49

1.5K 45 1
                                    

Deana's POV

Sasamahan ko naman si Jema sa Physical Therapist niya. Malapit na rin naman siya maca recover. Dalawang session na lang ang kailangan para ma kumpleto ang therapy niya.

Sure ka bang okay ka lang. Tanong ni Pauline bago pa ako makalabas ng Dorm. Mukhang may sakit ka eh.

Ramdam ko nga na talagang may sakit ako. May sipon ako, may konting sakit ang ulo at nanghihina ang buo kong katawan. Pero ako lang talaga ang maasahan ngayon ni Jema, Nag siuwian ang mg aka team niya sa kani kanilang mga probinsiya para naman makapag bakasyon bago pa sumabak sa training. Si Pauline naman ay may laro pa sa Beach Volley kasama si Jules.

Akon a lang talaga ang available para samahan siya kaya kahit masama ang pakiramdam ko. Okay lang masamahan ko lang talaga si Jema.

Ayo slang ako Pau. Sabi ko pa sa kanya.

Kaya mo bang mag Drive? Pag alalang tanong ni Pauline. Hinawakan niya na rin ang nook o at chineck din ang leeg ko. Mainit ka eh. Tawagan ko na lang kaya si Kuya Cy para masamahan kayo.

Huwag na. May Training din naman si kuya Cy. At nakapag promise ako kay Jema eh. Dahilan ko. Bago pa magsalita ulit si Pauline lumabas na ako ng dorm at dali daling pumunta sa sasakyan at umalis na agad.

Pagdating ko ng Apartment ni Jema, pumasok na ako agad sa pintuan dahil hindi naman ito lock. Pag bukas ko ng pintuan agad may tumama na bola sa mukha ko. Aray! Reklamo ko.

Bakit late ka?! Bungad sa akin ni Jema at akmang tatapunan na naman niya ako ng bolang bitbit niya. Hindi na ako nakailag kaya tumama ito sa tiyan ko. Huwag mong gawing rason ang trapik kasi ilang araw na natin to ginagawa at never ka pa na late ngayon lang. Sabay tapon ulit ng isa pang bola. Sinibukan kong ulilag pero tinamaan pa rin ako sa likod.

Hindi naman ako late eh. Sabi ko. Di ba ang usapan 10am?

10 am dapat ang alis natin di ba? Sabi pa nito habang nakataas ang kamay niya na may dalang bola. 10 am na, pero ngayon ka lang dumating. Alam mo naman na ayaw kong pinaghintay ako.

Sasalubongin ko n asana siya pero tumalbog na naman ang bola sa mukha ko. Aray naman. Masakit na ha. Reklamo ko sa kanya.

May bago ka ng dinidiskartehan noh? Tanong niya habang pinupulot ang bola sa harap niya. Sino siya?

Anong sino? Naloloko ka na ba? Inis kong tanong sa kanya.

Yung babaeng kausap mo sa labas ng Arena. Seryoso niyang tugon. Sino siya?

Ano k aba? Si Michelle Cobb lang naman yun ang setter ng Lasal. Paliwanag ko. What made you think na dinidiskartehan ko yun? Tanong ko sa kanya.

Tahimik lang siya habang pinupulot ang mga bolang tinapon niya sa akin at nilagay sa isang bag. Wala na akong pakialam. Tipid niyang sabi. Alis na tayo. Late na ako sa appointment.

Nag seselos ka ba? Nilapitan ko na siya. Ayieee!!! Nag seselos si Baby. Biro ko sa kanya kaya nakatanggap na naman ako ng malakas na hampas sa balikat.

Tayo na nga. Nagdadabog palabas ng dorm at tumungo sa sasakyan.

Parang okay ka naman eh. Sabi ko. Hindi mo na yata kailangan ng Therapy.

Tara na nga.ang dami mong satsat. Hinila na ni Jema ang kamay ko. Parang bigla namang umikot ang paligid.

Jem? Tawag ko sa kanya at hinigpitan ang paghawak ng kamay niya.

Dean? Anong nangyayari sa 'yo. Tarantang sabi ni Jema at biglang napaakbay sa akin. Lumapit siya sa akin at hinwakan ang noo ko. Shit Deana ang taas ng lagnat mo.

Naramdaman kong nanginginig ang mga tuhod ko. Nagbigay ako ng pilit na ngiti at humakbang ng biglang nanilim ang paningin ko.

Dean?! Dean! Tawag sa akin ni Jema bago pa ako nawalan ng malay.

.....

Jema's POV

Hindi na ako natuloy sa Therapist ko dahil nahimatay si Deana. Nagtext na lang ako na bukas ko na lang siya pupuntahan. Kailangan ko kasi alagaan ang ugok na to.

Natumba lang naman siya sa sahig ng apartment. Kasi naman humakbang pa siya palayo sa akin kaya hindi ko siya nasalo agad. Siguradong masakit ang katawan nito pag gising niya.

Dahan dahan ko naman siyang inakyat ng kwarto. Hindi pa tuluyan magaling ang paa ko kaya kinabahan ako baka pareho kaming mahulog sa hagdan. Inakay ko na siya sa likod ko, hindi naman siya ganun ka bigat kaya kinaya ko naman siyang ihiga sa kama ko.

Nanginginig na siya kaya kinumutab ko na siya.

Inayos ko ang pagkahiga niya. Nag init ng tubig at naglagay ng bimpo sa noo niya. Kinuhanan ko rin siya ng Tempreture. Ang taas talaga ng lagnat niya.

Kumuha ako ng ice sa ref at nilagay yun sa planggana na may lamang tubig. Binasa ko katawan niya ng malamig na bimpo para mag subside ang init ng katawan niya.

Parang therapy rin naman ang ginagawa ko kasi akyat baba ako ng hagdan para mabantayan ko ng maayos si Deana.

Nagluto na rin ako ng lugaw para pag gising ni Deana makakain na siya. Sigurado akong hindi pa siya nag aalmusal.

Naghanap rin ako ng gamut sa Medicine kit ng Team para ipainum kay Deana pagkatapos niyang mag almusal.

Binalikan ko siya sa kwarto dala dala ang lugaw, gamut at isang bottle ng tubig.

Nakita ko na siya na naginginig kaya nilapag ko na ang dala ko sa misa malapit sa kama ko at nilapitan siya sa kama. Nakakumot na siya pero nanginginig pa rin siya kaya niyakap ko siya.

Habang nakayakap ako sa kanya. Naririnig ko siyang umuungol. Jema? Tawag niya sa pangalan ko habang natutulog. Tinignan ko siya pero nakapikit pa rin ito na nakakunot noo. Ramdam ko ang sakit ng nararamdaman niya kaya hinigpitan ko ang pagkayakap sa kanya.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Deana. Unti unti na siyang huminahon. Nawala na ang kunot ng noo niya. Kaya hinimas ko ang mukha niya at dahan dahan siyang ginising. Dean? Gising muna Dean. Almusal ka muna para makainum ka ng gamut.

Agad naman niyang binugsan ang mga mata niya. Namumula na ito. Ang sama nga talaga siguro ng pakiramdam niya. Inalayan ko na siyang makaupo. Tinaas ko ang unan sa likod niya para makasandal siya.

Nagluto ako ng lugaw para sa iyo. Sabi ko sa kanya at ngumiti lang siya. Susubuan lang kita ha. Hinipan ko ang lugaw dahil mainit ito at sinubo sa kanya.

Parang bata namang sumusunod sa akin si Deana. Naubos niya rin ang lugaw na niluto ko sa kanya.

Binuksan ko ang bottle ng tubig at inabot sa kanya. Sige na Deans uminum ka nan g gamut. Ng makainum na siya ng gamut ngumiti siya ulit sa akin.

Salamat Jem. Pasensiya ka na naging pabigat pa ako sa iyo. Sabi niya at niyakap niya ako.

Ano ka ba. Inalalayan mo rin naman ako ng ilang linggo kaya ayus lang. Sabi ko naman at inayos na ang higaan ni Deana. Pahinga ka na lang muna dito para bumaba na ang lagnat mo at mahatid kita sa inyo. Sabi ko pa sa kanya.

Pwede ba dito na lang muna ako hanggang gumaling ako. Sabi niya habang nag papuppy eyes. Ningitian ko naman siya.

Sige ba. Aalagaan kita dito. Sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa noo.

Bago pa ako makatayu ay hinila na naman ako ni Deana patungo sa kanya kaya napaupo ulit ako sa kama, Nilapit niya mukha niya sa mukha ko at bigla niya akong hinalikan sa labi. Mahal kita Jem.

Napangiti lang din ako sa kanya. Magpahinga ka na. Sabi ko sa kanya. Sumunod naman ito kaya kinuha ko na ang pinagkainan niya at bumaba sa kusina.

Hinugasan ko naman ang mga nagamit naming at nagpahinga na rin kasama si Deana.

Magdamag kaming magkatabi sa kama. Parang kumportable naman akong nandun ako sa mga bisig niya.

.....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now