54

1.5K 45 0
                                    

Deana's POV

Masakit na makitang umiiyak ang mahal mo pero natutuwa naman ako kasi pinili niya akong iyakan. Sa dami daming taong dapat tawagan ako talaga ang una niyang inisip.

Dahan dahang huminahon na siya kaya inangat ko na ang mukha niya at pinunasan ng panyo ang mga luha niya. Anong nangyari.

Ayaw ko ng pag-usapan. Diin niyang sabi habang nakataas ang kilay. Pagkatapos ng lahat susungitan niya na ako, kaya napangiti ako. Anong ngiti yan ha? Tanong niya.

Okay ka na yata kasi nag susungit ka na. Sabi ko at hinampas niya naman ang balikat ko kaya napalayo ako sa kanya. Ang sakit niya kayang manghampas.

Libre kita ng dinner. Yaya niya sa akin. Sorry kung naisturbo pa kita.

Wala naman akong ginagawa kaya okay lang. Saan mo gusting mag dinner? Dala ko ang sasakyan kaya pwede tayong gumala. Sabi ko sa kanya.

May alam ka bang Ramen House? Balita ko paborito mo yun. Sabi niya sa akin sabay layo ng tingin.

Essss. Nistalk mo ako noh. Tukso ko sa kanya.

Yuck ha. Nandidiri niyang sabi. Nakwento lang ni Pauline minsan sa akin. Dahilan niya pa pero nag wink lang ako sa kanya, at agad niya naman akong sinipa sa paa.

Umalis na rin kami papuntang malapit na Ramen House, nag sombrero pa siya para daw iwas isyu. Naupo kami sa pinakasulok ng lugar para maitago niya ang kanyang sarili. Tawang tawa naman ako sa kanya.

Huwag mo nga akong pagtawanan. Umurder ka na dun. Utos niya sa akin. Kung ano sa iyo yun din sa akin. Sabi niya pa sabay bigay ng pera sa akin. Inabot ko rin naman kasi hindi ako nakadala ng wallet sa sobrang pagmamadaling puntahan siya.

Ng sa counter na ako may kumalabit sa akin. Si Fhen.

Uy? Andito ka pala. Bati niya sa akin. Sino kasama mo? Tanong niya.

Si Jema. Bulong ko sa kanya.

Napa smirk lang siya. Buti naman pinuntahan mo siya. Hindi maganda ang mood niya nitong nakaraang linggo. Pagbabalita niya sa akin. Kulang yata sa love life kaya nag susungit. Dagdag niya pa.

Ano ba kasi ang nangyari ha. Taka kong tanong sa kanya.

Na frustrate yata sa team. Alam mo na. Wala pa kaming panalo this past 3 games. Natalo pa kami sa inyo. Sabi niya. Sinusubukan naman naming eh. Pero di talagang kinakaya.

Kilala mo naman si Jema di ba. Sabi ko pa. Hindi yun nagpapatalo.

Alam ko. Kaya nga todo sikap din kami. Kaso hindi niya naapreciate kasi puro pagkakamali lang naming ang napupuna niya. Sabi pa nito. Siguro nga talagang kulang siya sa love life.

Nagtawanan pa kami ng biglang may lumapit kay Fhen na babae. Fhen. Lipat ako dun sa kabilang table. Ang lamig kasi dun. Paalam ng babae at nag smile sa akin at agad namang lumayo para maglipat ng upuan.

Sino yun? Tanong k okay Fhen.

Bagong prospect. Pamalit sa first love. Ngiting sabi nito.

Mapapalitan ba yun? Biro ko sa kanya.

Biglang sumeryoso ang mukha niya. Hirap nga eh. Kahit ano gawin kong paghahanap wala talagang katulad si Jessica. Binigyan niya ako ng pilit na ngiti. Kaya huwag mo ng pakawalan si Galanza, kahit naman masungit yan masrap magmahal yan. Sabi pa nito.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Naawa naman ako sa kanya pero at the same time natuwa ako dahil pinakawalan niya si Jema. Hindi ko dapat sayangin ang sakripisyo ni Fhen para sa aming dalawa.

....

Jema's POV

Sumakit bigla ang ulo ko. Siguro dahil sa iyak ito kaya pinikit ko muna ang mata ko para maka idlip.

Nagising na lang ako sa amoy ng ramen na dumaan sa ilong ko.

Hoy Deana. TAwag ko sa kaharap ko na sumusubo nan g Ramen. Bakit hindi mo ako ginising. Sabay sipa sa paa niya sa ilalim ng misa.

Aray naman. Reklamo niya. Ang sarap kasi ng tulog mo. Nahiya naman akong gisingin ka. Sabi niya pa sabay wink sa akin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at kinuha din ang chopstick para makakain na rin. Nagkwekwento naman di Deana tungkol sa training niya na kasama si Jia. Natatawa ako sa mga kwento niya. Parang exaggerated, alam ko namang gusto niya lang akong patawanin.

Nakatitig lang ako kay Deana. Alam ko sa puso ko siya lang talaga ang sinisigaw nito noon pa. Alam kong hindi pa ako handa pero heto ako ngayon, tuwang tuwa dahil kasama ko siya. Ano ba talaga ang pumipigil sa akin? Hindi ko na rin alam. Natatakot lang siguro ako baka mapagod siya at iwan din ako tulad ng iba.

.....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now