46

1.4K 46 0
                                    

Deana's POV

Matagal tagal na rin na hindi kami nag kita ni Jema. Kinailangan kasi naming pumunta sa Japan para sa Summer Training at si Jema naman hindi na nakasama sa Creamline dahil sumali ang Adamson sa Colegiate ng PVL.

Kakauwi ko lang ng Manila pero agad akong tumungo ng FilOil Arena para mapanood ang game ni Jema laban sa St. Benilde. Balita ko. Number 1 ang team nila ngayon sa League. Wala pa silang talo at syempre si Jema yung namumuno sa Scoring Stat sa buong Season.

Mabuti na lang napakiusapan ko si Ricci na bilhan ako ng Ticket kaya ito for the first time mapapanood ko si Jema na naglalaro.

Cheer lang ako ng cheer, Kasama ko rin naman sina Pauline at Jules kaya hindi naman akong nag mukhang baliw dun. Pumwesto kami sa lugar na hindi kami makikita. Baka kasi ma issue kami dahil wala namang laro ang Ateneo.

Nakuha ng Adamson ang dalawang set agad pero nung ika 3rd set na parang lumaban na rin ang kabilang team kaya dikit ang score.

Intense na ang laban. Kitang kita naman ang seryoso ng mukha ni Jema. Gusto niya talagang manalo. Ng tumalon siya para iblock ang kalaban hindi nagging maganda ang bagsak ng paa niya.

Nagkaroon ng commution sa loob ng court. Nagstop muna ang third set dahil natumba si Jema at parang nadislocate ang kanang paa niya.

Dali dali akong bumaba kasama sina Pauline at naghintay kami sa Dug-out. May ambulansya na at may mga Medical team na nakapalibot.

Pinilit kong makalapit kay Jema. Nakita ko siyang tinatakpan niya ang mukha niya ng towel habang humahagolgol sa iyak.

Shit Deans. Ang sama yata ng lagay ni Jema. Sabi pa n Pauline kaya lalo akong natataranta.

Pinasok na si Jema sa Ambulance. Pau. Tayo na. Sinundan naming ang ambulansya hanggang makarating kami sa Hospital.

Pumasok kami ng Emergency at hinanap si Jema.

Deans. Nandun yata siya. Sabi sa akin ni Jules kaya pinuntahan na naming si Jema.

Umiiyak siya sa sobrang sakit. Maliban sa sakit na naidulot sa kanya ng injured niyang paa, ang sakit na hindi siya makapaglalaro para sa team ang pinakamalungkot sa lahat. Kitang kita sa mukha niya ang labis na kalungkutan at pighati. Agad ko siyang nilapitan ng matapos na siyang bigyan ng first aid ng nurse.

Napayakap ako sa kanya. Don't worry Jem. Andito na ako. Sabi ko sa kanya at agad naman itong humahagulgul sa iyak. Nayakap niya rin ako ng mahigpit.

....

Jema's POV

Ang ganda na ng inilalaro ko pero ito may panibagong pagsubok na naman ako. Kung kalian malapit na ako magtatagumpay. Ito may pumigil na naman sa akin.

Iyak na ako ng iyak. Pano king ACL ito at hindi ako makapaglaro sa UAAP. Paano na ang team. Pano na ako.

Hindi ako makapaniwalang mangyayari pa sa akin ito. May biglang lumapit sa akin at niyakap ako. Don't worry Jem, andito na ako. Sabi nito kaya napayakap ako ng mahigpit sa kanya.

Ng huminahon na ako pinunasan ko na ang mga luha ko kaya nakita ko na ang taong yumakap sa akin. Si Deana. Nasa likod niya lang si Pauline at si Jules.

Anong ginagawa niyo dito. Tinanong ko sa kanila.

Nanood kami ng game mo kanina, Sinundan naming ang ambulansya na sinakyan mo. Paliwanag ni Pauline. Nilapitan naman ako ni Pauline at niyakap. Tutulungan ka namin ni Deana Jem. Hindi ka naming pababayaan.

Magkaibigan naman kami ni Pauline at Girlfriend siya ng Kapatid ko kaya close talaga ako sa kanya. Umiyak na naman ako habang nakayakap sa kanya.

Maya-maya pa umalis muna sina Pauline para bilhan ako ng hapunan. Kaya si Deana na ang nagbabantay sa akin.

Nag text si Fhen. Maya maya bibisitahin ka nila dito. Sabi niya sa akin ng umalis na sina Pauline.

Tumango lang naman ako sa kanya. Nanghihina na talaga ang buo kung katawan kaya hindi ko na siya tinarayan pa.

Salamat. Tipid kong sabi kay Deana ng inaalalayan niya ako mag CR.

Sakit pa talaga ng paa ko kaya hindi talaga ako makakagalaw mag isa. Laking tuwa ko na nandito siya para bantayan ako. Malayo pa kasi sina mama kaya bukas pa yata nila ako mapupuntahan dito sa ospital.

Todo alaga niya talaga ako hanggang dumating na sina Fhen dala dala ang mga damit ko.

Magiging okay ang lahat. Sabi sa akin ni Deana habang hawak hawak ang kamay ko. Ningitian ko lang siya.

Hindi pa ba bumalik ang doctor mo? Tanong ni Ate Mylene sa akin.

Wala pa eh. Tipid kong sagot.

Sana nga hindi iyan ACL. Kailangan ka pa ng team. Sabi pa ni Fhen sa akin.

Wala ka talagang concern noh. Reklamo ko sa kanya sabay batok dito,

Natawa naman ang iba sa inasta ko.

Hindi naman siguro ACL yan. Positibong sabi ni Deana. Kasi pag ACL yan hindi na siya makapambatuk pa. Tuluyan ng tumawa ang iba sa sinabi niya kaya tinaas ko naman ang kilay ko.

Ang cute mo talagang mag taray. Sabi ni Deana sabay pisil sa mga pisngi ko. Na lalong kinatuwa ng lahat.

Ayieeee.... Tinukso na kaming dalawa ng buong team.

Napangiti naman ako. Parang gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa kanya.

.....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now