86

1.6K 66 4
                                    

Jema's POV

Pagkatapos kong magulat sa pagka close nina Deana at ng kapatid kong si MAFE, ngayon nagugulat na naman ako sa babaeng kaharap ko ngayon.

Last week lang siya nandito sa bahay ngayon nadito na naman siya.

Hi. Bati sa akin ni Deana ng pinagbuksan ko siya ng pinto. Pwede bang pumasok. Sabi pa nito dahil umuulan ng malakas sa labas.

Natulala lang ako sa kanya at hindi na nakapagsalita pa.

Jem? Tawag pansin ni Deana sa akin. Papasok naman. Basa na ako. Reklamo nito kaya umatras na ako ng konti para makapasok siya sa pintuan.

Wala dito si Mafe. May training yun sa UST. Direkta kong sabi sa kanya.

Hindi naman si Mafe pinunta ko dito. Mahinahon niyang sabi sabay lapit sa akin. Hindi pa rin ako maalis sa kinatayuan ko malapit sa pintuan.

Ano ba kasi kailangan mo. Inis kong tanong.

Nakaka-inis na kasi eh. Kung kailan na unti-unti na ako nakaka move-on andito na naman siya. Ilang ulit niya na akong iniwan sa ere pero ganun pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang malakas na kabog ng aking dibdib sa tuwing lumalapit siya sa akin. Naiinis na ako kasi marupok ako. Konting effort lang ni Deana, nadadala na ako.

Suplada mo naman. Sabi pa nito habang nakangiti. Well, matagal ko na kasi hinhintay yung text mo pero wala talaga akong text na natatanggap. Baka kasi nakalimutan mo na yung phone number ko kaya nag kusa na akong pumunta dito.

Ano!? Gulat kong tanong. At bakit naman kita itetext abir!!!!?

Grabe ka naman makasigaw. Hindi naman ako bingi. Reklamo pa nito at hinimas himas ang tenga niya.

Eh ano nga!!!!? Dagdag ko pa?

E di ba dapat tuturuan mo yung mga students mo ng basic volleyball? Nangako ako dun sa bata na tutulong ako pero parang wala ka yatang balak na isali ako sa klase. Seryosong tugon nito.

Ano? Hindi naman kailangan na nandun ka. Kaya kong turuan ang mga batang mag-isa. Magkaharap na kami ni Deana. Nakasandal na ang likod ko sa nakasirang pintuan. Parang kinakabahan ako sa sobrang lapit ni Deana. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya.

Lalo niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko at napapikit na lang ako sa kaba.

Jema? Bulong niya sa akin. Parang nakayakap na siya sa akin kaya napadilat ako ng mata.. Ang mga kamay niya ay nakahawak na sa mga balikat ko. Malapit na magdikit ang mga katawan namin habang bumubulong siya sa tenga ko.Tuturuan ko ang mga bata kasama ka. Kung ayaw mo akong icontact, ako mismo ang pupunta sa school niyo. Baka nakalimutan mo, Si Ate Charo ang may ari ng school niyo kaya pwede akong dumiritso sa kanya. Nilayo na niya ang katawan niya sa akin at hinarap ang mukha niya sa mukha ko at ngumiti. Wala ka na bang sasabihin? Tanong niya sa akin.

Hindi ako makakilos sa kinatayuan ko. Walang salita na lumalabas sa bibig ko. Umiling na lang ako sa kanya.

I know it's kinda awkward. Sabi niya pa. But i just can't stop myself. Miss na miss na talaga kita Jema.

Ayaw ko ng masaktan Deana. Kaya kung iiwan mo rin naman ako, gawin mo na yun ngayon. Huwag mo na ulit akong paasahin sa mga pangako mong napapako. Bigla kong nasabi yun na may mga namumuong luha sa mga mata.

Jema? I'm... Hahawakan na sana ni Deana ang mukha ko ng iwakli ko iyon.

Umuwi ka na pwede!? Sabi ko ng nakayuko. Pilit kong itinatago ang mga luhang pumatak mula sa mga mata ko. Hindi ko na siya tinignan kasi ramdam ko na ring umiiyak siya. Please. Umuwi ka na. Mahinahon kong tugon, at pinagbuksan siya ng pintuan.

Tahimik na lumabas si Deana ng pinto. Agad ko naman iyon isinara. Napasandal ulit ako sa pintuan at napa-upo sa kakaiyak.

Paano ko ba pagkakatiwalaan ngayon si Deana? Paano ko iaasa ulit ang puso ko sa kanya? Paano ko ba siya mabibigyan pa ng isa pang pagkakataong saktan ako?

.....

Deana's POV

Hindi umubra ang pa cute ko kay Jema kahapon kaya maaga ako nagising ngayon para makapunta ng school kung saan siya nagtuturo. Tinawagan ko na rin si Ate Charo sa plano ko. Pumayag naman siya pero bawal daw PDA masyado. Mga bata pa kasi ang idedeal namin.

Hiniram ko muna ang ibang gamit ng ATENEO. Okay lang naman kay Ate Maddie. Wala naman training ngayong araw. Nagdala ako ng isang bag na bola, isang net at medical kit.

Pagdating ko nung school gym, sinalubong na agad ako ni Ate Jia, siguro napaalam sa kanya ni Ate Charo ang plano ko.

Ayusin mo tong gulong ginawa mo ha!!!! Pambungad ni Ate Jia sa akin habang namemewang. Pag sinaktan mo pa ulit si Jema. Naku Deana Wong, Mata mo lang ang walang latay. Sinasabi ko sa iyo. Banta sa akin ni Ate Jia habang nakataas kilay.

Gagawin ko na ng tama ang lahat. Sabi ko na lang.

Dapat lang!!! Sabay batok sa akin. Matagal ko ng gusto gawin ito sa iyo. Binatukan niya pa ako ng mga sampung beses. Tinigilan niya lang ako ng nadatnan na kami ni Kyla sa Gym.

Hoy Jia. Killer ka na ba ngayon? Sigaw sa amin ni Kyla. Balak mo bang patayin yang si Wong? Natatawang sabi pa nito.

Mapapatay ko talaga ito pag hindi pa siya nag-ayos. Tinadyakan pa ako ni Ate Jia sa kanang paa.

Aray naman. Sakit kaya. Reklamo ko.

Wala yan sa sakit na ginawa mo kay Jema. Galit na sabi niya sa akin at sinipa ang kaliwa kong paa.

Tama na nga yan Jia. Nako makukulong ka ba niyan eh. Sabi nito at hinila na si Ate Jia palayo sa akin. Ano ba ang plano mo Wong? Tanong ni Kyla ng mahiwalay niya na kami ni Ate Jia.

I just want to help her with this. I made a promise kasi sa studyante niya na tutulong ako sa pag turo sa kanila ng larong volleyball. Tipid kong sabi.

Yun lang? Wala kang balak to win her back? Sarcastic na tanong ni Ate Jia.

If i want her back, i have to do it step by step. Kailangan ko munang ibalik ang tiwala niya sa akin. Hindi ko na siya madadaliin tulad ng dati. Paliwanag ko sa kanila. Alam kong hindi madaling maibalik ang nasirang tiwala. Pero gagawin ko ang lahat para patunayan kay Jema na nagbago na ako. Hindi na ako ang duwag na Deana na iniwan siya.

Tahimik lang ang dalawa. Hindi ko alam kong kumbinsido ba sila sa isinagot ko pero natuwa na rin ako na tinulungan nila akong iset up ang Gym para sa mga bata.

Maya maya pa ay nagsidatingan na ang mga guro at mga estudyante sa paaralan. naiwan na ako sa Gym mag-isa kasi kailangan pang puntahan ni Kyla at ate Jia ang kanya-kanyang mga klase.

Nag-ipon na ako ng lakas na loob para puntahan si Jema sa classroom niya. Naituro naman ni Kyla sa akin kaya hindi na ako naligaw. May ikenukweto pa siya sa mga bata kaya tahimik lang muna akong nanood sa kanya. Masaya siya habang nagkwekwento. Kitang kitang natutuwa siya sa mga estudyante niya. Ng natapos na ang kwento niya kumatok na ako kaya napalingon na sa akin si Jema. Nawala ang ngiti niya ng makita niya ako.

Kunot noong lumpit siya sa akin at bumulong Anong ginagawa mo dito? Tanong niya.

Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit kinakabahan ako. Naayos ko na ang Gym para sa mga bata. Naipaalam ko na rin kay Ate Charo. Sabi ko sa kanya.

Itinuloy mo talaga? Taka niyang tanong.

Bakit hindi mo subukang puntahan para makita mo. Hikayat ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya pero winakli niya ito.

Sige. Mauna ka na dun sa Gym. Susunod kami. Magbibigay lang ako ng instruction sa mga bata. Utos niya sa akin sabay irap ng mata.

Ang cute niya pa rin magtaray. Hindi pa rin nagbago. Kung gaano ko siya hinangaan nung una, ganon pa rin sa pahanggang ngayon. Sana this time hindi ko na mabigo pa ulit si Jema.

.....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now