82

1.4K 63 1
                                    

Jema's POV

Naging busy na rin ako sa mga bagay. Nag start na rin akong magturo sa isang foundation school na tinatatag ng isang kilalang Volleyball Player na si Ate Rosario Soriano. Pinagsasabay ko ang trabaho at ang training sa volleyball kaya madalang ko na rin naiisip o nabibisita si Deana sa dorm. Mabuti na rin yun para hindi naman akong mag mukhang tanga sa kakapunta doon.

Paano mo nagagawa yan? Tanong sa akin ni Kyla ng naglalakad kami pabalik ng school. Kakatapos lang din kasi ng lunch break.

Ang alin. Taka kong tanong.

Yan?! Hindi ka ba mamatay diyan? Sabi niya na may exaggerated na facial expression. Pano mo napagsasabay yang pag gawa ng lesson plan araw araw at ang training natin ha? 

Keri lang. Nasanay na rin. ganito rin naman ka hectic ang sched ko nung nasa college pa tayo. Ngiti kong sagot sa kanya, Narinig ko na lang siya napabuntong hininga. Alam ko namang nag-aalala na si Kyla sa akin. Medyo pumayat na rin kasi ako at madalas nagkakasakit pero hindi pa rin ako sumusuko at tuloy lang sa pagtatrabaho. Passion ko rin kasi talaga magturo.

Bumalik na ako sa klase kaya naiwan ko na si Kyla sa Faculty room para makapag beauty rest habang vacant niya pa.

Good afternoon Class. Bati ko sa mga estudyante ng pumasok na ako sa classroom nila. Magulo pa ang mga bata at nag-iingay. Yung iba naglalaro pa ng bola. Ehem! Hello Class! Nilakasan ko na ang boses ko at natigil na rin sila sa mga ginagawa nila at bumalik na sa kani-kanilang upuan.

Good afternoon Teacher Galanza! Sabay sabay na bati ng mga bata.

Okay maupo na ng matuwid guys. Utos ko sa kanila.

Our lesson for today is about Volleyball. Anyone knows what volleyball is? Tanong ko sa mga bata at nagsitaasan na rin ang mga kamay nila. Okay yes? Turo ko sa bata sa harapan ko.

Teacher. volleyball po pala ang sport ng Tatay ko. Lagi nga kami nanood ng volleyball sa TV sa weekend. Natutuwang sabi ng  bata.

Yabang! Sigaw ng iilang kaklase niya.

Quiet class. It's not nice. Saway ko sa grupo ng mga bata na ng bubully 

Sorry teacher. Sabi na rin nila.

Anong team ba ang paborito mo. Tanong ko sa bata kaya napangiti ito ulit.

Sa Ateneo Teacher. Si Deana. Excited na sabi ng bata. Biglang nanikip ang dibdib ko ng marinig ko ang pangalan ni Deana. Kinalma ko muna ang isip ko bago ko pinagpatuloy ang klase.

Marunong ka na rin bang maglaro? Tinuturuan ka ba ng tatay mo? Tanong ko sa bata, bigla ring nawala ang ngiti niya.

Busy po si tatay Teacher. Kailangan niya kasing pumadyak ng tricycle para may kakainin kami sa araw araw. Masyado po siyang pagod para makipaglaro sa akin. Malungkot na sabi ng bata. Nilapitan ko siya at tinap sa likod.

After i discuss to you the history of the volleyball, i will teach you guys how to play the basics. Pangako ko sa kanila.

Yehey!!!!! Sigaw ng mga bata at nagtatalon na rin sa tuwa.

Napangiti na lang ako. Ito talaga ang gusto kong gawin eh, magturo sa mga batang kapos pero nagpupursiging matuto. Salamat at nabigyan ako ng pagkakataong magturo sa mga bata. Natutuwa talaga akong makitang masaya sila at may natutunan sila sa akin.

......

Deana's POV

Matagal tagal na rin hindi nagparamdam sa akin si Jema. Last time niyang pumunta dito e nagdeliver lang siya ng luto niyang pasta para sa buong team. Hindi niya na nga akong hinintay na makababa mula sa kwarto dahil nilayo siya agad ni Ate Jia sa akin. Hindi pa rin naman akong handa na harapin si Jema kaya hindi ko na rin siya hinabol.

Balita ko mula kay Ate Kat, kinuha siya ni Ate Charo para mag turo sa tinatag niyang foundation school para sa mga kapos sa pera. Maliit lang ang school. Dati Pre-school lang siya pero ng nagbago na ang curriculum kinailangan na nilang magdagdag ng Elementary sa school.

Graduate si Jema sa kursong BS Education Major in MAPEH. Pwede siyang magturo sa high school pero mas pinili niyang magturo sa elementary. Nakapasa na rin siya sa LET kaya in demand talaga siya.

Foundation School lang ang pinapasukan niyang school kaya for sure hindi gaano kalaki ang kinikita niya taga buwan. Pero alam kong doon siya masaya.

Lodi talaga si Jema noh. Sabi ni Dani ng nagdadrive na ako pauwi ng dorm. Kakatapos lang din kasi namin mag training. 

Sinabi mo pa. pagsabahin mo ba ang pagiging teacher at ang training sa volleyball eh. Naku. Grabe ang fighting spirit ng babaeng iyon. Dagdag pa ni Jules. Di ba Wong?

Napalingon ako sa katabi kong si Jules. Tinaasan niya na ako ng kilay na tilang nagsasabing, sumang-ayon ako.

Yeah. Talaga namang pursigido yun eh. Gustong gusto niya talaga kasing magturo. Sabi ko.

Wow. Kilang kilala mo talaga si Lodi noh. Tukso pa sa akin ni Dani. Napakunot noo na lang ako.

Huwag mo ng itanggi. Banta pa ni Jules. Halaka Deans, kumilos ka na. Marami rami ka na ring karibal dun. 

Ano ba ang gagawin ko? Taka kong tanong.

Win her back? Tipid na sagot ni Jules.

Malabo na yan Jules. Sabi ko.

Ganyan tayo eh. Wala ka pa ngang ginagawa, sinusukuan mo agad. Sabi ni Jules. Ihinto mo muna ang sasakyan. May pupuntahan lang ako dun. Sabay turo sa isang building. Hindi ko kilala ang building pero parang familiar siya sa akin.

Ano ba ang gagawin mo dito. Tanong ko kay jules. May kukunin lang ako sa loob. Dito lang kayo.

Naiwan na kami ni Dani sa kotse. Busy kami sa kanya kanya naming cellphone. May narinig akong maingay sa labas ng kotse kaya napatanaw ako sa bintana.

May tatlong batang babae na naglalaro ng bola. nakinig lang din ako habang nag-uusap sila. naghihintay siguro sila ng masasakyang pedicab.

Bata 1: Ang bait talaga ni Teacher Jessica.

Bata 2: Sinabi mo pa. Binigyan niya pa tayo ng bola hu. sabay angat ng Mikasa ball

Bata 3: Sana balang araw maging tulad din ako ni Teacher Jessica. Maglalaro din ako sa National Team tulad niya.

Bata 1 at 2: Ako rin.

Hindi ko mapigilang matuwa sa narinig ko. Nangyayari din ang pangarap ni Jema. Lumabas ako at nilapitan ang mga bata.

Hi! Bati ko sa kanila. Inangat nila ang tingin nila sa akin at bumungad na ang malalaking ngiti nila.

Hala. Idol!!!! sabi ng batang may dala ng bola. napaluhod ako sa isang paa para maabot ang bata. hinawakan ko ang bola niya. 

Magiging magaling kang volleyball player, basta mag aral ka ng mabuti. Ngiti kong sabi sa kanya. Napayakap ang bata sa akin habang nakatingin lang yung mga kasama niya. 

Pangako idol. Pagbubutihin ko ang pag-aaral ko. Makikita mo rin akong naglalaro sa TV. Nakangiting sabi ng bata.

Iba talaga ang pakiramdam na may mga batang tumitingala sa iyo. Yung iidoluhin ka nila tapos ikaw ang magiging inspirasyon nila para makamit nila ang mga pangarap nila. Ito siguro ang nararamdaman ni Jema ngayon. Masaya na rin akong malamang masaya na siya.

.....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now