Happy Ending

3.3K 103 15
                                    

Jema's POV

Bi? Rinig kong tawag ni Deana. Gusto ko pang matulog. Ayaw ko pa sana magising kaso niyu-yogyog niya ako. Gising na. Malalate na tayo sa pupuntahan natin.

Saan ba tayo ngayon? Tanong ko habang nakapikit ang mga mata. 

Sige na. Gising na please. Pakiusap niya at hinalikan ako sa labi.

Dahan dahan akon naupo sa higaan namin pero hindi ko pa rin idinilat ang mga mata ko. HInila na ako ni Deana papuntang banyo. Kahit nakapikit ay naligo na ako. Pagod na pagod ako sa pamamasyal namin kahapon. Tila hindi naman napagod si Deana at parang ang sigla sigla niya pa.

Pagkatapos kong maligo nagulat na ako ng lumabas ako. Nakita kong may white dress sa ibabaw ng kama at may Crystal shoes sa sahig. Ang ganda ng sapatos, Parang sapatos ni Cinderella transparent siya na may mga kumikinang na silver na talapakan. Bi? Saan ba tayo pupunta? ANg gara naman nitong Dress para naman ako nito mag fi-first Communion. Nilapitan ko ang Dress at may sulat sa ibabaw nito kaya binasa ko.

Bi? 

Paki-suot na lang ng Dress at sapatos. Importante kasi itong lakad natin. Nauna na ako kasi late na tayo. Sunod ka lang sa akin. May taxing naghihintay sa'iyo sa labas ng condo.

Ay. Wala na pala akong kausap. Sabi ko sa sarili ko.

Parang nainis ako sa pag-iwan ni Deana sa akin pero sinunod ko na lang yung bilin niya. Ayaw ko naman mag-away pa kami sa bakasyon namin. Nakakatampo lang talaga kasi.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako. Tama nga si Deana may naghihintay na na Taxi sa labas lang ng Condo ni Ate Aly. Nag byahe na kami. Nakatulog na nga ako sa sobrang tagal. Saan na ba si Deana.

Miss. We are here. Gising ng Driver sa akin. Familiar yung boses parang narinig ko na somewhere kaya napatingin ako sa Driver. Bakit hindi ko agad nakita.

Cy? Anong ginagawa mo dito? Tanong ko sa kanya. Akala ko ba nasa  Switzerland kayo ng asawa mo?

Nag papart time job ako dito. Sabi niya pa na naka ngiti. Alam mo na. Malapit ng maging tatlo anak ko. Kailangan kumayod.

Ha? I bakit dito ka pa nagtrabaho. Meron naman dung taxi sa switzerland. Taka kong tanong.

Explain ko lang next time. I need to go na kasi. May susunduin pa akong pasahero. Dahilan ni Cy sabay wink sa akin. I'm really happy for you. Bulong niya pero hindi ko na masyadong narinig.

Ano yun Cy? Tanong ko.

Sabi ko ichat lang kita pag may time. At ngumisi ng nakakaloka.

Bumaba naman ako ng Taxi niya at pumasok sa isang gate.

Kaninong bahay ba ito? Bahay ba ito? Tanong ko sa sarili. Mansion yata to eh. Ang lawak lawak.

Pinagbuksan naman ako ng gate ng Security Guard. At may lumapit sa akin na Receptioninst. Parang Familiar din ito sa akin. Ng malapit na siya saka ko na lang siya nakilala.

Celine? Ito ba ang sinasabi mong bago mong trabaho? Gulat kong tanong sabay beso sa kanya. Hindi ko alam na dito ka na pala sa Thailand. Sabi ko pa sa kanya.

Hi Miss Jema Galanza. Bati niya sa akin at binulungan ako. Sorry ha. Bawal kasi small talks sa trabaho ko eh. Mamaya na lang after work. Pagkatapos niya yun ibulong sa akin ay nilakasan niya ulit boses niya. Miss Galanza Please follow me.

Sumunod lang ako sa likod niya. Anong trip ba to ni Deana? Ang layu naman nitong nilalakad namin. 

Miss Galanza. Please wait here. Pinaupo ako ni Celine sa isang kwarto. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now