74

1.4K 48 0
                                    

Jema's POV

Natuwa naman ako sa effort ni Deana na dalhan ako ng Omelet at Hotdog para sa breakfast. Talagang nadamay pa ang buong team para lang maihatid ito sa akin.

Maaga na ako nagising kaya nag jogging na lang ako. At nag kape sa Starbucks.

Hoy Galanza!!! Sigaw ng familiar na boses. Napalingon ako at nakita kong naka bungisngis na si Ate Jia sa akin.

Ang aga mo yata? May training ba tayo? Tanong ko sa kanya.

Wala naman. May assignment lang kasi ako. You know naman in demand. Sabi pa nito sabay smirk.

Anong assignment? Tanong ko pa.

Ikaw. May binulong siya na hindi ko masyadong marinig.

Ano yun? Tanong ko sa kanya.

Secret! Sabi niya sabay ngisi.

Nakakaloko yung ngiti ni Jia kaya parang kinutuban ako.

Ano nga yun? Pamilit ko pa sa kanya subalit Tinalikuran niya na ako.

See you the soonest Galanza. Sabi pa nito sabay wink.

Iwan ko ba pero kinutuban ako sa mga kinikilos ni Jia kaya hinabol ko siya.

Morado! Tawag ko sa kanya kaya tumakbo na siya palayo sa akin. Hindi ko na siya hinabol. Humanda siya sa akin pag nagkita kami.

Pagkatapos mag kape umuwi na ako ng Apartment para makapag prepare na for school. Gagraduate na ako ng college. Hindi ko na enextend ang playing year ko sa UAAP kasi kailangan na ako ng pamilya lalo pa't mag cocollege na rin ang kapatid kong si Mafe. May opportunity na naman ako kaya grab ko na.

Ang aga kong dumating ng Orientation kaya hindi na ako nagulat na wala pa ang ibang graduating students. Nanood na lang ako ng videos sa You tube habang naghihintay ng may biglang may umabot sa akin ng isang boquet ng Sun Flower.

Galing kanino to? Tanong ko sa estudyanteng nag abot sa kin nung bulaklak. Tiniro niya naman kaya napalingon ako.

Nagulat ako sa nakangiti sa harap ko. Jia? Gulat kong tawag sa kanya.

Yan yung assignment ko. Pinaki-usapan ako ni Deana. Sabi niya sabay abot sa akin ng isang papel. Panoorin mo raw siya mamaya sa game nila.

Eh bakit hindi mo na lang binigay kanina nung nagkita tayo. Taka kong tanong sa kanya.

Close pa kasi yung flower shop na binibilhan ni Deana ng mga sun flower na yan. Sabi nito sabay hampas ng likod. Ayieee... Kilig na yan. Tukso pa nito sa akin.

Tinaasan ko na lang siya ng kilay. Umalis ka na nga baka maabutan ka pa ng mga tao dito magkagulo pa. Alam ko naman kasi kung gaano ka sikat si Jia kaya marami siyang mga taga hanga kahit dito sa Adamson.

Sabi kasi ni Deana I'll make sure daw na manonood ka mamaya. Sabi pa nito.

Okay fine. Manonood ako. Hindi naman ako yung tipong ng iindian tulad ni Deana. Pagsusungit ko pa, tumawa na lang si Jia.

Sungit!!! Sigaw niya sa akin bago tulyang lumabas.

Ngayong official na kami ni Deana, responsibilidad kong supportahan siya sa lahat ng mga ganap niya sa buhay. Kahit naman hindi ako sinabihan ni Jia. Pupunta naman talaga ako sa game niya.

Pagkatapos ng Orientation ay nag lunch muna kami ni Ate Mylene at Fhen.

Ang dami na nangyari auh. Sabin i Mylene ng malaman niya yung tungkol sa amin ni Deana. Okay ka lang ba? Naitanong niya kay Fhen dahil tahimik lang ito sa tabi niya. Parang hindi ka pa naka move-on auh.

Ano bang pinag sasabi mo Mylene. Ako nga yung tumulong kay Deana noh. Sabi pa nito sabay kuha ng isang basong tubig at tinungga ito.

Eh bakit ganyan ka? Suya pa ni Ate Mylene sa kanya. Tumahimik lang ako.

Anong bakit? Takang tanong nito.

Bakit ka tense ha. Sabi pa ni Ate mylene. Tinignan ko si Fhen. Nakayuko lang siya at umiiwas ng tingin sa akin. Ano na? Let's be honest. Total naman hindi na tayo ganun kadalas magkikita. For friendship sake. Ano bang nararamdaman mo ngayon Fhen? Alam kong masaya na si Jema, how about you?

Masaya. Tipid na sagot ni Fhen. Nanatili lang siyang nakayuko. Hinintay pa naming siyang magsalita kaya walang nagsalita sa amin ni Ate Mylene. Napa-angat naman si Fhen ng tingin sa akin ng maramdaman niya na tahimik lang kami. Masaya ako dahil masaya ka. May nakita akong namumuong luha sa mga mata niya pero napigilan niyang tumulo ito. Huwag kang mag-alala Jessica. You will always be here in my heart, pero asahan mong magiging okay din ako. Hahanap din ako ng hihigit sa iyo. Ningitian niya ako kaya napangiti na rin ako sa kanya.

Makakahanap ka rin ng taong deserve mong mahalin. Sabi ko pa sa kanya.

IIyak na ba ako. Biro pa ni Ate Mylene ng nakatitigan at natahimik na kami ni Fhen

Na!!! Hindi naman malungkot eh. Sabi pa ni Fhen. Magkikita pa rin naman tayo. Hindi man bilang team mates pero bilang magkaibigan.

Tama!!!!!! Sabi pa ni Ate Mylene at hinila kami ni Fhen papunta sa kanya at napayakap na siya sa amin. Mature na ang mga babies ko.

Hindi madali mag move-on. Pero alam kong kakayanin naman ni Fhen. Laking pasasalamat ko na kahit natapos na ang kwento namin at maglalakbay na kami na hindi magkasama, nanatili naman ang mga ala-ala ng isa't-isa sa puso namin.

.......

Deana's POV

Busy kami masyado ni Jema kaya pinaki-uspan k okay Ate Jia na bilhan si Jema ng bulaklak at iabot din sa kanya ang free ticket para sa laro naming mamaya.

Kabado? Tanong ni Ate Bea sa akin.

Ewan ko ba. Basta makaharap natin ang La Salle, kinakabahan ako. Sabi k okay Ate Bei.

Ako nga parang nilalagnat. Sabi naman ni Ate Bea.

Guys. Chill lang. Huwag tayo paapekto sa kanila. Kaya naman natin makipag sabayan sa kanila. Laban tayo. Sabi naman ni Ate Maddie sa huddle.

Hawak kamay naman kami ni Ate Bea. Parang nilalagnat talaga siya. Baka may Hang-over. Naglasing pa ito kagabi. Si Ate Jhoana naman parang wala din sa sarili. Hindi nga maka-usap. Parang lumalayo pa sa amin.

Hindi naging maganda ang nagging laro naming sa court. Maliban kasi sa tension sa pagitan naming ng La Salle may talagang Tensyon din kaming naramdaman mismo sa aming team.

Nag-effort naman kami pero kinulang talaga. Hindi 100% ang laro naming ngayon. Napaiyak na lang ako. May humila sa akin, Si Ate Jia.

Good job Deans. Bawi tayo next Season. Bulong niya sa akin habang umiiyak ako.

Hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak kahit hanggang sa dug-out. Hila hila na ako ni Ate Jia. Sumusunod lang din ako sa kanya.

Oh ito na. Sigurado akong ngingiti ka na. Sabi sa akin ni Ate Jia ng matigil na siya sa paghila sa akin. Inangat ko ang tingin ko at nagulat na ako sa nakita ko. Si Jema. Lalo akong umiyak kaya napayakap si Jema sa akin.

Tahan na. You did well Bi. Sabi niya na may malambing na boses. Hinimas himas niya rin ang likod ko. Para akong bata sa mga bisig ni Jema. Napapagaan niya talaga ang loob ko. Ramdam na ramdam ko na mahal niya ako.

....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now