kita makalimutan. tsaka ka pa nagpakita.

....

Jema's POV

Napasubo yata ako. Kinukulit na ako ni Pauline since kagabi pa. walang tigil ang text niya sa akin. Kailangan ko talaga siyang puntahan sa Batanggas. Ang layo naman.

Tinawagan ko naman si kuya Cy. Magpapahatid na lang ako sa kanya. kahit kailan naman hindi pa siya humindi sa akin. Lagi siyang may time. Linggo naman. hindi naman siya siguro busy.

Kuya Cy? Si Jema to?

Yeah i know. Sabi niya sa akin

Pasundo naman dito sa Adamson may pupuntahan akong importante. Sabi ko sa kanya.

Ano ang bayad? Panloloko niya sa akin.

Kuya naman eh. sige naman please. Pakiusap ko.

Okay fine. Kailan ba ako umayaw sa iyo. Saan ka ba pupunta?

Batanggas kuya. Kaba kong sabi sa kanya. Baka ayaw niya magdrive ng ganun ka layo.

Wow! Ang layo naman. Gulat niyang sabi.

Babayaran ko ang Gasolina ng kotse tapos libre kita ng dinner pagkatapos. Mabilis lang naman please. Pangkumbinsi ko sa kanya.

Ano pa ba magagawa ko. Sige na. magbibihis na ako. I'll be there after 30 minutes. Sabi niya na kinatuwa ko.

Salamat talaga kuya Cy. Hulog ka ng langit. Sabi ko sa kanya.

Sabi ko naman sa iyo di ba? I will always be your knight in shining armor. Parang natawa naman ako sa kanya.

Sige na kuya. see you later. Binaba ko na ang telepono at nag ayos na.

Maya maya pa dumating na rin si kuya Cy kaya bumyahe na kami patungong Batanggas.

Nag text na rin ako kay Pauline. Pau? going na ako Batanggas. This better be important. Banta ko sa kanya.

Salamat Best. this is really important. promise!Sabi pa ni Pauline sa akin.

Nakaiglip naman ako. Ginising lang ako ni kuya CY ng marating na namin ang resort na sinasabi ni Pauline.

Pasok na dun Jema. Text mo ako kung tapos ka na. Maglilibot na lang ako dito para naman may silbi ang pagpunta ko dito. Sabi sa akin ni Kuya cy.

Salamat talaga. Beneso ko siya at agad ng pumasok sa hotel.

May lumapit na receptionist sa akin. Ma'am Jessica Galanza. Sabi niya sa akin. Fan niyo po ako. Pwede papicture. Pinaunlakan ko naman siya.

May reservation ba si Pauline Gaston dito? Natanong ko pagkatapos naming mag selfie ang receptionist.

Ma'am. sumunod lang po kayo sa akin. Sumunod naman ako sa kanya hanggang nakarating kami sa restaurant. Nakita kong may naka upo na sa may misa. Nakatalikod siya kaya hindi ko nakilala agad.

Excuse me? Sabi ng receptionist sa naka upo. Agad naman siya lumingon. Nagulat ako ng maaninag ko si Deana. Ma'am andito na po ang kasama niyo. Dagdag pa ng receptionist.

Matagal pa ang pagtitinginan namin ni Deana hanggang binasag niya na ang katahimikan. Jema?

Biglang sumikip ang dibdib ko sa nangyari. at hindi ko na napigilan ang maluha. Bigla namang napayakap si Deana sa akin. Na miss ko siya sobra. Niyakap ko siya ng mahigpit. Please stay. Bulong ko sa kanya.

.......



Best Of FriendsWhere stories live. Discover now