34

1.3K 38 1
                                    

Deana's POV

Simula ng makilala ko si Jema ngayon ko lang siya nakitang ganun ka sungit. Dati naman eh palangiti lang siya at kahit nga may menstruation siya hindi naman siya nagsusungit talaga. Ano kaya nangyari doon?

Aba aba aba.... Bulong ng boses sa likod ko kaya napalingon ako sa nagsalita. Si Pauline lang naman pala. At kalian ka pa natutu mag cutting classes ha. Akala ko ba perfect mo ang GMRC nung elementary ka? Suyang sabi niya sa akin habang nakatawa naman sa tabi niya si Jukes.

Auh iwan ko sa inyo?! Inirapan ko sila ng tingin.

Zero ka na sa long quiz natin. Seryosong sabi naman ni Jules.

What?! May long quiz?! Gulat kong tanong. Bakit hindi ko yan alam?

Tinawanan lang ako ng dalawang Demonyo kaya napakunot ako ng noo.

You should have seen your reaction Deans. Sabin i Pauline habang tuloy pa rin ang pagtawa nila.

Pinag tripan niyo ba ako? Inis kong tanong sa kanila.

Joke lang para naman hindi ka mabiro. Sabay akbay sa akin ni Jules.

Saan ka ba kasi galing ha? Tanong ni Pauline sa akin ng natapos na ang pagtawa nila ni Jules.

Kay Jema. Sabi ko sabay yuko.

Sa wakas lumakas din ang loob mong lumapit kay Jema. Sabin i Pauline It's been a long time. Akla ko hindi ka na nga talaga mag kakalakas loob.

Aminado naman akong duwag ako. Pero iwan ko ba nung nakasama ko na si Ricci at na observe ko ang pagka pabling niya sa iba't-ibang babae parang nahawa na ako sa kanya at nagkaroon na rin ako ng lakas ng loob.

May napala ka naman ba? Suyang tanong ni Jules.

Wala nga eh. Parang nagalit pa sa akin. Nayabangan yata. Sabi ko sa kanila.

Nahawa ka na kasi sa kayabangan ni Ricci. Yan tuloy. Umayos ka nga Deana. Saway sa akin ni Pauline.

Labo naman na kasi. Sabi ko na nakayuko. May girlfriend na siya.

If I know that Fhen became yung panakip butas nung iniwan mo si Jema. Diing sabi ni Pauline. Ikaw naman kasi ang bagal mo.

Sino kaya ang reason kung bakit bumagal ang usad namin ni Jema. Pinagdilatan ko ng mata si Pauline. Dati kasi may gusto sa akin si Pauline kaya siya lang naman ang iniisip naming ni Jema kaya hindi matuloy tuloy ang Love story naming.

Hoy! Namewang na sabi ni Pauline. Matagal na kaya ako naka move-on sa iyo. Winakli pa ang buhok niya na tila nag shashampoo commercial. At may Kobe na ako nuh. She!!!

Tsss... Napa kamot na ako ng ulo. Malabo na yata ako kay Jema, Pau.

Maghintay hintay ka na lang muna Deana. Huwag kang pabling tulad ni Ricci. Stick to one ka lang dapat. Sabi ni Pauline at nagpulupot sa braso ko. Babantayan kita. For sure naman hindi magtatagal si Fhen at Jema eh.

Talagang sigurado ka diyan ha. Sabi k okay Pauline nan aka kunot ang noo.

Hindi ko kasi gusto ang angas ng babaeng iyon. Kahit ako pinagseselosan niya. Ni hindi na nga kami nakapag bonding ni Jema dahil sa kanya. Inis na sabi ni Pauline. Para talagang nanggigigil sag alit ang babae..

.....

Jema's POV

Kanino ka galit ha. May biglang umupo sa tabi ko. Naghihintay ako ng iba kong kasama sa Creamline. Nilingon ko ang katabi ko at nakitang nakangitii sa akin si Jia. Baka mabasag mo na yang semento sa kakasipa mo. Hindi ko namalayan na sinisipa ko na pala kanina pa ang Fishpond

Inis na inis ako kay Deana, ginugulo niya naman ang isip at puso ko. Nalilito na naman tuloy ako. Nakakainis talaga.

Wala naman 'te. Sabi ko kay Jia sabay bigay sa kanya ng ngiti.

Inilapit naman ni Jia ang mukha niya sa akin. Parang inuusisa niya alaga ang mga mata ko. Aysus. Mainit ulo mo eh. Sabi niya pa na para bang basing basa niya ako. Baka may supernatural powers ang babaeng ito.

Napatitig lang ako sa kanya habang inuusisa niya ako. Ng biglang. Hahahaha!!!! Natawa siya. Just drop the Ate thing. Isang taon lang naman tanda ko sa iyo. Just be my friend. Sabay abot kamay niya para kamayan ko.

Naguluhan ako dun sa sinabi niya pero inabot ko na rin sng kamay niya.

So you are the newest Queen Falcon after Amanda Villanueva right? Sabi niya habang naghihintay kami sa iba. Tumango lang ako sa kanya bilang tugon sa sinabi niya.

Nakaka pressure di ba? Seryoso niyang tugon.

Oo. Sobra. Pag sang-ayon ko sa kanya.

Just enjoy your every game. Huwag kang padala sa Pressure. Kasi pag lalo mo yang iniisip mas lalo kang nagkakamali. One game at a time lang. Hinay hinay lang at laging mag focus sa laro hindi sa nararamdaman. Ang lalim magsalita ni Jia parang may pinupunto pero tama naman lahat ng sinasabi niya.

Thank you sa advise. Tanging nasabi ko sa kanya ng isa isa ng dumating yung iba naming kasama.

Ang aga niyo naman. Bati ni Ate Alyssa sa amin.

Ate Ly lagi na akong maaga noh. Sabay smirk ni Jia kaya binatukan siya ni Ate Alyssa.

Hi Jem? Buti nakarating ka. Nabaling ang atensyon ni Ate Alyssa sa akin.

Next year pa naman magsisimula ang UAAP kaya sumali muna ako sa Off-Season Game at tinanggap ang offer ng Creamline. Malaking Allowance din yun at Learnings na rin para gumanda ang laro ko sa UAAP. Pinayagan naman ako ng Bago naming Coach kasi hindi nakasali ang Adamson sa kahit anong Off-Season game ngayong taon dahil hindi nagawang iregister ni Coach Sherwin ang Team. So ako yung pambato ngayon ng bago naming coach para naman ni isa sa amin may experience din sa off-season game.

Buti na lang po nakasama ako sa pick-out. Sabi k okay Ate Alyssa.

Nilista ka talaga naming kasi magaling ka. Tinap ni Ate Alyssa ang balikat ko at binigyan ako ng malapad na ngiti.

Hoy Ate Alyssa. Tawag pansin ni Jia sa kanya. Isusumbong kita kay ate Denise. Banta niya ditto.

Wala naman akong ginagawa auh. Kunot noong sabi ni Ate Alyssa kay Jia at tinawanan lang naman siya nito. Baliw! At sinipa niya si Jia sa pwet.

Natawa na rin ako sa kanila. Tama si Jia kailangan ifocus ko muna ang sarili ko sa paglalaro ng Volleyball. Saka na yang feelings nay an. Kailangan ako ng team at hindi ko hahayaang masayang ang pagkakataon kong matutu sa kanila. Magagaling ang mga kasama ko dito sa Creamline kaya alam kong makakatulong sila para maimprove ko ang aking sarili.

Bahala ka na diyan Deana. Manigas ka. Wala akong oras makiapaglaro sa iyo.

.......

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now