43

1.4K 44 3
                                    

Deana's POV

Kakatapos lang ng training kaya binalak ni Coach Tai na mag practice Match kami laban sa Team nila ate Alyssa.

This is our opportunity to play against a strongest team Sabi sa amin ni Ate Maddie sa haddle. Siya na kasi ang bago naming Team Captain after umalis ni Ate Jia. We would be able to learn from them so let us do our best for our team. One Big...

Fight. Sigaw naman namin lahat. 

Set A namin vs Set A nila. Puro first six. Ate Bea, Ate Maddie, Jules, Ate Jhoana, Ate Kat at Ako. Kalaban namin sina Ate Riza, Ate Pau, Jema, Ate Alyssa, Ate Michelle at si Ate Jia.

Bantay sarado na nina ate Bea at ate Maddie si Ate Alyssa. Talagang gumagaling na ang dalawa sa blocking kaso hindi ako makasabay sa kanila kaya laging nakakapasok sa block ko ang mga kills ni Ate Alyssa pero bumabawi naman ako sa pag save ng mga iyon.

Parang kabuting sumusulpot naman si Jema sa combination plays ni ate Jia. Baon na baon ang mga palo niya. Hindi ko siya ma block.

Hindi mo nga ako mablock eh. Nakasmirk na bulong sa akin ni Jema ng magkaharap kami sa Net.

Pag na block kita papayag ka na na ligawan kita? Sabi ko at nag smirk din sa kanya.

Subukan mo. Pagbabanta niya.

Maya maya pa binigyan ni Ate Jia si Jema ng bola, inabangan ko talaga kaya napatalon ako. Akala ko maba block ko na siya pero outside ang balik ng bola sa kanya. ginamit niya ang kamay ko para makapuntos siya.

Nagstaredown sa akin si Jema pagkatapos niyang pumuntos. Umiling iling lang siya at tumawa. Napakamot naman ako ng batuk. Kainis. Babawian din kita.

Pero gaya ng inaasahan hindi kami nanalo sa kanila. Ang dami pa naming kailangan matutunan sa kanila.

Well? Bakit mukha kang inis na inis diyan? Natanong ni Pauline ng makita niya akong kunot noong nag aayos ng damit.

Si Jema kasi eh. Parang bata kong sumbong sa kanya.

Ano si Jema ha? Taka niyang tanong sa akin.

Hinamon niya ako kanina na iblock siya, Sabi ko.

Ahh... Nainis ka kasi hindi mo nagawang iblock siya noh. Sabi ni Pauline sabay tawa.

Tsk. Lalo na akong nainis dahil kay pauline.

Magpapatalo ka na lang ba kay Jema? Sabi ni Pauline 

Pag nablock ko siya at maka score ako. Humanda siya. Sabi ko sa kanya with a smirk.

Kay Jia na nagpahatid si Jema. Hindi ko rin siya mahahatid dahil may klase pa ako. Pupuntahan ko na lang siya sa training niya sa Adamson mamayang hapon.

Binalak ko siyang dalhan ng hapunan kaya nag mall ako. Pagdating ko ng mall nakita ako dun ni Michelle Cobb. 

Hey Deans. Tawag niya sa akin ng makita niya ako.

Hello. Bati ko sa kanya.

So how's life in Eagles? Natanong niya sa akin. Isa si Cobb sa mga ka fling ko . Not a big deal. We just have a good conversation through Texts and chats. Pero hininto ko na ng bumalik na si Jema sa systema ko.

Way better. Sabi ko sa kanya sabay ngiti dito.

Ba't hindi ka na nagparamdam? Natanong nito.

Uhm. Busy lang sa trainings. Sabi ko.

Walang bakasyon? Tanong pa niya.

Wala eh. Tuloy lang ang trainings.

Auh ganun ba? Kasali ba kayo sa PVL Collegiate? Tanong niya pa ulit.

Hindi yata pupunta kami ng Japan for training. Sabi ko sa kanya.

Parang ayaw naman akong paalisin ni Michelle para bang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi ko maintindihan.

Deans? Sabi niya na namumula pa. Uhm Available ka ba this weekend? Nahihiya niyang tanong.

HIndi ako sure eh. Text or chat na lang kita. Binigyan ko na siya ng plain na ngiti. Nagmamadali na kasi ako kasi patapos na ang training ni Jema. Sige na Mich, may pupuntahan pa kasi ako. sabi ko sabay beso sa kanya.

Okay. Ingat. Text mo ako ha. Sabi niya at nag wink pa sa akin.

Parang kinabahan naman ako kay Michelle. Ayaw ko naman mag assume pero ayaw ko ng ganito. Parang may hindi magandang mangyayari pag dumikit ako sa babaeng iyon.

....

Jema's POV

Ito ang pinaka ayaw ko ang ganitong naghihintay ako. Sabi niya pupuntahan niya ako dito after training pero kahit anino ni Deana hindi ko pa rin nakita. Patapos na ang training wala pa siya.

May hinihintay ka pa bang dumating? Tanong ni Joy sa akin. Binigyan ko naman siya ng masakit na tingin.

Uy easy lang 'te. Nakataas na ang kamay niya.

Bwisit yon! Humanda siya sa akin. Patabog na hinampas ko ang bola na binigay ni Joy sa akin. Lumipad ang bola sa malayo.

Ikaw kumuha noon kasi ikaw ang tumapon nun. Reklamo ni Joy sa akin kaya napilitan akong kunin ang bola na napalapit naman sa exit ng Gym.

Hi. Bati ng taong nakatayo lamang sa labas ng Gym.

Tinapon ko naman ang bola at tumama sa mukha ni Deana. Hi mo mukha mo!!!!

Aray naman? Reklamo niya ng tumalbog ang bola sa mukha niya. Ano na naman ba kasalanan ko?

Late ka na!!!! Sigaw ko sa kanya.

Hindi pa naman kayo tapos mag training auh. Pagtanggol niya sa sarili niya

Sabi ko sa'yo 6pm di ba? Tinaasan ko naman siya ng kilay. Anong oras na? 7pm na. Pina extend ko ang training dahil wala ka pang bwisit ka! Agad ko naman siya tinulak palayo sa akin at tinalikuran siya at bumalik sa team ko.

Okay girls. Tapos na ang training. Pack up na. Utos ko sa mga ka team ko.

Natuwa naman sila na natapos na kami. Ako na kasi ang bagong Team Captain nila kaya ako nag dedecide kung saan, kailan at paano ang training namin.

Buti na lang dumating ka deana. Sabi naman ni Fhen kay deana ng lumapit si Deana sa akin. Natapos din ang training namin. Salamat. Tawa ng tawa naman si Fhen  sabay apir kay Deana. 

Hinila ko naman si Fhen para mapalapit ako sa kanya. No Jema. I'm not playing pretending today. May Deadline ako, Sabi niya pa kaya binatukan ko siya.

Yan umalis ka. Sabay sipa ng pwet ni Fhen. Diyan ka naman magaling, ang iwanan ako.

Binelatan lang naman ako ni Fhen. Ang drama mo Jem. Sabi niya pa kaya inirapan ko siya ng mata.

Nakita ko naman na tumawa si Deana. Anong tinatawa mo diyan. Naka cross arms kong sabi sa kanya.

Here. Sabi niya sabay angat ng dala niyang pagkain. Ikain mo na lang yan. Gutom lang yan. Tinapi ko naman yon kaya tumilapon lahat.

Umuwi ka na! Tinalikuran ko na siya. Ayaw ko naman maging bastos sa kanya pero iwan ko ba pero hindi ko mapigilang mainis sa kanya.

Hindi kita titigilan Jema. Mahuhulug ka rin ulit sa akin. Pahabol na sigaw sa akin ni Deana kaya liningon ko siya.

Hindi na mangyayari iyon. Inirapan ko na lang siya ng mata at tuluyang iniwan mag-isa sa Gym.

Sa ngayon gusto ko lang talaga mag concentrate sa team kaya bahala ka na diyan Deana.

....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now