24

1.4K 50 5
                                    

Deana's POV

Nakatingin lang ako kay Jema ng Makita ko siya hindi ako makapagsalita. Nagulat ako ng nanginginig na ang katawan niya at bigla ng tumulo ang mga luha niya. Ayaw na ayaw ko siyang nakikitang umiiyak. Bigla akong tumayo at nayakap siya..

Napayakap naman siya sa akin ng mahigpit kahit na humahagolgol ng iyak. Bigla naman siyang bumulong sa akin ng, Please stay.

Nagulat ako pero hindi ako bumitaw sa kanya. Nakatingin lang ang receptionist sa amin na parang nagulantang. Sininyasan ko lang siya na bigyan kami ng privacy. Naintindihan naman niya iyon at umalis.

Mas kumportable siguro kung maglakad lakad muna tayo para makalanghap ka ng sariwang hangin. Nasabi ko sa kanya ng huminahon na siya.

Bumitaw naman siya sa pagkayakap sa akin para punasan ang mga luha niya. Napahawak ako sa mga balikat niya habang humaharap sa kanya. Gusto mo bang maglakad lakad muna? Natanong ko ulit sa kanya. Tumango naman siya bilang tugon.

Nauna na akong lumabas ng pintuan habang nakasunod siya sa akin. Tumungo na kami sa tabi ng dagat. Tahimik lang kaming naglalakad ng biglang hawakan niya ang aking kamay.

Bakit mo ba ako iniiwasan. Nag aalinlangan niyang tanong sa akin.

Hindi ko rin alam kung paano siya sasagutin kaya tumahimik lang ako.

Na miss kita. Sobra. Sabi niya sa akin at hinigpitan niya pa lalo ang paghawak sa mga kamay ko.

Pasensiya ka na. Ang tanging nasabi ko sa kanya.

Sana maging magkaibigan tayo muli. Nasabi niya at huminto siya sa paglalakad. Napalingon ako sa kanya dahil hinila niya ang aking kamay. Mahal na mahal kita Deana. Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Para akong matutunaw sa mga tingin niya.

Minahal din naman kita. Sabi ko.

Minahal? Past tense? Hindi mo na ba ako mahal ngayon? Seryoso niyang tanong.

Napayuko ako sa tanong niya. Mahal ko rin naman siya pero inaalala ko si Pauline. Masasaktan ko naman siya. Mahal. Pero... Hindi ko matapos ang sasabihin ko.

Siguro nga hindi pa natin panahon. Bigla niyang sabi at binitawan na ang kamay ko at tumingin sa dagat.

Napatingin din ako sa dagat at dinama ang sarap ng simoy ng hangin.

Masyado pa naman tayong bata kaya marami pang pwedeng mangyari. Dagdag niya pa.

Naniniwala ka ba sa destiny? Tanong ko sa kanya.

Siguro. Tipid niyang sagot.

Kung tayo talaga ang tinadhana sa huli, ang universe na mismo ang magpapatagpo sa ating dalawa. Sabi ko sa kanya. Parang binunutan ako ng tinik sa dibdib sa pag uusap naming. Nawala ang lahat ng sakit na naidulot niya sa akin. Siguro nga tama si Jema, hindi pa naming panahon.

Kung magtagpo ba tayo muli, sasaluhin mo na ako? Sabi sa akin ni Jema. Ngumiti lang ako sa kanya. Ramdam ko na pareho kami ng nararamdaman ng mga panahon na iyon. Tahimik naming tinignan ang magandang tanawin sa aming harapan.

Kung magtagpo tayoo muli, hinding hindi na kita pakakawalan. Sabi ko sa kanya sabay hawak ng mga kamay niya. Napalingon ako sa kanya at tumingin din siya sa akin.

Hayaan na natin ang tadhana ang gumawa ng paraan. Sabi niya pa. Hindi pa siguro sa ngayon dahil magkaiba tayo ng team at minsan minsan lang tayo magkita. Magkakasakitan lang tayo dahil wala ayong oras sa isa't – isa. Mahaba niyang paliwanag. Hindi pa tayo ganun ka mature para dun.

Tama ka. Pang sang – ayon ko. Masyado pang maaga para sa atin. Madami pa tayong makikilala na makakatulong sa atin para maging mature na tayo.

Huwag mong sasaktan si Pauline ha. Bigla niyang sabi sa akin.

Syempre naman. Bestfriend natin iyon eh. Sabi ko.

Bestfriend na tayo ulit? Sabi niya na parang natutuwa.

Bestfriend. Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Sapat ng malaman ko na mahal niya rin ako. Napakasaya ko at parang gustonng lumundag nng puso ko. Darating din ang panahon na magkakasama kami. Hihintayin ko ang panahon na iyon.

...................

Jema's POV

Pabalik na kami ni Deana sa Restaurant na magkahawak ang kamay. Natuwa naman ako kasi nagging magkaibigan na kami ulit. Gustong gusto ko talagang mahawakan ang mga kamay niya.

Okay na kayo? Nagulat naman ako ng may nagsalita sa harap naming. Si Pauline nakaupo na sa misa naming at kasama niya si kuya Cy.

Bakit ka nandito. Natanong ko si kuya Cy pero ngumuiti lang siya sa akin.

Nagkita lang kami sa baba. Niyaya ko na lang siya kumain dito kasi ang tagal niyo. Parang mahihimatay na ako sa gutom. Nakakaloka talaga si Pauline. Magaling talaga magtago pero halata naman ang mga malulungkot niyang mga mata.

Napa akbay naman si Deana kay Pauine. Huwag ka nga. Saway niya dito. Umorder na kayo para makasabay kayo sa pagkain naming.

Anong gusto mo? Tanong ni Deana sa akin.

Ikaw?! Inosente kong sagot.

Nabulunan yata si kuya Cy. Nakita ko naman na lahat ng mata napatingin sa akin.

Uhm I mean. Kung anong oorderin mo iyon din sa akin. Tawa kong sagot kay Deana.

Umorder na rin si Deana sa counter para daw mapabilis. Naupo na ako sa tabi ni Cy. Nakaka asar ang ngiti niya kaya sinipa ko siya sa paa.

Kamusta naman ang pag –uusap niyo? Natanong ni Pauline. Nagkaintindihan na ba kayo? Hindi na ba ako mahihirapan mapagitna sa inyo. Pagod na pagod na kaya ako sa inyong dalawa. Nasabi niya pa at inirap ang kanyang mga mata.

Okay na. Nakapag –usap na kami. Plinano mo talaga to noh? Natanong ko.

Syempre. Kung sasabihin ko yung plano ko sa inyo tiyak hindi kayo pupunta. Sabay subo ng kinakain niya.

Kung okay na ba kayo? May chance na... Bago pa maituloy ni Kuya Cy ang sasabihin niya tinakpan ko nan g tinapay ang bibig niya.

Kumain ka na lang pwede. Irap ko sa kanya kaya tumahimik na siya.

Kailan kayo mag aaminan? Sabin si Pauline. Parang may laman ang sinasabi niya.

Wala naman dapat aminin eh. At tumawa na lang ako.

Dumating na rin si Deana dala ang pagkain naming. Bago pa ito maupo sa tabi ni Pauline may tinanong ito sa kanya.

Kaninong bulaklak iyan? Turo niya sa boquet ng rosas

Syempre para sa iyo Babe. Kinuha niya ang bulaklak sa kabilang misa at binigay kay Pauline sabay halik nito sa noo. You like it babe?

Binatukan naman siya ni Pauline. Bakit hindi mo binilhan si Jema?! Nagulat naman ako.

Babe? Hindi mo naman kasi sinabi na darating siya. Ginulat mo kaya ako. At naglambing kay Pauline.

Masakit man Makita na ganun sila kailangan kong tiisin. Gaya nga ng sabi ko hindi pa naming panahon ni Deana. Baka sa kabilang buhay magiging kami rin. Napatingin na lang ako sa kanila na nakangiti. Mabuti buti na rin ang pakiramdam ko ngayon na magkaibigan na kami ulit.

Tinap naman ni Cy ang balikat ko. Okay ka lang? Bulong niya sa akin. Ningitian ko lang siya at napahawak sa kamay niya.

Buti na lang talaga sinama ko si Cy dito. Kahit papano may taong nakaka –alam sa nararamdaman ko. Napatingin ulit ako kay Deana. Nakatitig na siya sa akin. Napangiti kami sa isa't-isa.

......

Best Of FriendsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora