18

1.4K 52 0
                                    

Deana's POV

Muntik na kami hindi nakasama sa Semifinals kaya todo insayo kami. Nasa rank 4 kami at kakalabanin namin mamaya ang Adamson na nasa rank 3. Step Ladder ang Semifinals. pag natalo kami ng Adamson tapos na kami. pero pag mananalo kami makakalaban namin ang Rank 2 which is ang National University at kailangan namin silang talunin ng dalawang beses. Mahaba habang paglalakbay iyon para sa Team ko. Isang talo lang wala na kaming pagAsa para makalaban ang La Salle sa Finals.

Para naman kaming Cheering Squad ni Pauline dahil hindi naman kami makapag laro sa loob ng court lalo't pa napaka crucial ng games. Hindi na nga kami mapaghiwalay. Kung nasaan ako nandun din siya. Minsan pinagkakamalan na talaga kaming dalawa. Tinutukso pa nga kami ng buong team, kasama na dun ang ate niya na si Ate Theresse.

Pagkatapos kong malaman na may gusto sa akin si Pauline naging mabait na ako sa kanya. Iyan ang bilin ni Jema sa akin nung huli kami nagkita. Hindi naman alam ni Pauline na alam ko na. Minsan nga binibisita niya pa si Jema sa Adamson pero naghahanap na ako ng dahilan upang hindi na ako sumasama. Nag tetext pa rin naman kami pero hindi na talaga tulad ng dati. Lagi kasi siyang busy. Running for Rookie of the Year pa siya ngayong season. Ang laking tulong niya sa team niya.

Ngayon na nga rin kami ulit magkikita.

Deana? Tawag pansin sa akin ni Pauline. Matutulala ka naman ba diyan?

Iniling ko naman ang ulo ko. Sakit lang sa ulo ang ingay ng mga tao. Dahilan ko.

Parang hindi ka pa nasanay. Sabi nito. Lagi namang ganito ang crowd pag may laban tayo dito.

Sikat naman talaga ang Ateneo team dahil sa Fab 5, Sila Ate Fille, Ate Dzi, Ate Jem, Ate Gretch at Ate Alyssa. Grumaduate na yung apat at tanging si Ate Alyssa na lang ang natira. Everytime may game kami punuan talaga ang Arena. halos lahat fan ni Ate Alyssa.

Hindi na nga talaga siguro ako masasanay. Sabi ko sa kanya.

Tara na. Sabay hila sa akin. Puntahan na natin si Jema. Hindi mo ba yun na miss? Halos dalawang buwan din natin iyon hindi nakita.

Eh di ba pinuntahan mo siya nung Birthday niya? sabi ko pa.

Ako lang kaya pumunta dun dahil nilagnat ka. Sabi niya sa akin habang tinutulak ako palabas ng Dug-Out. 

Bago pa kami nakalabas nakita ko na si Jema. Walang kupas pa rin ang kagandahan niya. Ganun pa rin naman ang naramdaman ko nung nakita ko siya. mabilis at malakas ang tibok ng puso ko.

Hi guys. Bati niya sa amin ni Pauline habang naglalakat palapit sa amin. Good luck sa game. May the best team win. At inabot kamay ko. Kinamayan niya rin si Pauline.

Nagkasalubong ang mga mata namin pero agad niya itong iniwas at binaling ang tingin kay Pauline. Still in Bench?

Yep. Sagot naman ni Pauline na nakatawa pa. Baka next year pa kami mabibigyan ng chance.

That's okay at least you have each other. Sabi niya na parang may ibang ibig sabihin.

Kumunot naman ang noo ko. Yeah. we have each other. Seryoso kong tugon.

Sige guys balik na ako sa dug-out. Paalam niya.

God bless Jem. Sabi naman ni Pauline at niyakap siya. Good luck our Rookie of the Year. Binuhat na siya ni Pauline at binaba din agad.

Sira! At binatukan ni Jema si Pauline. Alis na nga ako. At tinulak si Pauline palayo.

Tumawa sila ni Pauline at sinipa ang pwet ni Jema. Nag wave naman si Jema sa amin at tuluyang lumayo habang nakatayo ako ng tahimik sa tabi lang nila.

Kahit naman sabihin na ayaw naming parehong masira ang friendship namin, ito pa rin ang kinalabasan. nagkakailangan pa rin kami. 

...........................

Jema's POV

Hindi na ako makapagconcentrate kaya first set pa lang pinalitan ako ni Ana. 

Bakit pa kasi iniisip ko pa si Deana. Iniling iling ko na ulo ko. Ano ba Jema?! Crucial game na hu. pag natalo kayo dito tapos na ang team mo.

Jessica? Tawag sa akin ni Coach Sherwin. Are you ready to go back?

Tumango lang ako at kinuha ang number ni Ana. Ang laki na ng lamang ng Ateneo sa amin. 15 pa lang kami 21 na sila.

Pumasok na ako sa court. Go Jema!!!!! Lumingon ako sa sumisigaw, nakita kong patalon talon si Pauline sa court side. Ningitian ko lang siya kaya tinulak tulak niya si Deana. Napangiti na rin ako kay Deana at nag Aprub naman siya sa akin.

seryosohin mo na to Jem. Bulong ko sa sarili.

Nakahabol pa kami pero hindi na kinaya. 24-26 ang score. nakuha ng Ateneo ang unang set. Kami naman ang nanalo sa ikalawa at ikatlong set. Pero nasungkit pa rin ng Ateneo ang mga sumunod na set kaya naiyak na ang graduating namin na Kapitana na si Ate Bang.

Habang nagcecelebrate na ang kabilang team, iyakan naman dito sa amin. Last playing year na kasi ni Ate Bang. hindi namin akalain na ito na rin pala ang last day niya sa team.

Babawi kayo next year ha. Sabi ni Ate Bang habang nakapalibot kami sa kanya. Amanda? Hinawakan niya kamay ni Ate Amanda. Ikaw na bahala sa babies natin. Sabi niya dito habang lumuluha. Napaiyak na rin kami lalo na si Ate Amanda. Bunso. Hinawakan ni Ate Bang ang kamay ko gamit ang Kaliwang kamay niya ant ang kanan nasa kay Ate Amanda pa rin. Tulungan mo si Ate Amanda ha. Tumingin naman siya sa lahat. Huwag niyong sukuan ang team. Stay intact guys. Mahal ko kayong lahat. At lalo pa kaming humagolgol.

Oras na para kamayan ang kalaban. nabigla ako ng may humila sa kamay ko. Okay ka ba? Tanong sa akin ni Deana. 

Okay lang. Sabi ko At niyakap niya ako at sumunod na yumakap naman sa akin si Pauline. Thank you guys. Sabi ko sa kanila bago tuluyang lumayo.

Jem? Tawag sa akin ni Ate Fhen. Huwag ka masyadong maging close sa kalaban nating team. Sabi nito at agad akong tinalikuran. 

Hindi pa siguro tanggap ni Ate Fhen ang pagkatalo namin sa Ateneo. Mas mataas ang ranking namin sa kanila. Masyadong unfair ang Step Ladder na concept.  Pero kung iisipin mo kung National University makakalaban namin, baka matatalo din kami agad. Hanggang dito na nga talaga kami. 

Napatitig ako sa side ng Ateneo. Naka backhug si Pauline kay Deana habang kinukunan ang buong team ng Picture. ang sweet nilang tignan. Sila na kaya? Napabuntong hininga na lang ako

Ang nangyari sa team ay Gaya lang sa amin ni Deana. Gustuhin ko mang maging higit kami sa magkaibigan, Kahit anong gawin ko, hanggang dito na lang talaga kami.

....


Best Of FriendsWhere stories live. Discover now