55

1.6K 45 1
                                    


Jema's POV

Heto't kasama ko si Deana. Hindi ko alam pero gumaan ang loob ko habang kasama ko siya. Nakapag-isip –isip na rin ako tungkol sa team ko. Tama nga si Fhen. Hindi ko na iniisip ang nararamdaman nila. Mas naging mahalaga para sa akin ang manalo. Todo kayud ako at hindi ko na ini-enjoy ang laro kasama sila. Nag focus ako sa scoring kaya napagod ako at hindi na masaya.

Team kami dapat pero sinolo ko lahat. Na drain ako sa sarili kong kagagawan.

Jem? Ayos ka lng ba. Tanong sa akin ni Deana habang naka-upo kami sa sasakyan niya.

Dean? Pwede ba dun tayo matulog kina lolo Danny? Sabi ko sa kanya. Parang nahiya ako sa mg aka team ko. Gusto ko munang mag-isip ng maayos para makausap sila ng mansisinan.

Okay ba. Ngiti niyang sabi kaya napangiti din ako sa kanya.

Pwede ba natin tawagan si Pauline para samahan tayo. Tanong ko sa kanya. Ayaw ko namang kami lang dalawa. Baka may mangyaring hindi ko inaasahan.

Naalala ko pa nung unang halik naming sa mismong kwarto niya. Parang kinabahan ako sa mga naiisip ko.

Try ko. Sabi niya. Sabi niya kasi may tatapusin daw sila ni Jules na Book Report.

Okay. Huwag na natin siyang isturbuhin. Bigla kong naisip si Jia Paano kaya si Ate Jia?

What? Bakit si Ate Jia. Gulat niyang sabi.NAtawa naman ako sa reaksyon niya. Namula siya at parang natataranta.

Bakit hindi? Siya kaya ang pinaka close ko sa Creamline. Sabi ko. At isa pa kailangan ko ngayon ang mga words of wisdom niya.

Parang nalungkot naman siya kaya inakbayan ko siya. Sige na Deans. Minsan lang naman ako huminhingi ng pabor sa iyo. Nag puppy eyes ako sa kanya kaya pinisil niya ang pisngi ko.

Cute mo. Gigil niyang sabi.

Tinawagan niya si Jia. Hindi ko rin marinig yung pag-uusap nila kasi bumubulong lang si Deana. Tinitignan ko lang siya. Para naman siyang bata na nagdadabug kay Jia. Natatawa ako sa mga reaksyon niya.

Kahit papano nabawasan ang bigat ng dibdib ko. Salamat kay Deana. Lagi lang siyang nariyan para sa akin.

......

Deana's POV

Pinakiusapan ako ni Jema na papuntahin dito si Ate Jia sa bahay. At ito naman si Ate Jia, tinutukso pa ako.

Ano naman gagawin ko diyan? Sabin i Ate Jia.

Ayon nga. Kasi may problema si Jema. Kailangan niya ng advise. Pakiusap ko sa kanya. Punta ka na kasi dito. Alam mo naman ang lugar. Pahatid ka na lang kay Kuya Migz.

Bakit pa ako kailangan diyan kung nandiyan ka naman? Sabi niya pa. Pagkakataon mo ng solohin si Jema diyan hu. Mag pabida ka na diyan. Sabay tawa sa kabilang linya.

Ano ba 'te. Hindi ako yung kailangan niya ngayon eh. Nagmamakaawa na ako. Please naman te oh.

Tinawanan lang ako ni Ate Jia. Be there as soon as possible. Ano ang bayad mo?

Anong bayad? Taka kong tanong sa kanya.

Tumawa naman siya. Ate?! Saway ko sa kanya.

So darating siya? Hinarap ko ang nagsasalita sa likod. Ang cute niyang mag puppy eyes at naka prayerful hands pa siya. Napangiti ako sa kanya kaya ngumiti din siya sa akin.

Best Of FriendsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora