39

1.3K 37 1
                                    

Jema's POV

So ano na? Wala na talaga. Pangungulit ko kay Fhen.

Naghahanda na naman kami para sa training at naglalakad na kami papuntang Gym.

Jessica. Diing sabi ni Fhen sa akin at hinarap na ako at hinawakan sa balikat. Ang kulit mo nga talaga noh? At tinawanan niya lang ako.

Iwan ko ba, nasanay lang talaga ako na inaalagaan ako ni Fhen kaya naninibago ako sa pakitungo niya sa akin. Since the day na bumalik siya sa Dorm panay iwas niya sa akin. Ako naman ngayon ang panay habol sa kanya. Parang katuwa-tuwa na ako sa mg aka team mate ko.

Kapalit palit ba ako Fhen? Pabiro kong sabi sa kanya. Agad niya naman siya nag smirk.

Ang drama mo Jess. Sabi niya. Warm-up na nga lang tayo.

Nagsimula na ang training at seryoso na ang lahat. Bago ang coacjing style ni Coach Air kaya nangangapa pa kaming lahat sa process niya. Buong araw kaming nasa training kaya pagod na bumalik kaming lahat sa Dorm.

Fhen? Tawag ko sa kanya.

Ano na naman ba ang kailangan mo Madam Jessica? Pamiwang niyang sabi.

Taask kilay ko naming inabot ang bag ko sa kanya. Dalhin mo to. Utos ko sa kanya.

Wow ha. Demanding ka ha. Sabi niya na natatawa pa. Kinuha niya ang bag ko at parang may sininyasan sa likod ko kaya napalingon ako.

Nakangiting lumalapit si Deana sa kinatatayuan ko. Hi Bati niya sabay wave sa akin.

Agad naming inabot ni Fhen ang bag k okay Deana. Simula ngayon ikaw ang magdala niyan.

Kinuha naman ni Deana ang bag ko. Salamat Ate Fhen. Ngiting sabi niya dito at iniwan na akami ni Fhen at sumabay na sa iba naming ka team mate.

Nagulat ako sa nangyari kaya hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Bumalik lang ako sa katinuan ng hawakan ni Deana ang kamay ko at winakli koi to. Ano ba?! Galit kong sabi sabay wakli ng kamay niya.

Nanatiling nakangiti si Deana sa akin pero inirapan ko lang siya ng tingin at pilit na inagaw sa kanya ang bag ko. Ako na magdadala ng bag ko! Pilit ko sa kanya.

Tinaas niya ang bag ko para hindi ko maabot. I am reporting for duty Madam. At nag bow sa akin.

Tinitigan ko lang siya habang nakayuko sa harap ko. Parang natuwa naman ako sakanya pero hindi koi yon ipapahalata sa kanya kaya tinulak ko siya kaya natumba siya at naupo sa sahig. Nabitawan niya bag ko kaya kinuha koi to at tumakbo palayo sa kanya. Nilingon ko din siya at hawak hawak niya pa ang masakit na bahagi ng pwet niya. Binibelatan ko siya Bleh!!!! At iniwan siya na nanatiling naka upo sa sahig.

Sorry Deana pero hindi na ako madali mauto ngayon.

....

Deana's POV

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Fhen pero laking tuwa ko na sinabi niya yun sa akin.

Flashback

Nagdala ako ng prutas sa Adamson para sa hangover ni Jema ng Kausapin ako ni Fhen sa labas lang mismo ng Dorm nila.

Sabihin mo nga sa akin Seryosong sabi ni Fhen sa akin. May gusto ka ba kay Jema.

Kinabahan ako sa tanong niya pero tumango ako sa kanya.

Alam mo bang matagal tagal kong niligawan si Jema? Hindi ako nagsasalita kaya napatango na lang ako. Naghirap ako. Nag effort ako. Ginawa ko ang lahat para makuha ang masarap niyang oo.

What are you trying to tell me? Natanong ko ng parang hindi ko na makuha ang gusto niyang ipunto sa akin.

Kung gusto mo talaga si Jema, Paghirapan mo. Sabi niya. Hindi lahat ng gusto mo agad mo makukuha. Mas masarap sa pakiramdam na pinaghihirapan mo ang mga bagay na importante sa iyo.Napatingin siya sa mga bituin. Si Jema parang bituin yan para sa akin, mahirap abutin, pero magandang tignan. Yung tipong magiging masaya ka na lang na Makita siyang nag nininging sa taas mo. Sisiguraduhin mo lang na pagnahulog siya sasaluhin mo siya kasi pag hindi, marami kang kaagaw, maraming gusto siyang makuha.

Taka kung tinitigan si Fhen. May namumuong luha sa mga mata niya. Pinakawalan ko na siya kasi hindi na siya masaya. Bigla niyang nasabi sa gitna ng katahimikan, Sana mapasaya mo siya Deana. At tinap niya ang balikat ko. Huwag mo siyang sukuan.

End of flashback

At heto na naman ako, hinhintay matapos ang training nila. Kakatapos lang din ng training ko kaya masakit pa talaga ang buo kong katawan pero syempre sinunod ko ang sabi ni Fhen, kailangan kong paghirapan ang taong magpapaligaya sa akin.

Kahit pahirapan pa ako ni Jema at lagi niya pa akong tinutulak palayo sa kanya, patuloy pa rin ako sa paglapit sa kanya hanggang dumating ang araw na matanggap niya ako muli sa buhay niya.

Hindi kita susukuan Jema. Sigurado na ako ngayon na ikaw lang ang gusto ko makasama habang buhay.

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now