50

1.5K 53 2
                                    

Deana's POV

Nagising ako dahil para akong naiihi. Dahan dahan akong bumangona t tumungo ng banyo. Binuksan ko na ang banyo at may narinig akong kumakanta. Namangha ako sa boses ng kumakanta kaya lumapit ako ng konti sa Shower Curtain kung saan nanggagaling ang boses.

Sandali na lang
Maari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan ang iyong mga kamay
Sana ay maabot ng langit
Ang iyong mga ngiti
Sana ay masilip

Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa 'yo
Kahit na lilipad ang isip ko'y torete sa 'yo

Ilang gabi pa nga lang
Nang tayo'y pinagtagpo
Na parang may tumulak
Nanlalamig, nanginginig na ako

Akala ko nung una
May bukas ang ganito
Mabuti pang umiwas
Pero salamat na rin at nagtagpo

Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete sa 'yo

Wag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa 'yo
Kahit na...

Hindi na natapos ang kanta dahil siguro napansin na niya na nandun ako. Shit Deana Wong!!!! Sigaw niya, nagulat naman ako kaya tumakbo ako palabas ng banyo kaso nadulas ako kaya naabutan na niya akong nakahandusay sa sahig.

Agad niyang hinablot ang tuwalyang nakasabit sa curtain rod at binalot niya ang kanyang katawan.

Bastos ka talaga noh!? Galit niyang tugon sa akin habang himas himas ko ang pwet ko.

Wala naman akong balak busuhan ka eh. Nakikinig lang ako sa kanta mo. Pag dedepensa ko sa sarili.

Inabot niya rin ang kamay ko para makatayo ako. Ng makatayo na ako, biglang nalaglag ang towel na nakabalot sa katawan niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

Bigla niya namang tinakpan ang mata ko at kinuha ang towel. Wala kang nakita? Tanong niya sa akin ng alisin niya na ang kamay niya sa mata ko.

Wala. Promise. Tinaas ko na ang kanang kamay ko. Naniwala naman siya kaya lumabas na siya ng banyo. Parang nakalimutan ko nan a naiihi pala ako. Hindi ko man nakita ang private oarts niya pero kitang kita ko ang hubog ng katawan niya. Parang inaapoy na naman ako ng lagnat.

Ang swerte ko naman kung magkakataon, Magkagirlfriend ako ng maganda na ang boses, maganda pa ang katawan. Yummy. Bigla naman ako napangiti.

Hoy wong! Saway niya sa akin. Anong ngiti yan? Nakakaloko ka talaga.

Bakit ka ba naligo ulit. Tanong ko sa kanya. May pupuntahan ka ba?

Para malaman mo Wong, Sinukahan mo ako kanina kaya napaligo ako sa wala sa oras. Hindi ko naman naalala may nangyari nga na ganun kaya napakunot noo ako.

Sinukahan mo ako habang natutulog. Sabi niya pa.

Ibig sabihin tinabihan mo akong natulog kanina? Tanong ko habang nakangisi sa kanya.

Ano bang ngiti yan? Saway niya pa sa akin. Nakakairita. Tigilan mo nga yan.

Hinila ko na siya at napayakap sa kanya. Natutuwa naman ako kasi inalagaan mo ako. Salamat ha.

Nagulat ako ng niyakap niya rin ako. Hindi na siya pumalag. Hindi niya ako tinulak, at hindi siya kumawala sa pagkayakap ko. Naka tuwalya pa rin siya kaya ramdam ko na nagdikit ang mga balat naming. Ako naman ang bumitaw sa kanya kasi parang uminit bigla ang buo kong katawan,

Buti pa magbihis ka na. Sabi ko sa kanya. Bababa muna ako. Maghahanap ako ng makakain. Nagugutom kasi ako. Dahilan ko. Ayaw ko munang manatili dun sapagkat nakakaramdam na ako ng kakaiba sa katawan ko baka hindi ko mapigilan.

......

Jema's POV

Nagising naman ako dahil nakaramdam ako ng basa sa damit ko.

Shit! Sinukahan ako ni Deana ahabang nakatulog.

Napabangon ako at nilinisan si Deana at napilitang maligo. Nasa banyo ako at kumakanta habang naliligo ng may naramdaman akong may tao sa labas ng kurtina. Napalundag ako ng Makita ko si Deana. Shit! Deana Wong!!!! Sigaw ko sakanya at agad hinablot ang towel para takpan ang hubad kong katawan.

Nakita ko siyang nakahandusay na sa sahig. Parang nadulas pa yata siya sa banyo. Bastos ka talaga noh? Galit kong sabi sa kanya.

Wala naman akong balak busuhan ka eh. Nakikinig lang ako sa kanta mo. Pag dedepensa niya sa sarili.

Inabot ko ang kamay ko para patayuin siya ng napatayo ko na siya bigla naman nahulog ang tuwalyang nakatakip sa akin. Bago pa Makita ni Deana lahat ng tinatago ko, tinakpan ko na ang mga mata niya. Ang bilis naman ng kamay ko kaya sigurado akong wala siyang may nakita.

Kinuha ko agad ang tuwalya at tinakpan ko ang aking sarili. Wala kang nakita? Sabi ko sa kanya

Wala. Promise. Tanging tugon niya. Nakatitig lang siya sa akin at ngumiti.

Wong anong ngiti yan?! Saway ko sa kanya. Nakakaloko ka talaga. Inipit ko na ang Tuwalya para hindi na mahulog pa ulit. Parang iba kasi ang tingin ni Deana. Parang natatwa na ako sa reaksyon niya.

Bakit ka ba naligo ulit. Tanong niya, May pupuntahan ka ba?

Para malaman mo Wong, Sinukahan mo ako kanina kaya napaligo ako sa wala sa oras. Paliwanag ko at parang di siya makapaniwala.

Sinukahan mo ako habang natutulog. Sabi ko pa.

Ibig sabihin tinabihan mo akong natulog kanina? Nakangisi niyang tanong.

Ano bang ngiti yan? Saway ko ulit. Nakakairita. Tigilan mo nga yan.

Hinila niya ako at niyakap. Natutuwa naman ako kasi inalagaan mo ako. Salamat ha.

Hindi ko rin alam kung anong nag udyok sa akin pero napayakap na rin ako sa kanya. Ang sarap sa pakiramdam ang pagyakap niya sa akin. Parang pinagaan ang loob ko at parang nasayahan ako na ganun kami ng biglang bumitaw siya sa akin.

Buti pa magbihis ka na. Sabi niya. Bababa muna ako. Maghahanap ako ng makakain. Nagugutom kasi ako. Dahilan niya.

Halata naman na nagsisinungaling siya kasi namumula ang mukha niya. Alam kong may kakaiba rin siyang nararamdaman sa katawan niya.

Ng tumalikod na siya sa akin agad ko siyang niyakap sa likod. Nahulog na rin ang tuwalya ko. Ramdam na ramdam ko ang pagtigas ng katawan ni Deana na tila hindi siya makagalaw. Pinaharap ko siya sa akin pero yumuko siya at pinulot ang tuwalya sa sahig. Magbihis ka na. Tarantang inabot niya sa akin ang tuwalya at agad tumakbo palabas ng kwarto.

Tawa naman ako ng tawa sa nangyari. Hindi ako makapaniwala. Natakot yata sa alindog ko si Deana.

.....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now