75

1.4K 49 0
                                    

Deana's POV

Ngayon ang araw na makikita ko ulit si Jema. Mga limang buwan din yata kaming walang ganap dahil sa nakabilang siya sa National Team. Panay training at out of the country si Jema. Kahit Video Chat hindi namin magawa sa sobrang kabusyhan. Kung available siya ako naman tung busy. Hindi talaga mag tugma ang oras naming dalawa.

Alert na diyan Deana. Mahuhuli na tayo sa Airport. Sigaw sa akin ni Pauline. Ngayon kasi ang dating ni Jema at Kobe galing Singapore. Naglaro kasi sila pareho sa Sea Games. Si Jema sa volleyball at si Kobe sa Basketball.

Dali dali na akong bumaba ng Dorm at patakbong pumunta sa parking lot. Nasa Driver's seat na si Pauline ng nadatnan ko siya. Ang tagal mo naman Wong. Reklamo nito at agad ding pina-andar ang kotse.

Dumaan muna kami ng flower shop para makabili ako ng bulaklak para kay Jema. Bumili din si Pauline ng pwede niya ibigay kay Kobe.

Ng makarating na kami ng Airport nag hintay na kami sa exit. Madaming tao. May mga reporters pa dun. 

Shit naman. Nabulong sa akin ni Pauline ng makita namin kung gaano kadaming tao sa airport. Pano pa natin makikita ang mga Galanza nito?

Hinila ko na si Pauline palayo sa mga reporters. Buti na lang hindi kami napansin ng mga iyon. Pagkaguluhan kami pag nagkataon.

Text na lang tayo na dito na lang tayo sa parkinbg lot maghihintay sa kanila. Suggestion ko kay Pauline.

Malabo yan. Hindi na yun mapapansin ang cellphone nila. Madaming tao hu. Hirap naman magkasyota ng sikat. Reklamo pa ni Pauline.

Nagtago na kami sa mga tao. Naka sombrero at sun glasses na kami. Parang timang na kaming naghihintay sa dalawa.

Guys. Nagulat naman kami sa tumawag sa amin. Napalingon ako sa nakangising si Cy. Ano pa ang ginagawa niyo dito?

Syempre naman naghihintay ng mga syota namin. Sarcastic kong sagot sa kanya.

Wala na sila dito. Sabi pa nito kaya nanlaki mga mata namin ni Pauline. Hinampas pa siya ni Pauline sa likod.

Anong pinagsasabi mo. Diing sabi ni Pauline sa kanya.

Chill guys. pwede ba? Sumunod na lang kayo sa akin. Sabi nito at nauna ng maglakad. Sumunod naman kami ni Paulline sa kanya.

May dalawang taong nakatayo malapit sa kotse ni Cy. Nakangiti yung dalawa sa amin. Napatakbo na ako patungo sa kanila at niyakap ang pinakahihintay kong tao. Namiss ko talaga siya. Hey bi! Sabi pa ni Jema ng mapayakap ako sa kanya.

Kanina pa kami naghintay dun sa loob, nandito na pala kayo. Sabi ko kay Jema.

Pinadaan na kami sa likod dahil madaming tao. Sabi pa ni Jema habang nakangiti.

Masanay na kayo. Sikat yung shinota niyo eh. Pagyayabang pa ni Kobe sa amin.

Sa lahat ng kapamilya ni Jema, si kuya Kobe pa lang talaga ang nakaka-alam tungkol sa relasyon namin. Hindi pa talaga kami nagpapakilala na kami dahil sabi ni Jema hindi pa raw siya handa. Naintindihan ko naman siya. Sikat siya. Maraming mga bata umiidolo sa kanya. Yung Mother niya isa pang guro sa kilalang Catholic School sa Laguna. Madadamay ang work ng mother niya pag nalaman ng publiko yung tungkol sa amin.

Bi. Lunch tayo. Gutom na ako eh. Sabi pa ni Jema sa akin.

May ibibgay pala ako sa iyo. Inabot ko sa kanya ang binili kong bulaklak. Ngumiti naman siya at hinalikan ako sa pisngi.

Salamat. Sabi niya pa at niyakap ako. Natuwa naman ako sa appreciation na pinakita niya.

So? kay Cy na kayo sumakay. Sabi pa ni Kuya Kobe sabay bigay ng makahulugang tingin kay Jema. Tilang nagsasabing, "Gusto kong solohin ang girlfriend ko."

Sige. Dito na kami kay Cy sasabay. Agad namang sumang-ayon si Jema.

And again. Ako na lang lagi ang third wheel. Sabi na lang ni Cy sabay buntong hininga.

Maghanap ka na ng ipapalit diyan sa kapatid ko kasi hindi kayo talo niyan. Biro pa ni Kuya Kobe sa kanya kaya tumawa na rin kami.

Naghiwalay na rin kami kina Pauline kaya nakasakay na kami sa sasakyan ni Cy. Ako na sa harapan kasi gusto raw umidlip ni Jema sa likod. Si Cy na nagdrive papunta sa pinakamalapit na kainan.

Nahirapan ka ba? Tanong naman ni Cy sa akin ng makatulog na si Jema sa likod.

Anong sinasabi mo? Taka kong tanong.

Mahirap na itago. yung hindi ka mapagmamalaki. Seryosong sabi ni Cy. Parang tinamaan ako dun sa tanong niya.

Hai. Napabuntong hininga na rin ako. Kailangan ko siyang intindihin. Marami pa kasi siyang inaalala.

I know na ginagawa mo lahat para kay Jema. Sana huwag kang magsawa. Sikat kasi siya. Madaming tagahanga at the same time may mga bashers din na naghihintay para siraan siya. Hindi mo naman ma please ang lahat. Sabi pa ni Cy Kahit gaano pa kagaling at kaganda ni Jema may mga tao talagang hindi siya gusto. Kaya ingat kayo sa mga galaw niyo Wong. Madaming makakating dila sa paligid.

Sana nga darating din ang araw na hindi na namin kailangan mag tago. Nasabi ko na lang.

Dadating rin naman yun sa tamang panahon. Pag pareho na kayong malakas at handa ng harapin ang pagsubok ng pinili niyong pag-ibig. Alam naman natin na hindi pa tuluyang tinatanggap sa publiko ang ganyang klaseng relasyon. Sabi niya pa. Natahimik naman ako at tumungin na sa labas ng bintana. Nakita ko yung Picture ni Jema sa billboard.

Napalingon ako kay Jema sa backseat. Natahimik na rin si Cy. Hindi ko hahayaan na mahirapan si Jema dahil sa akin. Kaya hanggang kaya ko pa, ipagtatanggol ko si Jema. Hindi ko siya ipapahamak.

.....

Best Of FriendsWhere stories live. Discover now