59

1.5K 53 2
                                    

Jema's POV

Ang dami kong errors. AKo yata nagpatalo sa team eh. Nanlumo ako ng matalo kami. Pano na ang semis. Naagawan na kami ng Spot sa Final Four.

Jem?! Tawag sa akin ni Joy habang tumatakbo kami papuntang Dug-out. Ano ba? Bakit k aba tumatakbo? Tanong niya habang humihingal.

Bakit mo ba kasi ako hinabol? Sarcastic kong tanong sa kanya.

Baka kasi mahimatay ka naman sa sobrang depress eh. Sabi pa nito.

OA ha. Naiihi lang ako kaya ako tumakbo. Dahilan ko sa kanya. Sa totoo lang gusto ko lang talagang lumayo sa lahat. Pero sa sobrang pagod ko, hindi ko rin magawang lumayo pa.

Dumiritso na ako ng banyo para panindigan ang dahilan ko. At doon na ako napaiyak. Hindi ko alam pero mabigat talaga sa loo bang pagkatalo namin laban sa Ateneo. Isang set na lang sana pero nagawa pang maextend dahil sa mga errors ko.

Huwag mo ng sisihin sarili mo Jem. May biglang nagsalita sa labas ng cubicle ko. Talagang pinag –aralan ka lang talaga namin. Sabi pa nito kaya binuksan ko ang pintuan para masilip kong sino ang nagsalita. Si Deana.

Hi. Nakangiting bati niya sa akin. Sorry ha. Nadisturbo ba kita.

Lumabas na rin ako ng banyo para maghilamos ng mukha. Ano bang ginagawa mo dito. Maling dug-out yata ang pinuntahan mo.

Nag – alala kaya ako sa yo. Sabi niya pa habang nakanguso.

Okay lang ako. Ningitian ko siya para hindi na siya mag alala.

Kung iniisip mo yung mga errors, hindi ikaw may kasalanan nun. Dapat kasi umiba ng diskarte si Fhen kasi alam niya naman na nakabantay kami sa iyo. Sabi niya pa kaya natawa ako.

Nainis ka talaga kay Fhen noh. Biro ko sa kanya.

Sino bang hindi? Sigurado ka bang mag EX na lang kayo? Para kasing kayo pa kung makayakap siya sa'yo. Sabi niya pa kaya lalo ako napatawa ng malakas.

Okay na rin to, Kahit pinagtatawanan mo lang ako atleast nakatawa ka na. Sabi niya pa habang nakangiti sa akin kaya napatahimik din ako.

Salamat sa pag-alala Deans. Pwede ka ng bumalik sa Team mo. Sabi ko sa kanya bago pa magsidatingan ang mg aka team mates ko. Ayaw ko pa maisyo ngayon. Wala ako sa mood.

Okay. Bago pa ako tumalikod sa kanya bigla niya lang ako hinila para makaharap siya muli. Nagawa ko ang deal. Sabi niya. Na block kita kanina at nakascore ako. So tuloy na ang panliligaw ko say o. Presko ang pagkasabi niya kaya naitulak ko siya palayo.

What!? Gulat kong sabi.

Nag promise ka sa akin na pag nagawa ko ang deal, papayagan mo na akong ligawan ka. Seryoso niyang sabi.

Ramdam kong namula ako at hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga hirit niya.

Walang bawian Jema. Silence means yes. So liligawan na kita. Sabi niya sabay wink sa akin. Susunduin kita mamaya sa dorm mo. Mag didiner date tayo. Diin niyang sabi.

Pumapayag na ba ako? Inis kong sabi.

Wala ng bawian. Nagawa ko ang Deal.. Hindi ko na siya pinatapos kasi paulit –ulit niya yun sinasabi.

Okay Fine. Sunduin mo ako 7pm mamaya sa dorm. Sabi ko. Pag nalate ka, walang bias ang deal. Okay?

Ako pa ba? Sabi niya sabay smirk. Ang tagal ko kayang hinihintay ang pagkakataon na ito. Sabi niya sa akin sabay akbay. Salamat naman at maliligawan na rin kita, mahal kong Reyna.

Naitulak ko naman siya ulit. Ang presko talaga, pero aaminin ko, kinilig ako doon. Tinago ko na lang ang kilig ko sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ko. Yabang mo Wong.

Mahal mo naman. Sabi niya pa bago mag wave ng goodbye sa akin.

Kapal! Sigaw ko sa kanya bago pa siya makalayo.

Napangiti na lang ako mag-isa dun sa banyo.

Kahit natalo kami ngayong araw, parang panalo naman ang puso ko.

Ayieee!!!!! Tukso ng mga kateam ko na nasa likod ko lang pala.

Narinig naming yun. Tawang tawang sabi ni Joy.

Sa wakas natuloy na rin. Dagdag pa ni Eli.

Wala ba akong Thank you diyan. Sabi pa ni Fhen at lumapit sa akin kaya nahampas ko siya sa balikat. Aray naman. Reklamo niya.

Kasalanan mo to eh. Pinaghahampas ko pa si Fhen kaya natawa na ang buong team sa amin.

Hindi ko alam kong ano pwede mangyari, pero isa lang ang tiyak ko, sisisguraduhin ko na talaga na hindi na mawawala pa si Deana sa akin.

......

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now