79

1.4K 52 3
                                    

Jema's POV

Hindi ko alam pero lagi ko pa ring inaalala si Deana. Lagi nga ako dumadaan sa Ateneo para masulyapan lang siya. Pero lagi naman daw siya nakakulong sa kwarto niya. Napapagalitan na nga ako ni Pauline eh kasi daw masyado akong nagpapakatanga.

Nandito na naman tayo? Tanong ni Jia  ng hininto ko ang sasakyan ko sa harap lang ng Ateneo. Sumabay na kasi siyang umuwi sa akin kasi coding ang sasakyan niya. Malapit lang naman ang apartment ko sa bahay nila eh. Nababaliw ka na talaga. Sabi pa nito sabay irap ng mata sa akin.

Bumaba na ako ng sasakyan at sumabay naman sa akin si Jia papasok ng Dorm nila. Ano pa ba ang gagawin mo dito ha? Hindi ka na papansinin nun. Bulong pa ni Jia sa akin habang naglalakad kami.

Nagkunwari na lang akong walang naririnig at ningitian siya.

Hai naku Galanza. Iba ka talaga. Ang hilig mong saktan ang sarili mo. Inis na sabi nito sa akin pero hinayaan ko na siya.

Nasa labas lang kami ng dorm ng makita namin sina Maddie at Bea. Galanza! Sigaw ni Maddie. Andito ka naman? Ang kulit mo din noh. Natatawang sabi nito.

Wala kang mapapala dito Madam! Dagdag pa ni Bea.

Kamusta na siya. Tipid kong tanong. Alam naman nila ang ibig kong sabihin.

Ganun pa rin. Isolated. Direktang sabi ni Maddie.

Hindi pa rin siya namamansin? Tanong ko.

Umiling lang ang dalawa. Kahit nga si Jules sinukuan na siya. Sabi pa ni Bea. Si Jules raw kasi ang clown ng team kaya siya yung nilipat sa kwarto ni Deana para daw mag ka positive vibes ito.

Puntahan ko kaya. Sabi ko.

Yan ang huwag na huwag mong gawin! Diing sabi ni Jia. I won't let you hurt yourself again.

Gusto ko lang naman siyang kausapin. Sabi ko ko pa sa tatlo.

No way Galanza! Sabi ni Maddie. 

Sige na. Hindi ko naman siya aawayin eh. Pang kumbinsi ko sa kanila.

Alam namin na hindi mo siya aawayin. Si Deana. Masasaktan ka niya ng sobra. Sabi naman ni Bea.

Pero kumbinsido pa rin ako na puntahan si Deana sa loob ng dorm. 

Kahit sa labas lang ako ng kwarto niya. I Just want her to hear what i'll say. Sabi ko sabay ngiti sa kanila.

Ayan! Dinadaan mo kami sa pa cute mo eh!!! Reklamo pa ni Jia.

Please. Nag puppy eyes na ako sa kanila. Nagmamakaawa na sana payagan na nila ako.

Shit!!!! Sabay nilang sabi kaya natawa ako.

Ano pa nga ba. Eh ikaw naman lagi ang nasusunod. Sabi pa ni Jia.

Madam talaga. Dagdag pa ni Bea habang nakabusangot.

Natuwa naman ako sa mga kaibigan namin ni Deana. Kahit papano dahil sa kanila lumalakas ang loob ko kasi alam kong hindi nila ako pababayaan.

....

Deana's POV

Ganon pa rin ang routine. After school diretso na sa Dorm lalo na pag walang training. Napagod ako kaya natulog na lang ako.

Nagising ako dahil sa ingay sa baba. May mga nagtatawanan kaya napasilip ako sa bintana. Nakita ko si Ate Jia. Pinagtutulak niya pa yung isa niyang kasama. Hindi ko makita kung sino kasi nakaharang sina Ate Bea at Ate Maddie. Siguro si Ate Ella yung kasama ni Ate Jia. Gusto ko sanang puntahan si Ate Jia pero alam kong galit ito sa akin dahil sa nagawa ko kay Jema kaya hindi ko na tinuloy. Nahiga na ako sa kama ko at pinilit ipikit ito.

Naka idlip ako ng sandali pero nagising ulit dahil sa nagsasalita sa labas lang ng pintuan ng Kwarto ko.

Familiar yung boses pero parang malabo.

Deans? Alam kong naririnig mo ako. Hindi ka naman bingi eh. Uhm. Huminto siya saglit siguro nag-iisip ng sasabihin. Simula ng makilala kita alam ko sa sarili ko na mahal na kita. Hindi ko man iyon napadama nung una pero kahit kailan hindi ako nahinto sa pagmamahal sa iyo. Sana bumalik ka na sa dati. Okay lang sa akin na maging pabling ka at makipag harutan ka sa mga girls tulad ng dati. Parang nararamdaman kong umiiyak yung nagsasalita. Huwag mong e-isolate ang sarili mo at umiwas sa mga taong nagmamahal sa iyo. Nandito mga kaibigan mo hu. Nag-alala na sila sa iyo. Ang mga kapamilya mo, hindi ka nila tinatalikuran. Huwag mo sanang isipin na nag-iisa ka lang. Ang dami yatang nag mamahal sa iyo. Ako. Mahal din kita. Hihintayin ko pa rin ang panahon na nakalaan para sa atin. Andito lang naman ako eh. Narinig kong humahagulgul na sa sa pag iyak. Nilapitan ko na ang pintuan. Alam ko na kung sino ang nasa labas. Si Jema. ANg babaeng minahal ko at nasaktan.

Kahit una ko siyang sinukuan nandito pa rin siya para sa akin. Naiyak na rin ako. Gustong gusto ko na siyang yakapin pero hindi ko pa kayang humarap sa kanya.

Mahal din kita Jema. I'm sorry kung nasasaktan na naman kita. 

Nandito lang ako para sa iyo Deana. Mahinahong sabi ni Jema. Huwag mong kakalimutan na bago mo pa ako naging Ex, O naging girlfriend. Naging Mag bestfriend pa tayong dalawa.

Lalo akong naiyak sa narinig ko mula sa kanya. Kahit nasaktan ko siya ng lubusan, walang pagkamuhi na nababahiran ang kanyang puso. Sana magkaroon din ako ng lakas na loob na yakapin ulit ang taong mahal ko.

....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now